Tunay ngang matematika'y pandaigdigang wika

tunay ngang matematika'y pandaigdigang wika
ekwasyon ay unawa na sa maraming salita
sa wikang Ingles, Intsik, Hapon, Arabo, Kastila
maging ikaw ay taga-New York o taga-Maynila

ang Pythagorean theorem ay pare-pareho
at geometriya ni Euclid saanman sa mundo
sa anumang wika'y tiyak maisusulat ito
unawa ang plus, minus, multiply, ibang simbolo

ang ekwasyon ni Einstein hinggil ss relatibidad
ang Fermat's last theorem, matagal man, lutas agad
ang algoritmo, logaritmo't ibang abilidad
trigonometriya't calculus nga'y wikang nilantad

matematika'y gamitin natin sa makatwiran
at pangkomunikasyon sa iba't ibang larangan
gamitin din ito upang mabago ang lipunan
nang mawala ang pagsasamantala't kaapihan

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan