Coffee, tea or me?
COFFEE, TEA OR ME? SYEMPRE, IKAW NA 'TE!
minsang kasama si misis ay nag-deyt kami
magkaharap sa lamesa, di magkatabi
paskil sa kanyang likuran: Coffee, Tea, or Me?
aba'y syempre YOU sa kanya'y aking sinabi
pag di siya kasama, may pagpipilian
kape man o tsaa ay iinumin naman
subalit pag si misis na ang naririyan
na talagang pipiliin ko'y siya lamang
ah, kapara ko'y ang makatang si Balagtas
na nagsabi na noon: "Sa loob at labas
ng bayan kong sawi", ngunit ang nilalandas
ay pagsintang parang maong na walang kupas
- gregoriovbituinjr.
05.29.2023
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento