Balong
BALONG
sa Luneta, isa iyong balong
o fountain, tubig na pinasirit
habang may musikang tumutugtog
at napakakulay pa't marikit
saglit akong napatigil doon
upang magpahinga at magnilay
binidyuhan ang balong na iyon
na ilaw ay aliw na nagsayaw
sana doon sinta ko'y kasama
naglilibot kami't namamasyal
subalit kaylayo ng Luneta
upang isama't doon magtagal
sa balong ay napatitig ako
tubig ba'y naaksayang totoo?
- gregoriovbituinjr.
06.21.2024
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/sQTSEq7oHU/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento