Ilang buwang...

ILANG BUWANG...

ilang buwang palugit ng mga buwang, nakita
kong patuloy pa ang sa masa'y pagsasamantala
ang mga sundalong kanin ay robot na makina
na alam lang sumunod sa utos, di ang hustisya

ilang buwang palugit upang bahay ay bayaran
dahil bahay ay negosyong pinagkakakitaan
aba'y bakit di na ito serbisyong panlipunan?
dahil ba sakmal na ng kapitalismo ang bayan?

maring buwang tubo lang lagi ang inaasam
tinubo sa pawis ng obrero'y takam na takam
lakas-paggawa ng iba'y sa kanila'y linamnam
habang obrero'y nagluluksa, animo'y pasiyam

maraming buwang manhid ang mga kapitalista
na nakatutok lamang ang puso't diwa sa pera
masa ba'y masokista't kapitalista'y sadista?
o sa nangyayari'y patulog-tulog lang ang masa?

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot