Ating isabuhay ang Kartilya ng Katipunan

ating isabuhay ang Kartilya ng Katipunan
bilang aktibista't Katipunero'y panuntunan
isapuso, isadiwa, ibaon sa kalamnan
makipagkapwa, na gabay ay prinsipyong palaban

durugin ang bulok na sistema't uring burgesya
kabakahin ang mapang-api't mapagsamantala
karahasang di man tanaw ng nagbabagang mata
ay uusigin para sa panlipunang hustisya

pag-aralan ang buhay ng ating mga bayani
sino ang kolektibo nila, kasangga, kakampi
ano ang prinsipyong tangan, asal nila't sinabi
bakit nararapat natin silang ipagmalaki

ang Kartilya ng Katipunan ang kanilang gabay
sa pakikipagkapwa't pakikibaka'y patnubay
oo, Kartilya ng Katipunan ay isabuhay
at ibaon sa kaibuturan hanggang mamatay

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan