Sa pagtulog

SA PAGTULOG

dapat manumbalik ang lakas kaya natutulog
nakakapagpahinga't pinaghihilom ang bugbog
muling nabubuo ang molekulang nangalasog
dahil sa maghapong paggawa, laman ay nalamog
habang natutuyo ang laway na dapat imumog

habang tulog, buong katawan halos di matinag
natutulog din at tila mahiyain ang bayag
di kumikilos, tanging puso lang ang pumipitlag
dama nitong katawan ay kalagayang panatag
nananaginip, may sinusuyong magandang dilag

kaysarap matulog lalo sa kubo't nakabanig
mula sa pagod at lugmok, babalik ba ang kisig?
maikli man ang kumot, aba'y kaysarap humilig
naipapahinga ang kalamnan, lalo ang bisig
na gamit sa trabaho, habang puso'y pumipintig

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot