2 magkasunod na araw ng dalamhati
2 MAGKASUNOD NA ARAW NG DALAMHATI dalawang magkasunod na araw ng dalamhati Abril Onse, ikasampung death monthsary ni misis Abril Dose, pangalwang death anniversary ni Dad dalawa sa aking pinakamamahal sa buhay pagluwas ko galing probinsya, trabaho na naman upang tapusin ang mga agarang kailangan sadyang ganyan ang buhay, may panahon ng pagluhà, ng dalamhati, bukas nama'y pagbaka ng dukhâ kailangang tapusin ang mga isinasalin bagamat di sapat upang ang sarili'y buhayin munti man ang kabayaran, sa bulsa'y may papasok din pagkat araw-araw, dapat may pambiling pagkain natapos man ang dalawang araw ng paggunitâ dini sa pusò, sila na'y nakaukit na sadyâ - gregoriovbituinjr. 04.13.2026