Mga buwaya sa katihan

MGA BUWAYA SA KATIHAN

dapat ikulong ang mga buwaya sa katihan
lalo na't sila'y nangunguna sa katiwalian
bagamat ginagalang ang kanilang karapatan
sila'y dapat managot sa kanilang kasalanan

sino pa nga ba ang mga trapong dapat makulong
kundi yaong sa kaban ng bayan ay nandarambong
kumbaga sa droga, sa pagnanakaw nalululong
sa paglilingkod ba sa bayan sila'y nabuburyong?

bago kumandidato, pag-aari nila'y konti
nang manalo't pumuwesto na'y giri na ng giri
aba, ngayon nga'y kayrami na nilang pag-aari
mukhang sa katiwalian nagmula ang salapi

dapat ibagsak ng tuluyan ang gahamang trapo
ang serbisyo sa bayan ay ginawa nang negosyo

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot