Paglipad sa ere (Sa eroplano, Bidyo 2)
PAGLIPAD SA ERE (SA EROPLANO, BIDYO 2) anong lapad din ng runway ng paliparan maya-maya lang, eroplano'y umandar na pinagmasdan ko ang buong kapaligiran pag-usad namin ay binidyuhang talaga wow, natiyempuhan ko ang mismong paglipad hanggang kalupaa'y lumiit sa paningin sa tabi ng bintana'y naupong kaypalad habang naririnig ang pagaspas ng hangin iyon ang aking unang pagbidyo sa ere nakabibingi ang katahimikan doon bigla'y makaririnig na di ko masabi baka sa hangin kaya nangyayari iyon buti't hangin ay di gaanong nagngangalit lalo't may balitang may parating na bagyo at ninamnam ko na lamang ang bawat saglit nakapagbidyo rin ng dalawang minuto - gregoriovbituinjr. 05.31.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/l0chDSp8Sd/