Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2024

Timawa - Pataygutom o Malaya?

Imahe
TIMAWA - PATAYGUTOM O MALAYA? ang katanungan sa palaisipan: Dos Pababa PATAY-GUTOM  - anim na titik, ito'y ano kaya KAWAWA, ALIPIN, ngunit sagot pala'y  TIMAWA gayong sa aralin noon, ang timawa'y MALAYA nagbabago ang kahulugan ng mga salita noon, ang timawa ay mga aliping lumaya ngayon pag nanghingi ng limos, tawag na'y timawa kahulugan nito'y nag-iba, paano't bakit nga isang malaking tanong, nagbago nga ba ang wika? o walang trabaho't kita ang aliping lumaya? kaya nagpalaboy, sa lansangan gumala-gala? naging gusgusin ang malaya ngunit walang-wala? nakakatawa nga ba o tayo'y mapapaluha ang pataygutom ay dating mga taong malaya paano ba pumaimbulog ang mga kataga sa pagdatal ng panahon, nagbago ng unawa - gregoriovbituinjr. 03.31.2024

Pasasalamat (Grace Before Meals)

Imahe
PASASALAMAT (GRACE BEFORE MEALS) tayo'y nasa harap nitong hapag-kainan sabay nating bigkasin ang pasasalamat sa mga naghanda ng pagkain ng bayan sa mga nagtanim at nag-ani, salamat salamat sa lahat ng mga magsasaka mula binhi'y pinalago hanggang nag-uhay silang sa lupang sakahan nakatali na silang naglinang at nagpatubo ng palay salamat sa lahat ng mga mangingisda na nilalambat ang buhay sa karagatan upang madala ang mga banyerang isda sa pamilihan, at ating mabili naman salamat sa lahat ng mga manggagawa pagkain ay dinala sa bayan at lungsod kay-agang gumising, kay-agang gumagawa kayod ng kayod, kahit mababa ang sahod salamat sa manggagawang tatay at nanay na nagsikap upang pamilya'y mapakain nang mga anak ay di magutom sa bahay na para sa pamilya, lahat ay gagawin salamat, binubuhay ninyo ang daigdig uring manggagawa, hukbong mapagpalaya kaya marapat lang tayo'y magkapitbisig nang bulok na sistema'y tuluyang mawala - gregoriovbituinjr. 03.31.2024 * mga larawan mul...

CHED official, inireklamo ng mga mag-aaral

Imahe
CHED OFFICIAL, INIREKLAMO NG MGA MAG-AARAL kaytinding ulat, aba'y ano na bang nangyayari? CHED official, nireklamo ng mga estudyante mula  Our Lady of Fatima University ang gobyerno sana'y di maging bulag, pipi't bingi lumalabag daw sa pamantayan ng moralidad ang nasabing opisyal na apelyido'y Darilag kailangan daw paboran ng mga mag-aaral ang umano'y kagustuhan ng nasabing opisyal halimbawa ang reklamo ng MBA student na nakumpleto naman daw ang pinasang requirement subalit grading na incomplete ang binigay pa rin reklamong pinarating sa tanggapan ni Bersamin hiniling ng mga mag-aaral, tulad ni Guia na ang nasabing opisyal ay imbestigahan na lalo't may mag-aaral itong kinukursunada nawa kamtin ng mga estudyante ang hustisya - gregoriovbituinjr. 03.31.2024 * Bersamin - Executive Secretary * ulat mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Marso 31, 2024, p.2

Tanong nila sa akin ngayong semana santa

Imahe
TANONG NILA SA AKIN NGAYONG SEMANA SANTA tanong nila, bakit di raw ako nagsimba? bakit di rin sumama sa semana santa? at bakit ba di rin nag-Bisita Iglesya? bakit sa simbahan ay ayaw tumuntong na? wala bang sinumang nagyayaya sa akin? mga nabanggit ba'y kinatamarang gawin? nasabi na noon, sasabihin ko pa rin baka sa simbahan, isigaw:  "Free Palestine!" ayokong makinig sa paring nambobola na animo'y lagi silang patay-malisya lalo't pinupuri ang Israel sa misa at di mabanggit ang nangyayari sa Gaza wala akong bilib sa ganyang mga pari patunay na burgesya'y kanilang kauri tingin ko nga sa kanila'y mapagkunwari bulag, pipi, at bingi silang di mawari sabi nila, si Hesus ay hari ng Hudyo inagaw ng Hudyo ang lupang Palestino minamasaker pa ang mamamayan nito tapos sasabihin nila, magsimba ako? hanggang ngayon, akin iyang paninindigan pag pinilt, isisigaw ko sa simbahan "Free Palestine!"  huwag nang magbulag-bulagan magsigising kayo para sa katarungan! -...

Sudoku at Word Connect - Marso 2024

Imahe
SUDOKU AT WORD CONNECT - MARSO 2024 natapos din ang isang buwang paglalaro ng Sudoku at Word Connect sa aking selpon nilalaro ko iyon ng buong pagsuyo bilang pinakapahinga ko sa maghapon sa Sudoku ay numero ang binubuo na maaari namang palitan ng letra sa Word Connect ay salita ang binubuo sa wikang Ingles, mahahasa ka talaga simpleng laro pag pahinga, simpleng libangan sa kabila ng trabahong kayod kalabaw nakakatulong maensayo ang isipan matapos ang unos, lilitaw ang balangaw minsan, kailangan talaga ng ganito bilang pahinga sa mabigat na trabaho - gregoriovbituinjr. 03.31.2024

Sa paggawa ng banghay

Imahe
SA PAGGAWA NG BANGHAY paano bang gagawin sa pagpaplano ng banghay o ang pangkalahatang takbo ng isang salaysay kapara'y mabait na pilotong puno ng husay o dahil sa kabaitan, sa piloto'y nagpugay samutsari ang paksa upang magawa ang kwento dapat may pangunahing tauhan o bida rito paglalarawan sa kalagayan ng mga tao kapaligiran, kalikasan, suliranin dito pag-isipan kung paano ba kwento'y sisimulan at bakit ang paksang iyon ang nais ilarawan paano ang daloy at pag-usad ng kwento't laban paano nalutas ang matitinding tunggalian bakit pangunahing tauhan ay di mapakali? paano ilalarawan ang bawat insidente? paanong ayos at pagkasunod ng pangyayari mula bida, paanong masa ang naging bayani? kung ako ang gagawa ng kwento, walang Superman walang iisang taong puno ng kabayanihan lagi't lagi ang bida'y kolektibong mamamayan paano nga ba sila sama-samang nagtulungan - gregoriovbituinjr. 03.31.2024

Isang madaling araw

Imahe
ISANG MADALING ARAW madaling araw, madilim pa ang paligid tila ba aking mata'y may luha sa gilid humahatak daw ako ng mahabang lubid ng barko, ano ang mensahe nitong hatid marahil, isa iyong planong paglalayag nang hinila ang katig, may inihahayag pirata'y paghandaan, paano pumalag ang misyon ko'y paano sila malalansag sagipin ang mga pasaherong babae at tiyakin ding ligtas ang mga bagahe ah, kailangang bumangon upang magkape habang binting namitig ay minamasahe nang biglang kung saan ay napatitig muli sa barkong iyon, may babaeng naglilihi manggang manibalang ang kanyang minimithi habang kaharap ko'y piratang katunggali saan ba kukuha ng manggang inaasam gayong naroon sa gitna ng karagatan marahil ay salmon ang hulihin ko na lang ngunit katunggali'y naroong nakaharang - gregoriovbituinjr. 03.31.2024

Palakasin ang pangangatawan

Imahe
PALAKASIN ANG PANGANGATAWAN palakasin ang pangangatawan tangi itong kabilin-bilinan ng aming matatanda sa bayan pati na yaong nasa tubuhan bawasan mo iyang matatamis lalo na't katawan ay numipis kanin ay huwag kumaing labis magpalakas kahit na magtiis di kailangan ang masasarap kung katawan nama'y maghihirap kung may sakit, paanong pangarap na lipunang dahilan ng sikap kung di susunod, mahahalata sa katawan pag binalewala ang payo ng mga matatanda gayong tinutulungan ka na nga - gregoriovbituinjr. 03.30.2024

Payak na hapunan

Imahe
PAYAK NA HAPUNAN bangus na inadobo sa toyo at suka at ginayat na mga mumunting gulayin kamatis, sibuyas, at dahon ng sibuyas  na kaysarap ulamin kasama ng kanin payak na hapunan ng tibak na Spartan habang wala si misis sa aming tahanan matapos magsulat ng akda'y naghapunan kahit na nag-iisa lamang sa tahanan bukod sa mumurahin, ito'y pampalusog kain-bedyetaryan, kapara ko'y bubuyog sa nektar ng bulaklak nagpapakabusog upang maya-maya'y magpahinga't matulog maraming salamat at muling nakadighay habang naritong patuloy sa pagninilay - gregoriovbituinjr. 03.30.2024

Hayaan mong tumula ako

Imahe
HAYAAN MONG TUMULA AKO hayaan mong tumula ako't inbox ay punuin ngayon lang naman iyan, lahat ay matatapos din pag ako'y di na makatula, o naging pasanin kaya ginagawa ko ngayo'y ipagpaumanhin hayaan mong tumula ako habang may hininga ngayon lang naman iyan, habang narito't buhay pa matatapos din ang lahat, kapag ako'y wala na kung inis ka na'y humihingi ako ng pasensya hayaan mong tumula ako matapos magnilay o kaya'y matapos kong sunugin ang aking kilay baka kasi may mapulot ka sa tula kong tulay patungong ibang daigdig na aking malalakbay hayaan mong tumula ako, nais lang maghandog ng katha sa sambayanan, lipunan, uri't irog tila baga ako'y makatang kapara'y bubuyog na laksang bulaklak, isyu't paksa ang pinupupog - gregoriovbituinjr. 03.30.2024 * maraming salamat sa kasamang kumuha ng litrato

4PH ay hagupit na kaylupit

Imahe
4PH AY HAGUPIT NA KAYLUPIT ang pabahay ay huwag ibatay sa market value kundi sa capacity to pay nitong maralita ang pabahay ay serbisyo, huwag gawing negosyo ito'y isang katotohanang dapat maunawa ang 4PH daw ay pang-ISF, o pang-iskwater ngunit hindi pala, dapat mayroon kang Pag-Ibig binago na ang squatter, ngayon informal settler families, kahulugang pinaganda sa pandinig isang informal worker nga ang umamin nang tunay wala siyang regular na sahod, kaya ang sabi: "Hindi ko kayang bayaran ang presyo ng pabahay ng DHSUD-4PH" , kaydali nating maintindi sino bang maralitang isang kahig, isang tuka na sadyang gipit ang magbabayad ng isang yunit na halaga'y higit sangmilyon, mayroon ba? wala! 4PH sa maralita'y hagupit na kaylupit kaya di pangmaralita ang 4PH na iyan pabahay ng gobyerno'y isang negosyo talaga presyo ng pabahay ay ibatay sa kakayahan at di sa market value, bilang serbisyo sa masa - gregoriovbituinjr. 03.30.2024 * 4PH - Pambansang Pabahay para sa Pili...

Manpower agencies, linta sa manggagawa! Buwagin!

Imahe
MANPOWER AGENCIES, LINTA SA MANGGAGAWA! BUWAGIN! sinabi nga ng kumandidatong senador noon iyang mga manpower agencies ay mga linta nagpapasarap sa iskemang kontraktwalisasyon sinisipsip ang pawis at dugo ng manggagawa dapat silang buwagin, kaya pag ako'y nanalo matatapos na ang maliligayang araw nila sapol na sapol sa panawagan niyang totoo na mga manpower agencies ay linta talaga sa Kalbaryo ng Maralita'y aming panawagan na inilagay sa kurus upang maipabatid sa madla iyang ginagawa nilang kamalian oo, dapat silang buwagin pagkat di matuwid pagsasamantala sa obrero'y dapat tapusin! lintang manpower agencies na'y tuluyang buwagin! - gregoriovbituinjr. 03.30.2024 * litratong kuha ng makatang gala mula sa K albaryo ng Maralita , Marso 26, 2024

Pag-ingatan ang sunog

Imahe
PAG-INGATAN ANG SUNOG minsan, nag-aapoy ang pandama na para bagang nilalagnat ka o kaya'y libog na libog ka na init na init ka na talaga huwag kang maglalaro ng apoy bilin ni nanay nang ako'y totoy lalo't kandila'y nangunguluntoy tubig ay ihanda mong isaboy karaniwan ang sunog sa atin ulat nga'y di ka na gugulatin balita sa dyaryo kung basahin ay sadyang masakit sa damdamin sa paligid mo'y maging matunog alisto nang puso'y di madurog huwag mong kayaang magkasunog kundi baka araw mo'y lumubog - gregoriovbituinjr. 03.29.2024 * litrato mula sa app game na Word Connect

Karapatan sa Kabuhayan, Ipaglaban!

Imahe
KARAPATAN SA KABUHAYAN, IPAGLABAN! iyan ang mensahe sa damit niya marahil siya'y isang manininda pinanawagang karapatan nila sa kabuhayan, igalang talaga ang mga vendor ay huwag gipitin silang marangal, huwag maliitin silang patas sa maraming usapin upang pamilya'y kanilang buhayin karapatan nila sa kabuhayan ay sama-samang ipinaglalaban bawat sentimo'y pinagsisikapan upang anumang kita'y ipuhunan manininda'y totoong kumakayod gayong munting kita'y di naman sahod sa pamilya'y katuwang at gulugod silang sa madla'y tunay kung maglingkod ating dinggin ang panawagang ito buhay na letra't mensaheng totoo sa manininda, kami po'y saludo taas-noo't marangal magtrabaho - gregoriovbituinjr. 03.29.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa rali sa Kongreso laban sa ChaCha, Marso 20, 2024

Oubaitori at Obituary

Imahe
OUBAITORI AT OBITUARY anong kaibhan ng oubaitori at obituary nang mapakinggan ko ito'y di ako mapakali hinanap ko ang kahulugan ng mga nasabi mabuti't nasaliksik kaya ako'y di nagsisi ang oubaitori pala'y Hapones na kaisipan tulad ng bulaklak, ang tao'y lalago rin naman sa sarili nilang panahon at pamamaraan tulad ng ibang ispesyi, ito ma'y karaniwan ang obituary naman ay matagal ko nang batid na talaan ng sa huling hantungan ihahatid minsan sa indayog ng salita'y nasasalabid oubaitori, obituary, huwag tayong maumid maraming salitang pag narinig, magkakatugma subalit iba pala ang kahulugan at dila ang mahalaga palagi ang ito'y maunawa upang di maligaw at baka sa daan mawala - gregoriovbituinjr. 03.29.2024

Kayraming maka-Diyos ang di makatao

Imahe
KAYRAMING MAKA-DIYOS ANG DI MAKATAO mas nais kong magsulat kaysa sundin sila sa tradisyon nila tuwing semana santa tangi kong nagawa'y magsulat ng pabasa para sa rali ng dalita sa Mendiola kayraming maka-Diyos ang di makatao kapitalistang inaapi ang obrero elitistang palasimba subalit tuso sa obrero'y walang paki, una'y negosyo oo, di man lang nila itaas ang sahod ng manggagawang araw-gabing kumakayod tubo muna, obrero man ay manikluhod pati batas ay kanilang pinipilantod pang-ISF daw ang 4PH, bukambibig ng gobyerno, na madalas nating marinig ngunit etsapwera ka kung walang Pag-Ibig pambobola nila'y dapat nating mausig palasimba kahit pangulong maka-Diyos na sa EJK umano'y siyang nag-utos sa ChaCha, bansa'y binubuyangyang ng lubos binebenta sa dayo ang bayang hikahos sa kanila, ang semana santa'y bakasyon silang nagtaguyod ng kontraktwalisasyon kaya di ako lumalahok sa tradisyon buti kung patungo iyan sa rebolusyon - gregoriovbituinjr. 03.29.2024 * ISF - inf...

Hindi pa laos si idol

Imahe
HINDI PA LAOS SI IDOL isang MMA fighter si Eduard Folayang na ilang beses nang nagwagi sa labanan nais niyang bumalik at lumaban sa ONE Championship at muli ay makipagbangasan kung si Pacquiao sa boksing, siya'y sa MMA kung si Efren sa bilyar, siya'y sa MMA kung si Alex sa tennis, siya'y sa MMA siya'y pang- Mixed Martial Arts , idol sa MMA maraming taon na rin ang iyong ginugol upang kampyonato'y makuha mo't mahabol maging matatag ka lagi sa laban, idol patalasin ang bangis upang di pumurol muli, sa laban mo, kami'y nakasubaybay ipakitang di ka pa laos, pagpupugay! - gregoriovbituinjr. 03.29.2024 * ulat mula sa pahayagang Remate , Marso 21, 2024, pahina 12

Marso 29, sa kaarawan ng kapatid ko't pamangkin

Imahe
MARSO 29, SA KAARAWAN NG KAPATID KO'T PAMANGKIN sabay ang kaarawan ng kapatid ko't pamangkin "Happy birthday!"  sa dalawang mahal ko't magigiting "Maligayang Kaarawan!"  sa inyo'y bumabati nawa'y wala kayong sakit at malusog palagi tulad pa rin ng aking sinasabi karaniwan palagi kayong mag-ingat lalo ang kalusugan di ko man kayo madalaw sa malayong probinsya taospuso yaring pagbati't pagpapahalaga Happy birthday, Jojo, Twinkle , pagpupugay sa inyo pagkat inyong pamilya'y inalagaang totoo bawat problema'y may solusyon, at di laging tiis kayo'y matatag,  'Happy birthday!"  sabi rin ni misis habang ako'y narito't kinakathang tula'y tulay upang mapitas ang mangga at nagtubuang uhay ako pa rin naman sa inyo'y di nakalilimot basta ako'y narito lang, madali n'yong maabot - gregoriovbituinjr. 03.29.2024 * litratong cake mula kay google

Sa tumatangkilik sa Taliba ng Maralita

Imahe
SA TUMATANGKILIK SA TALIBA NG MARALITA kami'y taospusong nagpapasalamat talaga sa tumatangkilik sa  Taliba ng Maralitâ , ang publikasyon ng  Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod , ang pahayagan ng dukhâ sa loob ng dalawang linggo nakapaglalabas ng isyu't balita hinggil sa laban nitong bayan 4PH, pabahay, sahod, ChaCha ng talipandas kwento't mga tula, kolum ni  Pangulong Kokoy Gan patnugutan ay narito't tuloy sa pagsisilbi sa maralita upang makamit ang ating layon mulatin at pakilusin ang dukha, di lang rali kundi matutong ipaglaban ang hustisyang misyon ipabatid bakit dapat baguhin ang sistema na siyang dahilan ng naranasang dusa't hirap ang  Taliba ng Maralita 'y kanilang sandata tungo sa pagtayo ng lipunan nilang pangarap - gregoriovbituinjr. 03.29.2024

Sa pagitan ng tsaa't taludtod

Imahe
SA PAGITAN NG TSAA'T TALUDTOD sa pagitan ng tsaa't taludtod ay nagagawa ko pang isahod ang libog, dusa, lumbay, hilahod kung di lang nadulas sa alulod lilikhain ko pa rin ang langit sa gitna ng nadaramang init pagkakatha'y nais bumunghalit damang may ngiti sa bawat saglit di agad tanaw ang kabulukan dahil sa ningning nila't kariktan makintab sa labas pag tiningnan ngunit uod ang kaibuturan ganyan din iyang sistemang bulok mapagsamantala'y nasa rurok tiyan ng kapitalista'y umbok mula burgesya ang nakaluklok - gregoriovbituinjr. 03.28.2024

Tahong at talong

Imahe
TAHONG AT TALONG mula palengke, tahong muna'y hinalabos hinugasan at binabad ito sa tubig na maligamgam saka hinanda ang talbos luya, bawang, sibuyas, kawali sa gilid tanghali iyon, ngayong gabi iniluto di napuna sa dami ng gawaing bahay na gabi na pala, ramdam ko'y narahuyo sa pagsusulat, pagtula at pagninilay nagpahinga at muntik na ring makatulog inihanda na ang kawali pagkat gutom una ko munang ginisa ang mga sahog saka nilagay ang luya, talong at tahong naglagay ng tubig at asin, nagpasabaw nilagyan ng talbos at dahon ng sibuyas pinakulo, sa sarap ako'y napahiyaw O, misis ko, tila ba ako na'y lalakas - gregoriovbituinjr. 03.28.2024

Nakapikit

Imahe
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?"   tanong sa akin minsan "Nakapikit."  ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyon ay basta natanong sa inuman ang tanong pala'y kung ako'y magkukumot at unan sa akin, saanman mapasandal, nakakaidlip may banig o kama, may kumot o wala, pipikit saanman mapunta, ganyang tanong ay di malirip di naman paimportante, kung antok na'y pipikit di ko na problema ang banig o magarbong kama nakaupo, nakahiga, o nasa sasakyan pa basta inantok, ako'y pipikit na lang talaga liban kung nasa labas, seguridad ay taya na may kasabihan nga tayo,  "kung maigsi ang kumot ay huwag munang mag-umunat, kundi bumaluktot" pagtulog ay di problema, saanman mapasuot pipikit na lang pag inantok o kaya'y nanlambot - gregoriovbituinjr. 03.28.2024

Freindship ba o Friendship?

Imahe
FREINDSHIP BA O FRIENDSHIP? typo error agad sa mata ko'y nahagip sa bilihan ng aklat habang nag-iisip ang awtor:  Jane Austen ; ang aklat:  Love and Freindship di ba't ang wastong pagbaybay niyon ay  Friendship ? editor ba'y pabaya't di nakitang tunay marahil sa kanila'y ganyan ang pagbaybay pagkat sa  Wikipedia  sa akin sumilay titulo'y  Love and Freindship  pag binasang tunay di iyon typo error, ipagpalagay na parang labor sa US, labour sa Britanya ang break at ang brake, magkatunog, magkaiba ang spelling sa isa ay iba sa iba ang  Love and Freindship  kaya'y magandang basahin sa pamagat pa lang, baka ika'y kiligin Pag-ibig at Pagkakaibigan  ang salin salitang ugat ay  IBIG  kung nanamnamin - gregoriovbituinjr. 03.28.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa isang estante ng bilihan ng aklat

Gas hydrate, natuklasan sa Manila Trench

Imahe
GAS HYDRATE, NATUKLASAN SA MANILA TRENCH nadiskubre ng mga geolohista ng UP doon sa Manila Trench ang posibleng deposito ng gas hydrate bilang isang alternative energy resource na sa paglaon magagamit na totoo parang yelo raw ito sa sahig ng karagatan na mababa pa sa freezing point ang temperatura dami ng karbon nito'y dalawang beses ang laman na "potentially viable power source" din daw pala taga-College of Science silang sound waves ang ginamit upang matukoy sa mapa ang seismic reflection ng gas hydrate, mga nagsaliksik ito ang sambit, na tinawag nilang bottom simulating reflectors nasa mahigit labinlimang square kilometer sinlaki ng isla ng Palawan ang naturang trench na laman nga'y gas hydrate, ayon sa mga researcher ay, kaylaking deposito nito sa Manila Trench abot dalawandaan hanggang limangdaang metro ang lalim ng seafloor, batay sa kanilang pagtaya subalit nagbigay babala rin ang mga ito dahil sa geological, environmental threat nga ang natutunaw na gas hydrat...

Paglipol ang esensya ng ChaCha nila

Imahe
PAGLIPOL ANG ESENSYA NG CHACHA NILA sandaang porsyentong aariing sadya ang kalupaan ng bansang dapat malaya ang nais nila tayo'y mawalan ng mukha manatiling iswater sa sariling bansa nais nilang distrungkahin ang Konstitusyon political dynasty ay tanggalin doon nukleyar pa'y nagbabantang payagan ngayon bukod pa sa pangarap nilang term extension mag-aaring sandaang porsyento ang dayo lupa, tubig, kuryente, serbisyo publiko iskwater ay gagawing sandaang porsyento sa ngalan ng dayo, nalilipol na tayo dayuhang edukasyon ay papayagan na ito'y gusto raw ng mga kapitalista na susunod na manggagawa'y maeduka upang sa dayo'y magpaalipin talaga pinapirma para sa ayuda ang madla na nasa likod pala'y ChaCha ng kuhila balak ng ChaCha nila'y malipol ang dukha na dignidad ng tao'y binabalewala dapat pagkain sa mesa, hindi Charter Change dapat disenteng pabahay, hindi Charter Change dapat trabahong regular, hindi Charter Change walang kontraktwalisasyon, hindi Charter C...

Hustisya sa mga desaparesido

Imahe
HUSTISYA SA MGA DESAPARESIDO kayraming nangawalang may mga pangalan ngunit katawan ay di pa natatagpuan ang hiyaw ng pamilya nila'y katarungan! ang kanilang mahal sa buhay ba'y nasaan? umano'y dinukot dahil daw aktibista na naglilingkod ng buong puso sa masa na nais baguhin ang bulok na sistema na asam kamtin ay panlipunang hustisya mabuhay kayong mga desaparesido kumilos para sa bayan, kami'y saludo na inorganisa'y magsasaka't obrero upang itayo ang lipunang makatao nawa bangkay ninyo'y matagpuan pa namin nang mabigyan kayo ng marangal na libing nang mga maysala'y talagang panagutin nang hustisya para sa inyo'y makamtan din - gregoriovbituinjr. 03.28.2024 * litratong kuha sa Bantayog ng mga Bayani

Bulong sa hangin

Imahe
BULONG SA HANGIN sa hangin ako'y may ibinulong habang nilalantakan ang tutong na nilagay sa platong malukong bakit ba ulam ko'y okra't talong na isinawsaw ko sa bagoong sa hangin ay aking ibinulong habang nakatalungko sa silong lipunang asam ay sinusulong sistemang bulok nakabuburyong kung sa kapitalismo hahantong ang masa'y tinuturing na gunggong sa kapitalismo ng ulupong! masa ba'y kanino pa kakandong? at kanino hihingi ng tulong? sa bituka, may rebong karugtong! - gregoriovbituinjr. 03.27.2024

Tarang magtsaa

Imahe
TARANG MAGTSAA  tarang magtsaa ng malunggay habang naritong nagninilay pampalusog at pampatibay nitong katawan at ng hanay minsan kailangan talaga sa hapon, gabi o umaga pampasarap ng ating lasa animo'y salabat o luya habang aking ikinukwento bakit ba may aping obrero bakit ba negosyante'y tuso at sistema'y kapitalismo sa Kalbaryo ng Maralita bakit dukha'y kinakawawa nitong sistema ng kuhila dukha'y kailan giginhawa - gregoriovbituinjr. 03.27.2024

4PH sa kalbaryong kurus

Imahe
4PH SA KALBARYONG KURUS sakto ang nakalagay sa kurus na dukha'y nililinlang nang lubos 4PH nilang alok ay peke ito'y para sa kapitalista at hindi para sa maralita huwag ibatay sa market value ang pabahay na alok na ito ibatay sa capacity to pay o capacity to buy ng dukha ang presyo ng bahay ng dalita - gregoriovbituinjr. 03.27.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa  Kalbaryo ng Maralita  sa Morayta, Maynila, umaga ng Marso 26, 2024 *  kurus  at hindi krus ang pagsulat ng mga makata noon, tulad nina Jose Corazon de Jesus, Ildefonso Santos

Sa pwesto ni Lambing

Imahe
SA PWESTO NI LAMBING nakahanap ng pwesto ang pusang si Lambing doon sa patungan ng paso sa may hardin pahinga roon matapos kong pakainin kasama ni Lambong na kapatid niya rin mahilig silang tumambay doon sa bahay mas nais nila ng isda imbes na gulay pag naroon sila, ang loob ko'y palagay pagkat mga daga'y nagsilayasang tunay kaysarap masdan sa nakita niyang pwesto kaysarap ding may alaga, pusa man ito ang haplusin sila'y pinakapahinga ko tula nga sa kanila'y nakathang totoo maraming salamat sa inyo, Lambing, Lambong at sa mga katha ko, kayo'y nakatulong - gregoriovbituinjr. 03.27.2024

Imbes Malakanyang, rali ay sa FEU na

Imahe
IMBES MALAKANYANG, RALI AY SA FEU NA pasensya na po't inyong iskul ay nabanggit sa inyong tapat kami nagrali't naggiit ng aming karapatan dahil sa malupit na sistema, na isyu sana'y mailapit isyung nais naming sa Mendiola masambit sa FEU na, dapat ay sa Malakanyang pagkat doon ang trono ng pamahalaan karapatang magpahayag na'y binawalan sa Mendiola gayong doon marapat lamang batalyong pulis ang sa amin ay humarang Kalbaryo ng Maralita'y isinagawa upang iparating isyu ng maralita ang 4PH ay para sa negosyong sadya pabahay na alok na di para sa dukha sa ChaChang nais nila, bayan ang kawawa payag ba kayong gawing sandaang porsyento na dayuhan ay mag-ari ng lupa rito midya, kuryente, tubig, serbisyo publiko ChaCha ang paraan ng Senado't Kongreso upang Saligang Batas natin ay mabago paumanhin, FEU, kung maging madalas sa inyo idulog ang sistemang di patas pagrarali namin sa harap nyo'y dadalas kung hindi titino ang tuso't talipandas kung bayan na'y binebe...

Maralita, hinarangan ng pulis sa rali

Imahe
MARALITA, HINARANGAN NG PULIS SA RALI nais lamang naming magpahayag subalit pulis na'y nagsiharang ang maralita't di nagpatinag sa harap ng mga nakaabang imbes makarating sa Mendiola iparinig ang daing ng madla ay hanggang doon lang sa Morayta nagprograma't nakapagsalita inihatid na lang sa FEU marahil sa estudyante't guro ang marami naming dalang isyu parang bigas, pangakong pinako tarangkahan ng pamahalaan dapat ang mga isyu'y dulugan gobyerno ba'y kinatatakutan ang sarili niyang mamamayan? - gregoriovbituinjr. 03.27.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos na  "Kalbaryo ng Maralita" ,  umaga ng Marso 26, 2024

Oras - TIME, EMIT, ITEM

Imahe
ORAS - TIME, EMIT, ITEM anumang panahon / o anumang oras bumuga ng usok / o anumang bagay mahalaga lagi, / ito ba'y parehas o sa masa'y patas / pag iyong nanilay? kapara'y daigdig, / nagbabagong klima sa internasyunal / pinag-uusapan sugat ba ng mundo'y / mapaghihilom pa? hustisyang pangklima / na'y pinanawagan rambulin ang METI, / lalabas ba'y ano? ang salitang EMIT, / ang TIME at ang ITEM marahil merong MITE, / ngunit ano ito? sa palaisipan / ay ating nasimsim ang panahon nati'y / hinati sa walo na siyentipiko: / oras ng pahinga oras sa sarili, / oras ng trabaho may laan ding oras / para sa pamilya asawa'y malambing / pagkat may panahon si mister sa kanya, / ang mutyang diwata lalo't ang pag-ibig / ay di nakakahon dama ang pagsinta, / at dama'y malaya - gregoriovbituinjt. 03.27.2024 * litrato mula sa app na Word Connect

Kalbaryo ng Maralita

Imahe
KALBARYO NG MARALITA kanina, aming isinagawa itong Kalbaryo ng Maralita sa Mendiola kami patutungo sa Morayta hinarangang buo ng mga pulis ang maralita sa Morayta na lang nagsalita mga maralita'y di nasindak kahit sangkaterba pa ang parak isyu sana'y nais iparinig sa Malakanyang at mga kabig imbes Malakanyang, sa FEU hinaing ay pinarinig dito trabaho't pabahay, hindi ChaCha ang 4PH ay hindi pangmasa ang manpower agencies na linta ay marapat nang buwaging sadya tuloy ang pagtaas ng bilihin at di mabayaran ang bayarin sa lowcost housing at relokasyon may banta pa rin ng demolisyon dito'y aming mga panawagan ChaCha ay ilantad at tutulan ang krisis sa kabuhayan, klima at karapatan ay wakasan na 4PH ay di pangmaralita kaya isinusumpa ng dukha 4PH ay pangkapitalista kaya dapat itong ibasura di payag na sandaang porsyento lupain ay ariin ng dayo ang iskwater sa sariling bayan ay di na dapat pang madagdagan patuloy na nadaramang sadya itong Kalbaryo ng Maralita kailan ba giginh...

Inyong kamtin ang titulo

Imahe
INYONG KAMTIN ANG TITULO sa  Letran Squires , pagbutihin ninyo ang paglalaro at pag-eensayo nawa sa inyong laban ay manalo at makamit ang asam na titulo apat na dekada nang nakaraan nang naghayskul sa ating paaralan panahon ni  Samboy Lim  nang nariyan nang tatlong titulo'y napagwagian panahon nina Libed at Tabora nang  Letran Squires  ay umarangkada ngayon naman ay inyong ipakita na titulo'y mapasakamay n'yo na magpatuloy kayo't sadyang magsikhay at makakamit ninyo ang tagumpay mabuhay ang Letran Squires! Mabuhay! sa inyo'y taospusong pagpupugay! - gregoriovbituinjr. 03.26.2024 * ulat mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Marso 26, 2024, pahina 12

Gabi na naman

Imahe
GABI NA NAMAN gabi na naman, nais kong matulog matapos kumain ng pansit luglog pagkat katawan ko'y parang nalamog tila namamayat na't di malusog ako'y isang matikas na bubuyog na mapulang rosas ang pinupupog habang nektar ay sinipsip, minumog ngunit sa tinik nito'y nalalasog ano kaya ang kaya kong ihandog sa bulaklak na mutya't iniirog subalit kanina ulo ko'y nauntog mabuti't araw ko'y di pa palubog gabi na at nais ko nang matulog pag binangungot ay agad mayugyog - gregoriovbituinjr. 03.25.2024

Pabasa 2024

Imahe
PABASA 2024 para sa Kalbaryo ng Maralita 4PH pala'y negosyo para sa ating gobyerno kung di matatag ang sweldo ay di ka puwede rito 4PH nila'y negosyo para sa iskwater iyon iniba ang depinisyon para sa ISF ngayon kung walang pambayad doon ay di ka puwede roon manggagawa'y nagtitiis maging kontraktwal ng labis habang manpower agencies na linta sa manggagawa ay laging nakabungisngis presyo ng mga bilihin pataas ng pataas din aba'y dapat repasuhin nitong Kongreso't Senado ang wage fixing mechanism iyang RA 9507 kondonasyon, restructuring pahirap sa lowcost housing pag di bayad ang bayarin agad kang palalayasin ang ChaCha ay panlilinlang na naman sa mamamayan ibebenta sa dayuhan itong ating kalupaan negosyo'y lalong yayaman sandaang porsyentong lupa aariin ng dayuhan iyan ang nais ng ChaCha iskwater sa ating bayan lalong walang matitirhan ang RA 9507 at 4PH, IBASURA ibasura rin ang ChaCha nais naming maralita ay makataong sistema - gregoriovbituinjr. 03.25.2024 * ini...

Itutulog ko na lang muna

Imahe
ITUTULOG KO NA LANG MUNA itutulog ko na lang ba itong hinaing? bakasakaling mawala kapag nagising? malulutas ba ito habang nahihimbing? tandang dapat nang matulog ang paghihikab at nais ko nang matulog katabi si Lab nais magsulat ngunit antok na'y nanunggab itutulog ko muna ang maraming paksa itutulog ko muna ang aking pagluha itutuloy na lang bukas ang ginagawa diwata'y nais kong makasama sa ulap habang nagpapalitan ng mga hinagap, ng mga taludtod, talulot, pangungusap ay, di muna tutula, ako'y tutulog na pagkat paglalakbay ko'y mahaba-haba pa at bukas na lamang muli tayong magkita - gregoriovbituinjr. 03.24.2024 * dibuho mula sa google

Meryenda muna

Imahe
MERYENDA MUNA ako muna'y magmemeryenda katatapos ko lang maglaba pinigaan at sinampay na at bukas naman magpaplantsa tarang magkape't magtinapay habang pahinga't nagninilay tarang pagsaluhan ang monay habang isip ay naglalakbay tapos maglalampaso naman bawat sahig ay pupunasan pag linggo'y ganyan kadalasan walang pahinga sa tahanan simple lang ang meryenda ngayon kape't monay lang ang nilamon subalit di gaya kahapon na nabitin sa pansit kanton - gregoriovbituinjr. 03.24.2024

Pangarap

Imahe
PANGARAP  pangarap ko'y lipunang makatao ay maitayo ng uring obrero walang pagsasamantala ng tao sa tao, habang tangan ang prinsipyo pangarap ko'y lipunang manggagawa kung saan walang naapi't kawawa lakas-paggawa'y binayarang tama at di kontraktwal ang nasa paggawa pangarap ko'y lipunang walang hari walang tuso, kapitalista't pari pangarap makapagtanim ng binhi na ibubunga'y pantay, walang uri pangarap ko'y makataong lipunan na kung kikilos ay baka makamtan - gregoriovbituinjr. 03.24.2024

Pamasahe

Imahe
PAMASAHE nais kong magpamasahe at ako'y sumakay ng dyip trese na ang pamasahe ay di ko pa rin malirip onse kapag estudyante pidabalyudi at senyor bente porsyento'y nalibre subalit hindi ang mayor basta batang nakaupo ay may bayad ding talaga ngunit libre pag pinangko ng kanyang butihing ina nang dumating kay mamasan ay nagpamasahe ako pakiramdam ko'y gumaan mula paa hanggang ulo - gregoriovbituinjr. 03.23.2024

Diskarte

Imahe
DISKARTE akala'y lagi akong wala sa sarili na kung ano-ano na lang ang sinasabi laging abala, nagmamadali sa gabi nang naisip na talinghaga'y maitabi lalo na't kayrami ng isyu't pangyayari na ang dama ng loob ay di mapakali tutunganga sa kawalan at atubili di maialay ang tula sa binibini tanong nila, tula mo ba'y saan binase sagot ko, sa danas ng dusa, luga't peste nilay sa paglakad nang walang pamasahe lalo't madalas pang makaapak ng tae may naging katoto nga akong anluwage sa kalaunan ay aking naging kumpare mabait sa una, ngunit naging salbahe nang ako'y gustuhin ng crush niyang babae sa baba, mga isyu'y inalam kong pirmi na layon ay makapag-organisa kami  tulungan ang masang sa isyu'y napipipi at katukin ang gobyernong di naman bingi - gregoriovbituinjr. 03.23.2024

Nawala na ang Book Sale sa MC Square

Imahe
NAWALA NA ANG BOOK SALE SA MC SQUARE sa Malabon City Square, ang Book Sale na'y nawala nagsara na ang kaytagal kong pinuntahang sadya dahil sa mga aklat doong sadyang pambihira nalugi na ba? paano ang mga manggagawa? matapos manggaling sa S.M.-ZOTO sa Tomana dalawang kilometrong lakad ay sisimulan na di muna uuwi, sa Book Sale ay tatambay muna at baka may mabiling librong kursunada't mura subalit nagsara na ang Book Sale na naroroon na para bang may dambuhalang sa kanya'y lumamon at mga aklat ay nginata at sadyang nilulon nakahihinayang ang doo'y danas na kahapon gayunman, may iba pang Book Sale na sangay ng aklat sa Cubao ay may dalawang madadalaw kong sukat O, Book Sale, sa iyo'y taospusong pasasalamat nagsara man doon, sa iyo'y may nabiling aklat - gregoriovbituinjr. 03.22.2024