Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2019

Mga buwaya sa katihan

MGA BUWAYA SA KATIHAN dapat ikulong ang mga buwaya sa katihan lalo na't sila'y nangunguna sa katiwalian bagamat ginagalang ang kanilang karapatan sila'y dapat managot sa kanilang kasalanan sino pa nga ba ang mga trapong dapat makulong kundi yaong sa kaban ng bayan ay nandarambong kumbaga sa droga, sa pagnanakaw nalululong sa paglilingkod ba sa bayan sila'y nabuburyong? bago kumandidato, pag-aari nila'y konti nang manalo't pumuwesto na'y giri na ng giri aba, ngayon nga'y kayrami na nilang pag-aari mukhang sa katiwalian nagmula ang salapi dapat ibagsak ng tuluyan ang gahamang trapo ang serbisyo sa bayan ay ginawa nang negosyo - gregbituinjr.

Kapitalismo'y kailan ba nila ibabagsak?

KAPITALISMO'Y KAILAN BA NILA IBABAGSAK? patuloy na pinipiga nitong kapitalismo ang lakas-paggawa ng masisipag na obrero tuwang-tuwa't limpak na tubo'y iaakyat nito nang kamtin daw ng kumpanya ang tunay na progreso sa historya, obrero'y mga sahurang alipin na pag di raw sila gumawa'y walang kakainin dapat bumalik bukas upang trabaho'y tapusin magkayod-kalabaw sila hanggang ang kota'y kamtin di mabayarang-tama ang lakas-paggawa nila kumakayod sa ilalim ng bulok na sistema di pa makita ng obrerong binubuhay pala nila'y mga tuso't halimaw na kapitalista kailan malalamang sila'y aliping sahuran hirap na hirap na'y di masabing nahihirapan pagkakaisa ng uring manggagawa'y kailan sa ganid na kapitalismo'y kailan lalaban dapat mabatid nilang kapitalismo'y bulagsak tinuturing ang obrero'y makina't mga tunggak mababa ang sahod, kapitalista'y naninindak kapitalismo'y kailan ba nila ibabagsak? - gregb...

Tula hinggil sa tagapagpadaloy

TULA HINGGIL SA TAGAPAGPADALOY ni Greg Bituin Jr. 1 tagapagpadaloy - tulad sa bangka, tagatimon sa aktibidad upang umayos at naaayon sa takdang adhika at layuning napapanahon nang sa mga isyu’t problema'y agad makatugon 2 at siya’y kumikilos din bilang tagasuporta sa gawain, maiayos ang daloy ng programa naglalatag din ng tiwala sa nakakasama nang mapalitaw ang mga malikhaing ideya 3 dapat umiral ang tiwala at pagiging bukas nang mabuo ang istratehiyang magpapalakas sa kanila't mayroon ding planong magpapagilas upang makatugon sa isyu’t problemang namalas 4 impormasyon hinggil sa puntiryang grupo'y malaman upang likhain ang motibasyon at kamalayan upang magkaroon din ng kumpiyansa ang tanan upang tukoy na problema'y mabigyang katugunan 5 may kampanyang motibasyon ang tagapagpadaloy alamin ang problemang magdadala sa kumunoy upang malutas na ang isyu’t problemang natukoy at mga kalahok ay bigyang inspirasyon tuloy 6 mabuhay ang tagapagpadalo...

Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang

Imahe
Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang Philippine Daily Inquirer, Agosto 29, 2019 Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr. Walang alinlangang tayo'y nasa panahon ng ligalig. Lahat ng hintuturo mula sa pamahalaan at masmidya ay tila nakaturo sa mga estudyanteng aktibista bilang "salot ng bayan" sa pinakamabuti, at tagakalap ng kasapi ng rebeldeng grupong komunista sa pinakamasahol. Alam naming maaari ninyong maramdamang dapat ninyo kaming protektahan mula sa galamay ng ating kasundaluhan, kapulisan, at iba pang elemento ng estado sa pamamagitan ng pagsira ng aming loob mula sa pagtungo sa mga lansangan... ngunit nais naming maglaan kayo ng panahon upang maunawaan kung bakit sa pangunahin ay naging aktibista ang inyong mga anak. Nananahan ang inyong mga anak sa daigdig kung saan sa bawat sulok ng kanilang mga mata, ay napapalibutan sila ng mga resulta ng isang lipunang hinati-hati ng di mapigil na kapitalismo. Sa kanang baha...

Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang

Imahe
Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang Philippine Daily Inquirer, Agosto 29, 2019 Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr. Walang alinlangang tayo'y nasa panahon ng ligalig. Lahat ng hintuturo mula sa pamahalaan at masmidya ay tila nakaturo sa mga estudyanteng aktibista bilang "salot ng bayan" sa pinakamabuti, at tagakalap ng kasapi ng rebeldeng grupong komunista sa pinakamasahol. Alam naming maaari ninyong maramdamang dapat ninyo kaming protektahan mula sa galamay ng ating kasundaluhan, kapulisan, at iba pang elemento ng estado sa pamamagitan ng pagsira ng aming loob mula sa pagtungo sa mga lansangan... ngunit nais naming maglaan kayo ng panahon upang maunawaan kung bakit sa pangunahin ay naging aktibista ang inyong mga anak. Nananahan ang inyong mga anak sa daigdig kung saan sa bawat sulok ng kanilang mga mata, ay napapalibutan sila ng mga resulta ng isang lipunang hinati-hati ng di mapigil na kapitalismo. Sa kanang baha...

Ang tulad kong bookworm

ANG TULAD KONG BOOKWORM (UOD NG AKLAT) Ako'y isang bookworm, mahilig magbasa ng aklat Kahit luma ang libro'y akin pa ring binubuklat O kung bago man ay bibilhin ko agad sa book store Yaring pagbabasa sa kaalaman ay promotor Uod ng aklat, bookworm, katawagang kaysarap dinggin Organisahin anong sa tuwina'y babasahin Dunong na maaangkin ay magbibigay pag-asa Nawa'y magamit sa pagpapakatao't hustisya Gawin ang mabuti anuman ang nabasang ito Awtor ding nagsulat ay kilalanin sinu-sino Kayraming klasikong nobela't tulang mababatid Laot man, mula sa kalupaan o himpapawid Aklat ay mahalaga sa pagbubuo ng bansa Tulad kong bookworm nawa'y may maitulong sa madla - gregbituinjr.

Sa nanggagago sa karapatang pantao

SA NANGGAGAGO SA KARAPATANG PANTAO gago ang tawag sa mga taong tumutuligsa sa karapatang pantao, karapatan ng tao aba'y binabastos pa nila't binabalewala ang karapatang pantaong dapat nirerespeto naglalaway sila sa dugo, mahilig sa tokhang kahit wala pang kasalanan, agad mamamaril mga aso ng pangulong patuloy ang pagsagpang walang proseso, basta napagtripan ka'y kikitil matutulis ang pangil nilang tulad sa buwaya pag lumaban ang masa'y agad nilang tinitiris kawalan ng wastong proseso'y hahayaan lang ba ang kawalang katarungan ba'y iyong matitiis ang gagong sa karapatang pantao'y lumalabag ay dapat lang tuluyang tuligsain at mausig dapat ang human rights defenders ay maging matatag at ang gumagago sa karapatan ay malupig - gregbituinjr.

Kapitalistang aswang

KAPITALISTANG ASWANG makakapal ang apog ng mga kapitalista sakop daw nila ang mundo't kayrami nilang pera kanila lang daw ang daigdig na ito, kanila dahil sila daw ang gumagawa ng ekonomya ang mukha ng mga kapitalista'y anong kapal yari sa marmol na pag minaso'y di mabubuwal iniyayabang nila ang paglago ng kapital kaya maraming bansa'y sa leeg ay sakal / sakmal namumula ang dugo sa kanilang mga pangil kapitalistang aswang na sa bansa'y sumisikil balisong lanhg tayo subalit armas nila'y galil sa pagsagpang ng kapitalista'y sinong pipigil obrero ang dudurog sa kapitalistang aswang dapat silang magkaisa at pigilan ang halang - gregbituinjr.

Ilang buwang...

ILANG BUWANG... ilang buwang palugit ng mga buwang, nakita kong patuloy pa ang sa masa'y pagsasamantala ang mga sundalong kanin ay robot na makina na alam lang sumunod sa utos, di ang hustisya ilang buwang palugit upang bahay ay bayaran dahil bahay ay negosyong pinagkakakitaan aba'y bakit di na ito serbisyong panlipunan? dahil ba sakmal na ng kapitalismo ang bayan? maring buwang tubo lang lagi ang inaasam tinubo sa pawis ng obrero'y takam na takam lakas-paggawa ng iba'y sa kanila'y linamnam habang obrero'y nagluluksa, animo'y pasiyam maraming buwang manhid ang mga kapitalista na nakatutok lamang ang puso't diwa sa pera masa ba'y masokista't kapitalista'y sadista? o sa nangyayari'y patulog-tulog lang ang masa? - gregbituinjr.

Pagkawala ng katha

PAGKAWALA NG KATHA aba'y nawalan na naman ako ng mga tula nang ang sinulatan kong bagong notbuk ay nawala di ko pa naman natipa sa kompyuter ang katha di ko na nakita, ang ramdam ko'y kasumpa-sumpa ibalik kaya iyon ng sinumang nakakuha? o sa notbuk na yao'y magkakainteres siya? mga tula kong kinatha'y angkinin kaya niya? mga di tapos kong tula'y madaragdagan pa ba? kawawa naman ako't talagang ako'y nawalan para bang nawala ang kalahati kong katawan sarili ba'y sisisihin, tanging may kasalanan? sinulatan kong notbuk kasi'y di ko naingatan tanging yaman nitong diwa'y saan hahagilapin? naging tanga ako't di iningatan ang sulatin sana, sana, sana'y maibalik iyon sa akin o kaya'y mabasura na kaysa iba'y umangkin - gregbituinjr.

Sa pagtulog

SA PAGTULOG dapat manumbalik ang lakas kaya natutulog nakakapagpahinga't pinaghihilom ang bugbog muling nabubuo ang molekulang nangalasog dahil sa maghapong paggawa, laman ay nalamog habang natutuyo ang laway na dapat imumog habang tulog, buong katawan halos di matinag natutulog din at tila mahiyain ang bayag di kumikilos, tanging puso lang ang pumipitlag dama nitong katawan ay kalagayang panatag nananaginip, may sinusuyong magandang dilag kaysarap matulog lalo sa kubo't nakabanig mula sa pagod at lugmok, babalik ba ang kisig? maikli man ang kumot, aba'y kaysarap humilig naipapahinga ang kalamnan, lalo ang bisig na gamit sa trabaho, habang puso'y pumipintig - gregbituinjr.

Galing man ako sa pusalian

galing man ako sa pusalian may dangal akong iniingatan aktibista man akong palaban prinsipyado sa puso't isipan ako man ay isang maglulupa ang tulad ko'y di kasumpa-sumpa tinutulungan namin ang dukha nang di na sila magdaralita mayroong tunggalian ng uri may mga busabos at may pari may mahihirap at naghahari dahil may pribadong pag-aari suriin din natin ang kahapon upang makapaghanda na ngayon ang uring manggagawa'y babangon at mamumuno sa rebolusyon - gregbituinjr.

Katinuan

KATINUAN kulang-kulang kung ilagay ang kahon-kahong alak may katiwalian kayang nagaganap sa lusak ano't nagkakaisa sila sa masamang balak aba, baka sa ilong ay may malagyan ng bulak sadyang pahirap sa bayan ang mga tusong trapo binoto ng bayan ay nakatutok sa negosyo lingkod bayan ngunit pinagtutubuan ang tao kung gobyerno'y ganito, dapat nang palitan ito kahit sangkaterbang langgam ay marunong mag-aklas lalo't nakita nilang kalagayan ay di patas nais din nilang makitang namumuno'y parehas walang nagagawang katiwalian, walang hudas nawa'y magkaroon ng katinuan sa'king bansa mga namumuno'y tunay na maglingkod sa madla - gregbituinjr.

Sa ika-35 anibersaryo ng SAMANAFA

SA IKA-35 ANIBERSARYO NG SAMANAFA sa inyong ikatatlumpu't limang anibersaryo aming ipinaaabot ang pagbating totoo tatlumpu't limang taon ng pamumunong sinsero higit tatlong dekadang mahusay na liderato taas-kamaong pagpupugay, paabot sa inyo mabuhay ang inyong organisasyong Samanafa ang katatagan ninyo'y kahanga-hanga talaga pinanday man kayo ng maraming problema naging matibay kayong kasangga, nagkakaisa kasaysayan ninyo'y dapat matala sa historya mabuhay ang inyong pangulong Ka Pedring Fadrigon matatag na pinuno sa matagal na panahon pinagkaisa ang iba't ibang organisasyon sinasaluduhan sa matatalinong desisyon hinarap niya ang anumang panibagong hamon mula sa kalye'y naging maliit na talipapa naging palengkeng tatlong palapag, madla'y natuwa kaygandang puntahan, maganda ang pagkakagawa inyong palengke'y tunay na naglilingkod sa madla dapat tularan ang inyong mabuting halimbawa - gregbituinjr. 8/24/2019 sa ika-35 anibersaryo ...

Tulungan ang kalikasan sa paghilom ng sugat

maililigtas pa ba natin itong kalikasan mula pagkasira dulot ng pabaya't gahaman ang ilog at dagat ay ginagawang basurahan pati polusyon sa hangin ay karaniwan na lang para sa kapaligiran, kayraming dapat gawin ang pangangalaga nito'y magandang simulain ang mga naglipanang plastik ay ating tipunin mga naipong tubig-ulan ay magagamit din nakakapanikip ng dibdib ang hanging marumi tila ba sa bawat paghinga'y makapagsisisi nagbabagong klima'y naririto't nais pumirmi sa hiyaw ng kalikasan, ikaw ba'y mabibingi huwag hayaang upos ay lumulutang sa dagat huwag hayaang sa basura, lupa'y bumubundat halina, kaibigan, gawin ang nararapat tulungan ang kalikasan sa paghilom ng sugat - gregbituinjr.

Pagpupugay at pasasalamat kay Ms. Gina Lopez

Ms. Gina Lopez, sa 'yo'y taas-noong pagpupugay sa usaping pangkalikasan, moog kang matibay naging pinuno ng D.E.N.R., lider na tunay sa pagiging sekretaryo'y namuno nang mahusay ginawa ang nararapat sa adbokasyang taglay ipinasara ang maraming minahan sa bansa ipinagtanggol pati mga katutubo't dukha itinuring na kapatid ang araw, hangin, lupa isinaalang-alang ang kagalingan ng madla kaysa sa interes ng negosyo, kahanga-hanga iba man ang uring pinanggalingan, natatangi kinalaban ang mapagsamantala't walang budhi kaayusan ng kapaligiran ang nilunggati ang kabutihan ng nakararami ang pinili pinunong ipagmamalaki ng sinumang lahi sa D.E.N.R. ay naging mahusay na pinuno sa Bantay Bata'y nangasiwa nang bata'y mahango mula sa kaapihan, upang di na masiphayo mga ginawa'y kinilala sa maraming dako tunay na halimbawa ng tapat na pamumuno mabuhay ka, Ms. Gina Lopez, sa 'yong kontribusyon maraming salamat sa mat...

Kaming mga aktibista'y mandirigmang Spartan

KAMING MGA AKTIBISTA'Y MANDIRIGMANG SPARTAN kaming mga aktibista'y mandirigmang Spartan nakikibaka, nagsasanay, naghahanda sa labanan pinag-aaralan ang kasaysayan at lipunan wing chun, arnis, at nagpapalakas din ng katawan mandirigmang Spartan kaming mga aktibista tulad ng langay-langayan, kami'y nakikibaka tulad ng leyong niyakap ang ideyolohiya mga armas ang materyalismo't diyalektika tulad ng agila'y dapat matalas ang paningin tulad ng dragon, kalaban ay aamuy-amuyin tulad ng tigre, ang pulitika'y pinaiigting tulad ng langgam, uring manggagawa ang kapiling halina't samahan kaming magsanay at magsuri ating organisahin ang tunggalian ng uri at pawiin ang salot na pribadong pag-aari dahil ang kahirapan sa mundo'y iyan ang sanhi mandirigmang Spartan, may adhikang buong-buo paglilingkod sa uring obrero'y mula sa puso handang mamatay upang sosyalismo'y maitayo patuloy ang pagkilos, mamatay man o mabigo - gregbituinjr.

Wala nang palamig sa bangketa

WALA NANG PALAMIG SA BANGKETA hinahanap ko ang mga palamig sa bangketa limang pisong sago, sampung pisong buko't iba pa subalit wala nang vendor, bangketa'y nilinis na di na sila pinagtinda, itinaboy na sila wala nang mapwestuhan ang mga vendor sa lungsod sa bangketa'y bawal nang magtinda, wala nang kayod ang pagtitinda man sa bangketa'y nakakapagod nagsisipag upang sa pamilya'y may ipamudmod sa malalaking grocery't mall ka na magpalamig produkto ng kapitalista'y iyong makakabig mag-softdrinks ka na lang, mahal na ang mga palamig upang malunasan ang uhaw mo o pagkabikig kapitalista ba'y nagplanong vendor ay mawala malalaking negosyante'y kinalaban ang dukha tinanggalan ng ikabubuhay ang maralita upang produkto sa mga mall ang bilhin ng madla - gregbituinjr.

Anak ng tokwa

ANAK NG TOKWA nagninilay-nilay habang nagpiprito ng tokwa buhay pa rin ay salat, anak ng tokwa talaga ang diwata ng swerte'y di man lamang bumisita bakasakaling ang kapalarang ito'y mag-iba di man ako naniniwala diyan sa kapalaran na kaya ka mahirap ay dahil sa kamangmangan kundi may sanhi bakit dinanas mo'y karukhaan kaya dapat mo lamang pag-aralan ang lipunan bakit may ilang mayaman, laksa-laksa'y mahirap anak ng tokwa! bakit karukhaan ay laganap walang bahay, pagkain, buhay ay aandap-andap mga dukha'y may nabubuo pa kayang pangarap iyang tokwang mumurahin ang aming uulamin at pagsasaluhan namin kaysa walang makain pangarap mong yumaman? tumingin ka sa salamin at baka may muta ka pa'y iyo munang tanggalin - gregbituinjr.

Utang

patakaran ko sa buhay, di ako mangungutang sapagkat batid kong di ko ito mababayaran aba'y mas mabuti pang ako'y mamatay na lamang kaysa naman mangutang akong di mababayaran di ako mangungutang, paraan ang gagawin ko upang malutas ang mga problemang sangkot ako huwag lang mangutang, aba'y ibabayad ko'y ano? buti pang magsikhay at mag-ipon kahit magkano di ako uutang, prinsipyo iyong dapat tupdin wala akong pambayad, iyan ang iyong isipin mamatay na 'ko sa gutom, mangutang ay di pa rin baka buhay na'y ipambayad ko't maging alipin sa harap ng pinagkakautangan, ako'y dungo di ako mangungutang, prinsipyong tagos sa puso sanay na akong magutom, magdusa't masiphayo huwag lang sa mga utang ako'y mapapasubo - gregbituinjr

Tanaga sa Paglisan

TANAGA SA PAGLISAN namatay ang katawan subalit di ang diwa ang pamana’y nariyan naiiwan sa madla umaalis ang tao upang magtungo roon sa iba pang mundo upang doon umahon maraming magigiting ay nagiging bayani marami naming praning ay nagpasyang magbigti anong dapat gawin upang tupdin ang misyon iyo munang suriin kung wasto ba ang layon lilisan din ang lahat sa ibabaw ng lupa aking pasasalamat sa kapwa manggagawa marami man ang gusot ito’y mapaplantsa rin huwag kang sumimangot minsan, ngumiti ka rin ang bilin ay asahan at gawin nang maigi ating kapaligiran alagaang mabuti salamat po sa inyo tuloy ang paglilingkod pagandahin ang mundo at ating itaguyod - gregbituinjr. * Nalathala ang tulang ito sa pahayagang Diwang Lunti, isyu ng Agosto 2019, pahina 20

Pahimakas kay Ms. Gina Lopez

PAHIMAKAS KAY MS. GINA LOPEZ Ms. Gina Lopez, marangal, palaban, maginoo makakalikasan, aktibista para sa mundo tagapagtaguyod din ng karapatang pantao sa D.E.N.R. nga, pagsisilbi niya'y totoo mga mamumutol ng puno ang sinagasaan pati sumisira ng kagubata't karagatan ang kapakanan ng katutubo'y ipinaglaban nag-atas na ipasara ang maraming minahan tulad ni Francisco ng Assisi'y kanya ring batid araw, hangin, tubig, lupa'y kanyang mga kapatid kinalaban ang mga mapagsamantala't ganid kalabang pulos pera ang isip ay nauumid siya ang malaking hipong sumalunga sa agos siya ang dragong pumuntirya sa nambubusabos siya ang agilang kalikasa'y pilit inayos siya ang anghel sa mga kalupaang nilapnos Ms. Gina, minero'y natuwa sa 'yong pagkawalay ngunit kaming narito'y taas-noong nagpupugay pamana mo'y mga halimbawa't prinsipyong taglay sa buong bansa, ngalan mo'y nagniningning na tunay - gregbituinjr.

Kubeta'y tiyaking malinis tulad ng kunsensya

KUBETA'Y TIYAKING MALINIS TULAD NG KUNSENSYA alam na nila kung saan ako hahagilapin pag ako'y nagtago, sa kubeta ako darakpin habang libog na libog sa pinapantasyang birhen habang nagtitikol, at tae'y lalambi-lambitin ang kubeta ko sa barung-barong ay pahingahan madalas, doon sinasalsal ang nasa isipin doon ko rin nakakatha ang mga kasawian mga hirap ko't danas, pati kritik sa lipunan kubeta'y santuwaryo ko upang makapag-isip doon tinatahi ang dinikta ng panaginip minsan, sa kubeta, may pag-asa kang masisilip may inspirasyong sa diwa mo'y kaysarap malirip kubeta'y tiyaking malinis tulad ng kunsensya nang maging payapa ang diwa't wasto ang pasiya upang susunod na gagamit ay mahahalina aalis sila roong may ginhawang nadarama - gregbituinjr.

Ang kubeta ang aking santuwaryo

ANG KUBETA ANG AKING SANTUWARYO ang kubeta ang aking santuwaryo, o kanlungan mula sa karahasan ng buhay, silid-nilayan kanlungan, aking taguan, siya ring pahingahan doon ko ri kinakatha ang laman ng isipan anong sarap pag kubeta ang iyong santuwaryo doon ay para kang batang hubo't hubad sa mundo anumang iyong gawin, ramdam mong normal kang tao naliligo, tumatae, nagbabate ka rito nagugustuhan ko nang santuwaryo ang kubeta at sa paglabas mo, pulos dahas ang makikita para bagang buhay ng isang tao'y barya-barya parang tsuper, natatae'y busina ng busina sa loob ng kubeta'y payapa ang puso't isip pagiging totoong tao ba'y isang panaginip? huwag lang may kumatok, akala ikaw'y umidlip sunod na gagamit, may pangarap ding halukipkip - gregbituinjr.

Bakit kaytagal ko raw sa kubeta?

BAKIT KAYTAGAL KO RAW SA KUBETA? tanong niya, bakit kaytagal ko raw sa kubeta oo, kaytagal ko't higit isang oras na pala doon kasi, ako'y tao kahit pansamantala nagagawa ang maibigan, kahit magpantasya mula sa kubeta, pag ikaw na'y agad lumabas ang katotohanan na ng buhay ang mawawatas maririnig mo na'y dahas at kayraming inutas sa pamahalaan ay may tiwali't mandurugas gayunpaman, sa kubeta'y kayrami kong nakatha kahit walang tissue paper, naroong tumutula habang gamit ang tabo, dumudumi'y may nalikha mabaho man, kaysarap ilabas, O, aking mutya bakit matagal sa kubeta'y huwag nang tanungin itong mga katha ko na lang ang iyong basahin tiyak nilikha ko'y anong bango pag sasamyuin maging pinanghugas kong kamay ay iyong pisilin - gregbituinjr.

Sa ika-25 taon sa P

SA IKA-25 TAON SA P (Agosto 17, 2019) sang-ayon ako sa landas na bihirang tahakin kaya sinuong iyon, may panganib mang harapin niyakap ang pagpupultaym anuman ang lasapin upang ipalaganap ang niyakap na layunin mula publikasyon ng pinasukang pamantasan ay nagsulat din sa pangmanggagawang pahayagan dukha'y inorganisa, inaral din ang lipunan patuloy na sumusuporta sa mga aklasan sumumpang lalabanan ang kapitalistang ganid dudurugin ang sistemang kabulukan ang hatid ideyolohiya ng manggagawa'y ipabatid ipagtatanggol ang mga sosyalistang kapatid kaya sa ikadalawampu't limang taon dito mula nang sa banderang pula'y sumumpang totoo naririto pa rin kasama ang uring obrero nagsasanay, kumikilos para sa sosyalismo - gregbituinjr.

Ipagtanggol ang Wikang Filipino

IPAGTANGGOL ANG WIKANG FILIPINO tuwing buwan ng Agosto inaalala ng tao itong wikang Filipino pagkat wika natin ito mahalaga ang wika lalo’t wika nating dukha dito nagkakaunawa magkababayan at madla wikang ito'y ipagtanggol laban sa maraming ulol putik nilang kinulapol sa ating wika'y di ukol wikang ito raw ay bakya pagkat salita ng dukha tayo ba'y kinakawawa ng gagong astang dakila wika nati’y ipaglaban laban sa gago’t haragan ito ang wika ng bayan na dapat nating ingatan sinuman ang maninira tatawagin itong bakya sila’y talagang kuhila taksil sa sariling wika wikang Filipino’y atin wikang sarili’y linangin atin itong paunlarin at lagi nating gamitin manggagawa, maralita pagpalain nyo ang wika kayong kasangga ng madla upang umunlad ang bansa - gregbituinjr. * nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, publikasyon ng KPML (Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod), isyu ng Agosto 16-31, 2019, p. 20

Ang unlaping ika___ o ika-___

ANG UNLAPING IKA___ O IKA-___ di lahat ng "ika" ay may gitling kang ilalagay lalo't numero'y pasalita, di simbolong taglay tulad ng ikaapat o ng ikapitong tunay mahirap ang "ika", "ika", di ka dapat sumablay ikalima, ikaanim o kaya'y ikasampu ikawalo, ikasiyam,  o ikadalawampu ngunit may gitling ang ika-4 at ika-10 may gitling ang ika-6 at ika-20 pagkat "ika" ay panlapi, dinurugtong sa bilang karugtong ng salitang ugat sa bawat pangngalan pag pulos titik walang gitling, pag numero'y lagyan ito'y patakaran nang tayo'y magkaunawaan - gregbituinjr.

Ang unlaping taga___ o taga-___

ANG UNLAPING TAGA___ O TAGA-___ di lahat ng "taga" ay dapat gamitan ng gitling tulad ng tagalaba, tagaluto't tagasaing unawain anong tama upang di ka maduling sa pagsusulat man, isulat nang tama't may lambing lagyan lamang ng gitling kung ang karugtong ay lunan pag pangngalang pantangi, gitling ay laging tandaan halimbawa'y taga-Baclaran o taga-Pandacan subalit walang gitling ang pangngalang karaniwan ikaw ba'y taga-Maynila o taga-Marinduque ikaw ba'y taga-Iloilo o taga-Cavite ikaw ba'y taga-Avenida o taga-Mabini ikaw ba'y tagawalis, tagalinis, tagabili tagahanga ba kita sa maaksyon kong palabas taga-Mindanao ka ba o diyan lang sa Batangas aba'y gitling ay gamitin natin ng wasto't wagas upang di malito't yaong binabasa'y mawatas - gregbituinjr.

Nagrambulan dahil sa kulangot

Imahe
kapansin-pansin ang balita sa Abante Tonite nasa headline pa, lalo na't may dating ang pamagat mga dayo'y nagrambulan nang dahil sa kulangot ito nga ba'y nakakatawa o nakakatakot? pinahiran ng kulangot ang Hapon sa comfort room ng isa sa suspek na Taiwanes na nakainom hanggang sa magkasagutan sa loob ng kubeta at sa paglabas, aba, sila'y nagkarambulan na nagkabatuhan ng bote dahil isa'y nambastos tila ba sa disiplina sila'y wala sa ayos ayon sa balita, ito'y naganap sa Maynila sa isang bar sa Ermita, dayo'y nagkasagupa parak ay dumating at agad na pinagdadampot silang mga nagpang-abot nang dahil sa kulangot - gregbituinjr. * batay sa isang ulat sa Abante Tonite, Agosto 13, 2019

Tiyuhing ulupong

Imahe
ulupong pala ang tiyuhin ng isang babae na tumuklaw sa puri ng nasabing binibini karumal-dumal ang balitang ito't insidente niluray, pinaslang ang gagradweyt na estudyante sa likod ng iskul, ang bangkay niya'y natagpuan tiyuhin niya'y isa sa gumahasa't pumaslang mabuti't nasumbong pa sa liham ang kaganapan sa liham sa ina'y sumabog ang katotohanan tiyuhin niya't apat pa nitong kasama'y suspek mga walang budhing pwersahan siyang itinalik pinagpasasaan ng mga walang awang lintik ngunit sa huli, pati mata niya'y itinirik salamat sa liham na nagbulgar sa krimen nila na di napadala ng dilag sa mahal na ina hustisya sa ginahasa't pinaslang na dalaga! bulukin sa piitan ang nagmalupit sa kanya - gregbituinjr. * ang tula'y binatay sa headline sa pahayagang Bulgar, Agosto 13, 2019, na may pamagat na "Graduating student ni-rape ng 5, pinatay sa likod ng iskul" at may maliit na dugtong na "Nakagaw...

Para sa mga inakay

patuloy ang lawin sa paglipad sa kalawakan at nag-aabang ng madadagit sa kaparangan bunsod ba iyon ng nadarama n'yang kagutuman? o marahil iyon kasi ang kanyang kalikasan? nakatingala yaong inahin sa kalangitan magsungit kaya ang panahon, babagyo, uulan? o baka kasi may lawing dapat silang iwasan? upang kanyang mga inakay ay maprotektahan pinaaalpas ng nag-aalaga ang inahin upang ito'y makahanap naman ng makakain para sa mga inakay nitong aalagain nasa isip lagi'y anak nang ito'y di gutumin tulad ng tao, may pamilya rin ang mga hayop at sa pagbuo nito, bawat isa'y kinukupkop ng ama o inang sa iba'y di nagpapasakop titiyaking may sabaw nang anak ay makahigop - gregbituinjr.

Pagpupugay kay Ka Fidel Castro

PAGPUPUGAY KAY KA FIDEL CASTRO (Agosto 13, 1926 - Nobyembre 25, 2016) O, Ka Fidel, tagumpay n'yo'y tunay na inspirasyon sa tulad naming naghahangad din ng rebolusyon naipanalo n'yo'y kasaysayan na ng kahapon na mapaghahalawan ng mabuting aral ngayon nabigo man kayo sa pagsalakay sa Moncada iyon na ang senyales upang mamulat ang masa dinakip kayo't kinulong ng rehimeng Batista lumaya dahil sa matagumpay mong pagdepensa di nagtagumpay ang U.S. sa anumang blokeyo kahit limang dekadang blokeyo'y nabuhay kayo! Cuba'y di napayuko ng mga Amerikano ang Cuba'y matatag sa harap ng kalaban nito! di natibag ng Kano ang pamumuno ni Fidel sa higit limang dekada, ang Cuba'y di napigil sosyalistang sistema'y patuloy, di tumitigil taas-kamaong pagpupugay kay kasamang Fidel - gregbituinjr. * kinatha ang tula sa panayam-talakayan na "Celebrating Moncada, Remembering Fidel" ng Philippines-Cuba Cultural and...

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Imahe
Bukrebyu: BANAAG AT SIKAT ni Lope K. Santos Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nabili ko nitong Hulyo 26, 2019 ng hapon ang aklat na " Banaag at Sikat " ni Ka Lope K. Santos sa Popular Bookstore sa halagang P295.00. Ito ang ikalawa kong pagbili ng aklat na ito, pagkat naiwala ko o marahil ay nasa hiraman, na di ko na matandaan, ang una kong aklat na nabili ko noong Hulyo 4, 2008, sa halagang P250.00. (Natatandaan ko ang petsang iyon pagkat naisalaysay ko na ito sa isa pang artikulo.) Ang  Banaag at Sikat  ang kauna-unahang nobelang sosyalista sa ating bansa. Isinulat niya ito ng serye sa pahayagang Muling Pagsilang noong 1904-05 at nalathala naman bilang ganap na aklat noong 1906. Ayon kay LKS, "Ang unang pagkalimbag nitong Banaag at Sikat ay noong 1906. May dalawang taong sinulat ko araw-araw at inilathala sa pahayagang Muling Pagsilang, at nang matipon na at mabuo, ay ibinigay ko sa imprenta McCullough, at doon nga ginawa ang paglilimbag." Binub...

Upos ng yosi'y gawing yosibrik

Kaya mo bang mag-ipon ng mga upos ng yosi? Kahit di ka nagyoyosi, nais mo lang magsilbi. Tapon dito, tapos doon kasi ang nangyayari hanggang sa upos ay maglipana sa tabi-tabi. Nagyoyosi'y  dapat organisadong nagtatapon ng hinitit nilang yosi upang ito'y matipon. Upos ng yosi'y mga basurang dapat mabaon sa lupa, marahil kalutasang ito ang tugon. Ang upos ay di dapat palutang-lutang sa dagat. Gawin itong yosibrik nang tao'y ating mamulat kaysa naman basurang upos ay pakalat-kalat. Tayo'y mag-yosibrik, gawain mang ito'y kaybigat. Sa boteng plastik, mga upos ng yosi'y isiksik hanggang sa tumigas na parang bato ang yosibrik! - gregbituinjr.

Lamparaw

LAMPARAW kung walang kuryente'y gamitin natin ang lamparaw o solar lamp sa Ingles, lamparang gamit ay araw dapat paghandaan anumang sakunang dumalaw harapin natin kahit ang nagbabagong pananaw sa Asya, pangalawa tayong mahal ang kuryente mabuting magpalit na't mag-renewable energy alagaan ang kalikasan, sa bayan magsilbi murang kuryente na ang hangad ng nakararami isa lang itong lamparaw sa ating magagamit na malaking maitutulong sa panahong gipit may ilawan ka na sa gabing madilim ang langit saanman magpunta'y madali mo itong mabitbit magkaroon ng lamparaw ay ating pag-ipunan nang sa oras ng kagipitan ay may kahandaan - gregbituinjr.

Ang payo ng matatandang tibak

halina't pag-aralan natin ang lipunan payo ito ng maraming matandang tibak aralin bakit may mahirap, may mayaman bakit kayraming gumagapang sa lusak halina't pag-aralan din ang kalikasan bakit tumataas na ang sukat ng dagat bakit nagbabagong klima'y di mamalayan bakit sa nangyayaring ito'y di pa mulat ang unang tungkulin ng tibak ay matuto pag-aralan ang kapaligiran, magsuri ang bawat tibak muna'y maging edukado sapagkat sila ang magtatanim ng binhi binhi ng pagbabago tungong sosyalismo pati pagpawi ng pribadong pag-aari na siyang sanhi ng paghihirap ng tao halina't organisahin ang ating uri organisahin na ang manggagawa't dukha upang ang bawat isa'y nagkakapitbisig uring manggagawa, hukbong mapagpalaya magkaisa upang baguhin ang daigdig - gregbituinjr.

Ang upos at kabulukan, ayon sa isang paham

ANG UPOS AT KABULUKAN, AYON SA ISANG PAHAM paano ba tumira sa dagat ng upos? tiyak ang pamumuhay mo'y kalunos-lunos papatianod na lang ba tayo sa agos? at mabubuhay sa mundong parang busabos? pangatlo ang upos sa basura sa dagat at sa upos, isda't balyena'y nabubundat bakit basurang upos ay ikinakalat? ng mga walang awang kung saan nagbuhat minsan, dagat ng basura'y ating lingunin kaya ba nating linisin ang dagat natin? kung hindi'y paano ang wasto nating gawin? upang isda, upos na ito'y di makain noon, sa aplaya'y nakatitig ang paham at kanyang nausal habang mata'y malamlam: "Bulok ang mga taong walang pakialam. Subalit mas bulok ang walang pakiramdam." - gregbituinjr.

Huwag itayo ang Kaliwa Dam!

Imahe
Kuha ang litrato mula sa facebook page ng Stop Kaliwa Dam Network HUWAG ITAYO ANG KALIWA DAM! Daigdigang Araw ng mga Katutubo ngayon at ang pamahalaa'y ating ngayong hinahamon: kumilos na para sa susunod na henerasyon itigil ang Kaliwa Dam, tuluyan nang ibaon! ang paggawa ng dam ay planong pondohan ng Tsina di naman gobyerno ang magbabayad kundi masa sa katutubo't taas-kamaong nakikiisa kaming narito'y kasama n'yo sa pakikibaka aba'y papayag pa ba tayong mabaon sa utang bansa'y baon na sa utang, mababaon na naman bakit ba gigil na gigil silang itayo ang dam damuho silang sa buhay ay walang pakialam mga kapatid na katutubo'y nangangalaga sa kanilang lupaing ninuno'y nag-aaruga kalikasan ay buhay, di dapat mapariwara huwag itayo ang dam, sa kanila ito'y sumpa - gregbituinjr. * Nilikha ang tula at binasa sa rali sa harap ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Visayas Ave., QC, umaga ng Agosto 9, 2019, k...

Kung ako'y malalayo sa kilusang masa

kung ako'y malalayo sa kilusang masa ang mararamdaman ko'y di na ako tao lalo na't ako'y magtatatlong dekada na bilang aktibistang may dangal at prinsipyo ang tulad ko'y sagad-sagaring aktibista tinatanganan ang karapatang pantao lumalaban sa tuso't mapagsamantala kalaban ng mapang-api't mapang-abuso sa mga manggagawa'y nakipagkaisa upang mapalitan na ang kapitalismo uring manggagawa'y ating mga kasangga sa pangwawasak sa pag-aaring pribado dapat mga manggagawa'y maorganisa at matayo ang sarili nilang gobyerno sa pagtindig nila'y sasamahan ko sila upang itatag ang sistemang sosyalismo - gregbituinjr.

Halina't makibaka, huwag matakot sa ulan

umuulan na naman, habang sa rali'y papunta mabuti na lang, may sumbrero't dyaket akong dala dahil sa komitment at isyu'y kasama ng masa kahit na umuulan, tuloy sa pakikibaka sumuong man sa ulan, patuloy kami sa rali upang dalhin sa kinauukulan ang mensahe dapat pababain nila ang presyo ng kuryente dapat maging polisiya'y renewable energy may mahal na kuryente sa Asya'y pangalwa tayo mula pa planta ng coal ang mga kuryenteng ito napakaruming kuryente, kaytaas pa ng presyo aba'y mag-renewable energy na dapat tayo halina't makibaka, huwag matakot sa ulan at patuloy nating paglingkuran ang sambayanan - gregbituinjr. * Nilikha ang tulang ito habang papunta ng rali sa Department of Energy (DOE) sa Bonifacio Global City (BGC), Agosto 7, 2019. Kasama sa pagkilos na ito ang mga grupong Power for People Coalition (P4P), Sanlakas, Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), Center for Ecology, Environment and Development (CEED), Piglas-...

Kumilos ka, dukha

KUMILOS KA, DUKHA dukha'y mahirap na nga ay patunga-tunganga kumilos ka na, dukha bago mapariwara halina't magsibangon bansang ito'y iahon ang tikatik na ambon baka unos paglaon ang dukha'y naging sawi dahil sa hari, pari at elitistang uri silang kamuhi-muhi ang pari pag nangusap mapalad ang mahirap huwag ka nang magsikap may langit kang pangarap kaya may hari dahil diyus-diyusang sutil sa lupa kunwa'y anghel ngunit sa masa'y taksil kunwa'y may dugong bughaw silang mga bakulaw na sa mundong ibabaw ay naghaharing bangaw may iba silang mundo daigdig ng hunyango pulos pera't maluho at budhi'y mababaho burgesyang talusaling ang sa mundo'y umangkin mga dukha'y alipin sa sariling lupain dahil may panginoon kayraming panginoon dapat ibagsak iyon at bayan ay ibangon dukha, mag-aklas ka na ibagsak ang burgesya tayo'y maghimagsik na baguhin ang sistema - gregbituinjr. * nalathala sa pahayagang Ta...

Soneto sa charger

SONETO SA CHARGER "Bumili ka ng sarili mong charger," ang payo ko sa isang kasamang pulos panghihiram ang bisyo sabagay, wala ring pera ang pultaym na tulad ko pakikisama na lang, huwag lang maaabuso kaysa manghiram, mabuti nang may sariling gamit dahil may charger kang sarili'y di na mangungulit kung may sariling charger, di ka na mangangalabit sa mga tawag at text, ulo'y di na mag-iinit sadyang kayhirap naman kung malolobat ang selpon baka maraming kumokontak sa umaga't hapon pag walang lod, pag lobat, di ka agad makatugon kaya sa pambili ng charger, dapat kang mag-ipon kung kailangan mo ng charger, bumili ka naman huwag kang umasang lagi kang may mahihiraman - gregbituinjr.

Palaban ang aktibista

PALABAN ANG AKTIBISTA “Kaysa isang katawang malaya na may kaluluwang alipin, ibig ko pa ng isang katawang busabos na may kaluluwang malaya.” – Lázaro Francisco (1898-1980) palaban tulad ni Spartacus ang aktibista nagsasakripisyo man, tuloy sa pakikibaka kaysa obrerong di mulat sa loob ng pabrika na para sa sweldo'y alipin ng kapitalista may mukhang malaya ngunit diwa pala'y alipin di maisip na nambubusabos ay palayasin may kayod-kalabaw subalit nagsusuri na rin kung paanong bayang sawi'y kanilang palayain tinatahak ng aktibista'y bihirang daanan pagkat pagbabagong mithi'y madawag na larangan pagkat pakikibaka'y masalimuot na daan pagkat ang tinatahak ay maputik na lansangan di dapat maging alipin ang isip, puso't gawa kundi makibaka tayo patungo sa paglaya - gregbituinjr.

Maralita raw ang nagdudumi sa mga ilog

maralita raw ang nagdudumi sa mga ilog ilog raw ay sa mga basura pinalulubog papayag ka bang maralita'y diyan mapabantog pagkat walang disiplina't laging patulog-tulog lagi nilang pinagbibintangan ang maralita sanhi raw sila ng pagdumi ng ilog, pagbaha mangmang daw kasi't walang pakialam itong dukha silang madaling masisi, iba man ang maygawa O, maralita, payag ka bang laging sinisisi? ikaw lang kasi ang nakita nilang bulnerable madaling sisihin pagkat buhay mo'y miserable dukha'y mababa raw ang pagkatao't walang silbi bumangon ka, maralita, tirisin ang gahaman lumaban ka, dukha't inyong baguhin ang lipunan - gregbituinjr.

Mga Lider-Maralita

MGA LIDER-MARALITA mga lider-maralita'y dapat maging matatag nang di makimi sa demolisyon, bagkus pumalag mga pandarahas sa kanila'y dapat mabunyag ang mawalan ng bahay ay isdang pupusag-pusag kayhirap kung dukha'y isdang mawawalan ng hasang dahil ba maralita'y basta na lang tinotokhang? dahil ba sila'y dukha, ang tingin agad ay mangmang? dahil ba mahirap, madali silang nalilinlang? magkaisa, magtulungan laban sa demolisyon walang mang-iiwan, magtatag ng organisasyon bawat isa'y mag-usap at makipag-negosasyon ipagtagumpay ang laban hanggang sa relokasyon pampublikong pabahay, maralita'y nais ito pabahay ay karapatan, huwag gawing negosyo ang dapat mangasiwa ng pabahay ay gobyerno dukha'y uupa lang ayon sa kakayahan nito dapat matatag ang mga lider ng maralita sila'y makipagkaisa sa uring manggagawa kalunus-lunos man ang lagay, di dapat lumuha sila'y tumindig nang sa lipunang ito'y lumaya - gregbituinjr. * Nilikha ...

Pag-iinit ng mundo

PAG-IINIT NG MUNDO sa climate change, anang dalawang tagapagsalita ang kondisyong pag-iinit ng mundo'y lumalala tumataas na ang sukat ng dagat, nagbabaha nangyayari sa hinaharap ay di matingkala anong ating gagawin kung mga isla'y lulubog? may ahensya ba o bansang dapat tayong dumulog? paglutas sa climate change ba'y kanino iluluhog? may magandang mundo pa ba tayong maihahandog? coal-fired power plants ba'y patuloy pa sa operasyon? kumpetisyon pa rin ba imbes na kooperasyon? ang problema ba'y kapitalistang globalisasyon? na tubo ang una, kalikasan man ay mabaon di lang isyung ekolohikal kundi pulitikal ang kundisyon ng klima sa ating mundo'y marawal kalunus-lunos, buhay ay tila di magtatagal maaliwalas na umaga pa kaya'y daratal? - gregbituinjr. * Nilikha habang tinatalakay ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) ang usapin ng nagbabagong klima sa ikalawang araw ng pagpupulong ng Pambansang Konseho ng ...

Nagbabagong klima

NAGBABAGONG KLIMA tag-ulan na naman, di ako agad makauwi basang-basa sa ulan, tila ako'y ibong sawi naglutangang dagat ng basura'y nakakadiri naglalakad sa baha kahit ito'y hanggang binti tumataas na ang sukat ng dagat sa aplaya pati matataas na lugar ay binabaha na dahil ba sa basura, imburnal ay nagbabara? o ito'y dinulot na ng pagbabago ng klima? saan na humahapon ang mga langay-langayan? puno ba sa lungsod ay mawawala nang tuluyan? agila pa ba'y nakalilipad sa kalawakan? ang nagbabagong klima ba'y di na makakayanan? aba'y ngingiti pa kaya ng maganda ang langit? bakit ba ang panahon ay lagi nang nagsusungit? anong mga polisiya ang dapat pang igiit? nang nagbabagong klima'y hinay-hinay sa pagbirit umuulan na, nais ko nang umuwi ng bahay sa klimang nagbabago'y paano pa mapalagay? sa darating na panahon, paano mabubuhay? kung sa nagbabagong klima'y di tayo makasabay - gregbituinjr. * Nilikh...

Buhong

BUHONG nawawala ang kakisigan pag nagiging buhong lumalaki ang ulong parang apoy na panggatong sikat at hinahangaan, iyon pala'y ulupong sa kanila'y anong nangyari't sa droga ba'y lulong nanggahasa ng dilag yaong sikat at mayaman kaybining binibini'y kanilang pinaglaruan ang akala yata'y kayang bilhin ang katarungan na mga huwes at saksi'y kaya nilang bayaran di dapat babuyin ng mga buhong ang hustisya at di dapat manggahasa ng sinumang dalaga dapat lang silang managot pagkat may krimen sila huwag tayong papayag paglaruan ang hustisya oo, nanggaling man sa putik ang ginto't dyamante dapat igalang ng sinuman ang mga babae gawin ang makatarungan upang di ka magsisi ang nahatulan sa krimen ay higit pa sa tae - gregbituinjr.

Soneto sa payong

SONETO SA PAYONG ayokong bumili ng payong, laging nawawala pagkat nang pinatutuyo ko lalo't ito'y basa sa daming iniisip, pag umalis naiiwan matatandaan ko na lamang pag biglang umulan kaya maigi pang mag-dyaket na lang at sumbrero pagkat mabasa man, nailalagay ko sa bag ko kaysa payong pag nabasa, iyong patutuyuin at sa pag-alis, maiiwan ng malilimutin pag kailangan ng iba, sila'y may magagamit madalas di na naibabalik, aba'y kaysakit ilang beses na bang nakawala ako ng payong ilang beses na bang sa ulan ako'y sumusuong kaya maiging mag-dyaket at sumbrero na lang kaysa magpayong at mawalan, aba ito'y sayang - gregbituinjr.