5067 at 6507
5067 AT 6507
bihirang magtama ang iskor at bilang ng laro
subalit naganap, rambol nga lamang ang numero
sa Word Connect, pang-six thousand five hundred seven laro
habang five thousand sixty seven naman ang iskor ko
tigisang digit na zero, five, six, at seven, di ba?
pareho ng numero, magkaibang pwesto lang nga
abangan ko'y iskor at bilang ay sabay talaga
subalit kailangan dito'y sipag at tiyaga
halimbawa, sa larong pang-six thousand eight hundred ten
ang iskor kong nakuha'y six thousand eight hundred ten din
dapat lang matiyempuhan nang magawang magaling
at huwag susuko, sa laro'y magkonsentra man din
salita'y nakakatuwang laruin sa Word Connect
subalit minsan din dapat sa salita'y matinik
sa larong ito, placard pa ang salitang natitik
plakard na sa pagkatao ko'y tatak nang sumiksik
- gregoriovbituinjr.
06.22.2024
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento