Galing man ako sa pusalian

galing man ako sa pusalian
may dangal akong iniingatan
aktibista man akong palaban
prinsipyado sa puso't isipan

ako man ay isang maglulupa
ang tulad ko'y di kasumpa-sumpa
tinutulungan namin ang dukha
nang di na sila magdaralita

mayroong tunggalian ng uri
may mga busabos at may pari
may mahihirap at naghahari
dahil may pribadong pag-aari

suriin din natin ang kahapon
upang makapaghanda na ngayon
ang uring manggagawa'y babangon
at mamumuno sa rebolusyon

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot