Magandang aktres, kinasuhan sa Labor
MAGANDANG AKTRES, KINASUHAN SA LABOR may kaso sa National Labor Relations Commission ang isang kilalang aktres sapagkat kinasuhan ng dati niyang driver, nabalitaan ko iyon sa pahayagang Bulgar , talagang binulgar naman kaso'y di pagbabayad ng night shift differential pay overtime pay, holiday pay, thirteenth month pay, harassment illegal dismissal, at payment of separation pay at ang matindi pa rito ay ang kasong maltreatment o baka kaya isa lang itong gimik sa Showbiz upang mapag-usapan ang mga artistang sikat o kung totoo iyang balita't di isang tsismis ang obrerong naapi'y talagang dapat mamulat nagbulgar kasi'y ang kinasuhan ng cyberlibel ng nasabing aktres, tila ginagantihan siya naghahanap ng butas, nanggigigil, at marahil upang iatras ng aktres ang kasong isinampa gayunman, hustisya'y dapat kamtin ng manggagawa ngunit sa kapitalismo, ito ba'y matatamo? makukulong ba ang aktres na sa kanya'y nandaya? o isang malaking palabas lang lahat ng ito?