Kung ako'y malalayo sa kilusang masa

kung ako'y malalayo sa kilusang masa
ang mararamdaman ko'y di na ako tao
lalo na't ako'y magtatatlong dekada na
bilang aktibistang may dangal at prinsipyo

ang tulad ko'y sagad-sagaring aktibista
tinatanganan ang karapatang pantao
lumalaban sa tuso't mapagsamantala
kalaban ng mapang-api't mapang-abuso

sa mga manggagawa'y nakipagkaisa
upang mapalitan na ang kapitalismo
uring manggagawa'y ating mga kasangga
sa pangwawasak sa pag-aaring pribado

dapat mga manggagawa'y maorganisa
at matayo ang sarili nilang gobyerno
sa pagtindig nila'y sasamahan ko sila
upang itatag ang sistemang sosyalismo

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan