Buhong

BUHONG

nawawala ang kakisigan pag nagiging buhong
lumalaki ang ulong parang apoy na panggatong
sikat at hinahangaan, iyon pala'y ulupong
sa kanila'y anong nangyari't sa droga ba'y lulong

nanggahasa ng dilag yaong sikat at mayaman
kaybining binibini'y kanilang pinaglaruan
ang akala yata'y kayang bilhin ang katarungan
na mga huwes at saksi'y kaya nilang bayaran

di dapat babuyin ng mga buhong ang hustisya
at di dapat manggahasa ng sinumang dalaga
dapat lang silang managot pagkat may krimen sila
huwag tayong papayag paglaruan ang hustisya

oo, nanggaling man sa putik ang ginto't dyamante
dapat igalang ng sinuman ang mga babae
gawin ang makatarungan upang di ka magsisi
ang nahatulan sa krimen ay higit pa sa tae

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot