Sa mga mambabasa ng Taliba ng Maralita
Mayo 31, 2020 Sa mga mambabasa ng Taliba ng Maralita, Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa Taliba ng Maralita , ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Simula nang matagumpay na mailunsad ang Ikalimang Pambansang Kongreso ng KPML, nakapag-umpisa muli tayo ng paglalathala ng Taliba ng Maralita . Noong mag-umpisa ako sa KPML bilang staff noong taon 2001 hanggang Marso 2008, sa akin pinatrabaho ang paglalabas ng Taliba ng Maralita , kaya nakapaglathala tayo ng Taliba ng Maralita noon sa size na 8.5 x 11 o short bond paper bawat pahina, at walong pahina kada labas nito. Nalalathala ito noon ng isang beses kada tatlong buwan, apat na beses sa isang taon, may kulay ang unang pahina. Nang mawala na ako noong Marso 2008 bilang staff, at naging volunteer na lamang, di na nakagawa ng Taliba ng Maralita dahil na rin sa kakapusan ng badyet. Subalit lumiit ito ngayon, bawat pahina ng Taliba ng Maralita