Pagkawala ng katha

PAGKAWALA NG KATHA

aba'y nawalan na naman ako ng mga tula
nang ang sinulatan kong bagong notbuk ay nawala
di ko pa naman natipa sa kompyuter ang katha
di ko na nakita, ang ramdam ko'y kasumpa-sumpa

ibalik kaya iyon ng sinumang nakakuha?
o sa notbuk na yao'y magkakainteres siya?
mga tula kong kinatha'y angkinin kaya niya?
mga di tapos kong tula'y madaragdagan pa ba?

kawawa naman ako't talagang ako'y nawalan
para bang nawala ang kalahati kong katawan
sarili ba'y sisisihin, tanging may kasalanan?
sinulatan kong notbuk kasi'y di ko naingatan

tanging yaman nitong diwa'y saan hahagilapin?
naging tanga ako't di iningatan ang sulatin
sana, sana, sana'y maibalik iyon sa akin
o kaya'y mabasura na kaysa iba'y umangkin

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot