umuulan-ulan, umaambon-ambon kahapon
subalit kayganda ng pagsikat ng araw ngayon
at nawa'y ulanin ang maalinsangang maghapon
nang madiligan din ang mga tinanim na iyon
kaysarap ulamin ng pinatubong alugbati
laga man o ginisa'y makadarama ng ngiti
upang mukhang marami, sanga'y pinaghati-hati
ngunit paumanhin kung sa lasa'y napapangiwi
patuloy pa rin ako sa paggawa ng ekobrik
sapagkat nakapagtipon ng isang linggong plastik
paggugupit-gupiting maliit at isisiksik
sa di pa sintigas ng batong boteng inekobrik
habang may coronavirus pa sa sandaigdigan
at mga tao'y nasa kani-kanilang tahanan
isang tula para sa araw ng kapaligiran
ang kakathain ko, ngayon nga'y pinagninilayan
- gregbituinjr.
06.04.2020
Huwebes, Hunyo 4, 2020
Ang batang humihingi ng tubig
huwag basta bira ng bira o kabig ng kabig
anak mo'y humingi ng tubig na iyong narinig
nagmadali ka't kumuha ng isang basong tubig
nasa C.R. siya't panghugas ng puwit ang ibig
aba'y napahiya ka tuloy sa iyong sarili
di ka kasi nagsuri, pagsisisi'y nasa huli
maraming namamatay sa akala, yaong sabi
aba'y muntik ka na kaya magsuri kang maigi
kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan
ito'y tandaan mo para sa tamang kalutasan
ano ang sitwasyon, bakit napunta sila riyan?
sa palagay mo'y ano kaya ang kahihinatnan?
o kaya, paminsan-minsan ay maglaro ka ng chess
matututo kang magsuri't ang hari'y mapaalis
matuto kang mag-analisa kung may paglilitis
upang sa pagharap sa problema'y di ka magtiis

Dissent is not a crime. EJK is!
"Dissent is not a crime." Ito'y isang paninindigan
laban sa batas na mapangyurak ng karapatan
ipapakitang di tayo nagbubulag-bulagan
sa maraming karahasang nagaganap sa bayan
"Dissent is not a crime. EJK is!" Ito'y tindig ko
laban sa pang-aabuso't kawalan ng proseso
dapat ang karapatang pantao'y nirerespeto
at huwag bumaba sa antas ng utak-barbaro
si Voltaire ba ang nagsabing "aking rerespetuhin
at ipaglalaban ang karapatan mong sabihin
ang iyong pananaw o salungat mo mang pagtingin
dahil saloobin mo ito, iba man sa akin."
bakit nila pupuksain ang may kaibang tindig?
"Dissent is not a crime." Dapat tayong magkapitbisig
di nila mapapaslang itong ating mga tinig
para sa makataong lipunan ay iparinig.
- gregbituinjr.
06.04.2020
Miyerkules, Hunyo 3, 2020
Ang manunulat na walang pinagsusulatan
matuturing ka pa rin kayang isang manunulat
kung walang pahayagang pinagsusulatang sukat
sinong maglalathala ng akda, ito'y kaybigat
di dapat akda'y itago lang kung nais magmulat
aba ang manunulat na walang mapagsulatan
kundi sa kwaderno lang na baka anayin lamang
pag inipis o inanay, wala nang katuturan
ang samutsaring akdang talagang pinaghirapan
ah, muntik ko nang sapitin ang kalagayang iyon
buti't may dyaryong Talibang nasusulatan ngayon
salamat sa Taliba't nagpapatuloy sa layon
at nagagawa ko ang aking tungkulin at misyon
sadyang mahirap sa manunulat na walang dyaryo
o magasing pinaglalathalaan ng akda mo
kaya po sa Taliba ng Maralita'y saludo
pagpupugay sa dyaryong walang kaparis sa mundo
- gregbituinjr.
06.03.2020
* Ang Taliba ng Maralita ang opisyal na 20-pahinang pahayagan ng pambansang organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
Martes, Hunyo 2, 2020
Ang inahin at ang kanyang labing-isang sisiw
unang araw ng Hunyo nang makitang napisa na
ang labing-isang itlog na nilimliman ng ina
halos apat na linggo ring sinubaybayan siya
buti't nagawa agad ang bagong tahanan nila
ah, nakakatuwang may bagong mga alagain
na sa panahong lockdown ay pagtutuunang pansin
kaya agad silang ibinili ng makakain
at nilagyan ng tubig upang di sila gutumin
ito ang ikalawang pagkakataong nangitlog,
nilimliman at napisa ng inahin ang itlog
ibang anak niya'y malalaki na't malulusog
ngayon, may labing-isang sisiw siyang iniirog
nawa'y magsilaki silang malakas at mataba
subalit mag-ingat sila sa mga pusang gala
magkaisa sila't huwag ring basta magpabaya
nang sa bayan ay may madulot din silang ginhawa
- gregbituinjr.
06.02.2020

Ang mabuhay bilang vegetarian at badyetaryan
paano bang mabuhay bilang isang vegetarian
na pulos gulay ang laging nasa hapag-kainan
bagamat nais ko ring mag-isda paminsan-minsan
natuto ako sa kilusang makakalikasan
di naman ako tumatanggi pag may mga karne
maliban kung pista, di ako basta bumibili
ng karne, sa manok nga'y nagkakasakit na dine
paborito kong pork chop lang minsan, di makatanggi
sa hirap ng buhay, di lang ako nag-vegetarian
kaytagal kong nabuhay bilang isang badyetaryan
depende sa badyet ang agahan at tanghalian
minsan ay altanghap, badyetaryan hanggang hapunan
bata pa lang ako'y natuto kina ama't ina
kumain lagi ng gulay, talbos, kamatis, okra
kangkong, kibal, kalabasang pampatalas ng mata
kaya natuto na ring magtanim nito tuwina
kamatis, bawang, sibuyas, ay kinakaing hilaw
pag-iinit ng luya o salabat na pangsabaw
mga pampalakas ko bukod sa sikat ng araw
sa mahabang lakaran ay nakakatagal nga raw
almusal, tanghalian, hapunan, altanghap ito
kaya kung vegetarian ako, pasensya na kayo
gayunman, isda't lamangdagat ay kinakain ko
basta iwas lagi sa karne upang sigurado

Lunes, Hunyo 1, 2020
Manunulat na karpintero
manunulat man, paminsan-minsan ay karpintero
tangan ang lagari, kahoy, mga pako't martilyo
kaya sa pagkatha'y may mga paksang panibago
kahit na di talaga karpintero ang tulad ko
iginuhit sa kwaderno ang planong nasa isip
tiyaking may mga gamit kang iyong halukipkip
anong gagawin sa kwarantinang nakaiinip
gawaing bahay, magkarpintero, at di umidlip
kahit nga simpleng kulungan ng manok ang magawa
sa inahing may labing-isang itlog na napisa
nang may bagong tahanan na siya't kanyang alaga
ang plinano ko sa kwaderno'y ginawa kong kusa
inihanda ang lapis, lagari, kahoy, kawayan
at sinukat ang gagawing haligi't ginuhitan
ganyan din sa mga kahoy, saan ang uukitan
handa nang maglagari, sa trabaho'y napalaban
unang araw, pagputol ng kawayan at pagkayas
sunod na araw, pundasyon ay ginawang parehas
inukit ang kawayan, pasok ng kahoy sa butas
nagpako, nagtali ng alambre, loob at labas
ikatlong araw, naglagay ng iskrin sa palibot
sahig at bubong, dapat walang sisiw na lumusot
nang tapos na, inahin at sisiw niya'y dinampot
at ang bagong tahanan ang sa kanila'y sumambot
ganyan nga, paminsan-minsan, tayo'y karpintero rin
anong gagawin, maitutulong, kayang abutin
may bagong piyesa sa mga karanasan natin
ganito pag kwarantinang kahit ano'y gagawin
- gregbituinjr.
06.01.2020

Ang tubig ay buhay
Ang tubig ay buhay
"Even a drop can bring life. Save water" ang paalala
sa bago kong kwadernong pangkalikasan talaga
isang patak man ng tubig ay makasasagip na
kaya ang tubig sa bayan ay ganyan kahalaga
ang tubig nga'y batayang serbisyo sa bawat tao
at karapatan itong di dapat ninenegosyo
ngunit nagmahal ang tubig, tila ginto ang presyo
galing kasi ito sa negosyo't tubong may metro
mabuti'y may tubig ulan na aming sinasahod
sa mga malalaking timba mula sa alulod
ang tubig-ulan na walang presyo't nakalulugod
tubig galing sa tubo'y may presyong nakalulunod
kaya maganda ang kwardernong may ganitong bilin
na sa bawat mag-aaral ay mabuting gamitin
kaya sa anak mo, ganitong kwaderno ang bilhin
di kwadernong may artistang sa ganda'y sasambahin

Linggo, Mayo 31, 2020
Sa mga mambabasa ng Taliba ng Maralita
Mayo 31, 2020
Sa mga mambabasa ng Taliba ng Maralita,
Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML).
Simula nang matagumpay na mailunsad ang Ikalimang Pambansang Kongreso ng KPML, nakapag-umpisa muli tayo ng paglalathala ng Taliba ng Maralita. Noong mag-umpisa ako sa KPML bilang staff noong taon 2001 hanggang Marso 2008, sa akin pinatrabaho ang paglalabas ng Taliba ng Maralita, kaya nakapaglathala tayo ng Taliba ng Maralita noon sa size na 8.5 x 11 o short bond paper bawat pahina, at walong pahina kada labas nito. Nalalathala ito noon ng isang beses kada tatlong buwan, apat na beses sa isang taon, may kulay ang unang pahina. Nang mawala na ako noong Marso 2008 bilang staff, at naging volunteer na lamang, di na nakagawa ng Taliba ng Maralita dahil na rin sa kakapusan ng badyet.
Subalit lumiit ito ngayon, bawat pahina ng Taliba ng Maralita ay kalahati na lang ng short bond paper. Kaya sa isang buong bond paper, ito'y titiklupin na sa gitna. Matapos ang 5th National Congress ng KPML noong Setyembre 16, 2018, at nahalal ang inyong lingkod bilang sekretaryo heneral ng KPML, inumpisahan muli natin ang Taliba ng Maralita, at ginawang isyu number 1 ang Oktubre-Nobyembre 2018 na labas nito. Mula Nobyembre 2018 hanggang Pebrero 2019 ay isang beses kada buwan ang labas nito. Subalit simula ng Marso 2019 hanggang sa kasalukuyan ay dalawang beses bawat buwan na ito nalalathala. Sa ngayon, nakapaglathala na tayo ng tatlumpu't tatlong isyu, at ang huling nalathala ay ito ngang Isyu 33, Mayo 16-31, 2020, at ang susunod ay Isyu 34, Hunyo 1-15, 2020.
Tulad ng karaniwang dyaryong nabibili sa news stand, ibinebenta sa halagang sampung piso (P10.00) ang Taliba ng Maralita, upang maibalik lang ang puhunan. Gayunman, dahil sa higit dalawang buwang kwarantina o lockdown dahil sa COVID-19, ibinahagi na natin sa lahat, na mababasa na ng libre, ang lahat ng isyu ng Taliba ng Maralita na nasa blog na https://talibangmaralita.blogspot.com.
Sa ngayon, naisipan kong gumawa ng ilang patakaran hinggil sa Taliba ng Maralita, at nais ko kayong magbigay ng mungkahi o puna, pagsusuri, o marahil ay mag-ambag ng sulatin, bilang aming mga mambabasa ng Taliba ng Maralita.
Draft Guidelines, o patakaran ng Taliba ng Maralita
- Dapat ipaalam sa Pambansang Lupong Tagapagpaganap (NEC) ang lalamanin ng bawat isyu ng Taliba ng Maralita
- Dalawang beses isang buwan ang labas ng Taliba ng Maralita, tuwing a-kinse at katapusan ng buwan
- Ito ay naglalaman ng dalawampung (20) pahina, sa isang 8.5 x 11 size bond paper, titiklupin kaya bawat pahina ay kalahati ng bond paper, nasa kalahating pulgada ang margin, at 1 pulgada ang gitna (para sa pagtiklop)
- Ang unang pahina ay headline, o tampok na pagkilos ng maralita, o anumang putok na isyu
- Ang ikalawang pahina ay hinggil sa batas at karapatan
- Ang ikatlong pahina ay Editoryal, at may maliit na kahon hinggil sa Taliba ng Maralita
- Ang ikaapat na pahina ay nakalaan sa sulatin ng pambansang pangulo ng KPML, subalit kung wala siyang sulatin, ang pahina 4 ay maglalaman ng pahayag ng KPML sa anumang putok na isyu
- Ang panggitnang pahina o spreadsheet, pahina 10-11, ay hinggil sa mga tampok na lathalain
- Ang pahina 12-13 ay hinggil sa Balita Maralita, at komiks na Mara at Lita
- Ang iba pang pahina, mula pahina 5-9, at 14-19, o labing-isang pahina, ay maglalaman ng iba pang sulatin, tulad ng pahayag ng KPML, mga saliksik, sanaysay, balita mula sa mga kapatid na organisasyon ng BMP, Sanlakas, PLM, ZOTO, Piglas-Maralita, atbp.
- Paminsan-minsan ay may isang pahinang Bukrebyu at mga sanaysay at salin hinggil sa sosyalismo, o sosyalistang adhikain
- Ang pahina 20 o huling pahina ay panitikan, o mga tula, na siyang masasabing kolum ng sekretaryo heneral ng KPML, na isa ring makata
- Kung kulang ng artikulo, magsaliksik. O kaya naman, dapat may mga reserbang artikulo, salin, bukrebyu, awit na pangmasa, tungkol sa pampublikong pabahay, sulating teoretikal, na ilalagay pag wala nang iba pang pumasok na artikulo
- Tuwing ikalima at ikadalawampu ng buwan ay ilalabas ng sec gen ang plano para sa isyung malalathala sa a-kinse o sa katapusan ng buwan
- Tuwing ikasampu o ikadalawampu't lima ng buwan ang deadline ng mga artikulo
- Sa ika-12 at ika-27 ng buwan ay umpisa na ng layout
- Kung may artikulong ihahabol, dapat sa ika-12 o ika-27 ng buwan ay maihabol na. Kung hindi makahabol, ito'y sa susunod na isyu na ilalathala
- Kung kakayanin, makapaglathala tayo ng mga balita mula sa rehiyon ng KPML at mga kasaping pederasyon at lokal na organisasyon, na sana'y maiambag nila
- Ang mga pahayag o artikulo, hangga't kakayanin ay kunin sa kalahating pahina ng short bond paper, o mas maikli pa kung may litrato, dahil bawat pahina ng Taliba ay kalahati ng 8.5 x 11 na papel, ang font ay size 11, Calibri, Arial o Times New Roman; ito'y upang di mahirapan sa layout bawat pahina
- Sinusunod ng Taliba ng Maralita ang prinsipyo ng creative commons, na maaaring ilathala ang anumang artikulo basta sinabi mo kung saan ang source, kahit di na magpaalam upang ilathala sa Taliba, tulad ng mga press statement, polyeto, litrato, at balita ng mga organisasyon; dahil nais talaga nila itong ipalaganap, at isa lang ang Taliba ng Maralita sa magpapalaganap nito; "Creative Commons aspires to cultivate a commons in which people can feel free to reuse not only ideas, but also words, images, and music without asking permission — because permission has already been granted to everyone." (mula sa https://wiki.creativecommons.org/wiki/Legal_Concepts)
- Imbes na copyright, sinusunod ng Taliba ng Maralita ang copyleft, na ibig sabihin, "which seeks to support the building of a richer public domain by providing an alternative to the automatic "all rights reserved" copyright, and has been dubbed "some rights reserved" (mula sa Wikipedia). Katulad din lang ito ng pagsi-share natin ng anumang sulatin sa facebook upang mabasa ng iba.
- Kung pribadong sulatin ng mga indibidwal na nasa facebook, ito'y dapat munang ipaalam sa nagsulat na ilalathala ang kanyang artikulo; tulad ng pagpapaalam ng Taliba ng Maralita na ilathala ang mga sulatin ng pangulo ng KPML na nasa kanyang facebook
- Dapat eksaktong a-kinse at katapusan ng buwan ay tapos na, at nailathala na ang Taliba ng Maralita
- Dahil lahat ng isyu ng Taliba ng Maralita ay nasa blog na https://talibangmaralita.blogspot.com, maaari na natin itong i-share sa ating mga kamag-anak, kakilala at kaibigan, sa pamamagitan ng facebook upang mabasa ng mga kasapian, mga kapatid na organisasyon, mga kasama, at mga kapwa dukha, at kahit ng pamahalaan
Kung may maidadagdag kayo, mungkahi o puna, bilang mambabasa ng Taliba ng Maralita, kayo po ay inaanyayahang magbigay ng mga mungkahi.
Hindi ko alam, ngunit bilang manunulat, ang Taliba ng Maralita na lang ang tanging publikasyong aking sinusulatan. Kaya parang personal na krusada ko na ito bilang makata't manunulat. At matindi ang inilapat kong disiplina sa aking sarili upang patuloy na malathala ang pahayagang ito sa takdang panahon, walang patid. Mahirap kasi na naturingan kang manunulat nang wala ka namang pinagsusulatang anumang dyaryo o magasin.
Wala na ang mga pinagsulatan ko noong magasing Tambuli ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (1996-1999 kung di ako nagkakamali), magasing Maypagasa ng Sanlakas (na nakadalawang isyu, 1998 at 1999), pahayagang Obrero ng BMP (na higit 40 isyu ang nalathala mula 2003 hanggang 2010), ang magasing Ang Masa ng Partido Lakas ng Masa (na nakapitong isyu noong 2012), ang nag-iisang isyu ng pahayagang Sosyalista ng PLM (bandang 2008 o 2009 kung di ako nagkakamali, lumabas ng SONA ni GMA), ang Siklab ng Super Federation (na naglathala ng ilang artikulo ko at tula). Sa totoo lang, kung may pahayagan ang MASO (Manggagawang Sosyalista) at PAGGAWA (Pagkakaisa ng Uring Manggagawa, magboboluntaryo rin ako, di lang sa pagsusulat, kundi sa layout at pamamahagi.
Kaya nais kong mag-iwan ng tulang medyo personal, ipagpaumanhin. Naiiyak lang ako dahil Taliba ng Maralita na lang ang napagsusulatan ko, dahil wala na ang iba. Kaya bigay todo na ako rito. Na kahit nitong panahong kwarantina ay patuloy ang paglalathala natin ng Taliba ng Maralita. Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kasama sa National Executive Committee ng KPML sa kanilang taospusong suporta. Pasensya na sa tula:
pinagbubutihan ko ang paggawa ng Taliba
ng Maralita't ito ang tanging naglalathala
ng aking kathang sanaysay, tula't iba pang akda
tanging dyaryong sinusulatan ko bilang makata
may Aklatang Obrerong naglalathala rin naman
ng mga tula ko sa aklat, aba'y kainaman
subalit bihira nang nagagawa pa ang ganyan
di tulad nitong Talibang talagang pahayagan
kinsenas at katapusan, dapat nalathala na
itong Taliba ng Maralita upang mabasa
ng madla ang mga nilalaman nito tuwina
balita, paninindigan, komiks, isyu't problema
Taliba ng Maralita'y dyaryo ng masa, ninyo
kaya suportahan natin ang pahayagang ito
ito lang ang tangi kong pinagsusulatang dyaryo
kung dito na ako mamamatay, payag na ako
Maraming salamat. Mabuhay kayo!
Greg Bituin Jr.
Tagapangasiwa ng Taliba ng Maralita
Sekretaryo Heneral, KPML
Sabado, Mayo 30, 2020
Inadobong lamang loob ng bangus
Inadobong lamang loob ng bangus
inadobo kong muli ang lamang loob ng bangus
dati'y pulutan lang, ngayon ay ulam ko nang lubos
inadobong bituka, apdo't atay, aba'y ayos
di isinama ang hasang, ang tiyan ko'y nag-utos
lamangloob ng bangus ay pampulutan lang noon
ngunit dahil sa kwarantina'y pang-ulam na ngayon
kadalasan nga, bituka'y kanilang tinatapon
inisip lang ng lasenggerong pulutanin iyon
kaya iba talaga ang panahong kwarantina
lalo na't COVID-19 sa mundo'y nananalasa
di na normal ang buhay, kaya mapapaisip ka
lalo sa pagkain, nang di magutom ang pamilya
sa kanila'y katawan ng bangus, iba ang akin
dagdag ang bituka ng bangus na aadobohin
ayaw man nila, sa akin ay nakabubusog din
salamat sa tanggero, ito'y natutunan ko rin
- gregbituinjr.
05.30.2020

Maraming tanong na namumutiktik sa isipan
Maraming tanong na namumutiktik sa isipan
ako'y nagmamakata sa panahong kwarantina
nakatingalang kinakatha'y mga alaala
paano ang dalitang patuloy na nagdurusa?
hinahanap ng tulad nila'y di pa rin makita
o ayaw talagang tingnan, nais na lang hayaan
sino nga ba ang dukhang sakbibi ng kahirapan
na wala namang kwenta sa tulad nilang mayaman
tingin kasi nila dukha'y pataygutom at mangmang
nakikita ko ang mga iyon at tinutula
sino nga ba iyang dukhang laging kinakawawa?
bakit nga ba may mayaman, bakit may maralita?
mayayaman ba'y bida't dukha'y laging lumuluha?
maraming tanong na namumutiktik sa isipan
bakit ba may mga iskwater sa sariling bayan?
kaya bilang makata'y pag-aralan ang lipunan
kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan
maraming tanong na dapat kong hanapan ng sagot
habang nasa lockdown at nananalasa ang salot
mabuting kumatha sa panahong nakababagot
na pinag-aralang mabuti't di lang pulos hugot

Biyernes, Mayo 29, 2020
Magtanim ka na lang ng kamote
may kasabihang "magtanim ka na lang ng kamote"
simpleng kawikaan ngunit kayraming sinasabi
lalo't nasa kwarantina, ito pala'y may silbi
upang may matatalbos ka rin, di pa naman huli
magtanim ka na lang ng kamote'y tukso sa tamad
biro sa mga batugang tila walang pag-unlad
tukso sa taong ang isip ay laging lumilipad
biro sa sinumang wala raw namang abilidad
ngunit ngayong may lockdown, malaki ang pakinabang
sa pagtatanim ng kamote pag wala kang ulam
ilaga mo ang talbos o ihalo sa sinigang
iluto ang bunga't tiyak gutom mo'y mapaparam
halina't magtanim ng kamote, kumilos tayo
para sa kinabukasan, di lang dahil sa tukso
ito nga'y isang kasabihang nagkakatotoo
nang may makain at di magutom ang pamilya mo

Sa Taliba ng Maralita na ako mamamatay
isang makata't manunulat akong naturingan
na dapat ay maraming dyaryong pinagsusulatan
subalit nagsusulat lang sa isang pahayagan
sa Taliba ng Maralita ng aming samahan
pasalamat ako sa Taliba ng Maralita
pagkat ako'y nakakapaglingkod sa mga dukha
Taliba ng Maralitang tanging naglalathala
sa ngayon ng mga sanaysay ko't nalikhang tula
dalawampung pahinang pahayagang dukha ito
kaya ang paggawa nito'y pinagbubutihan ko
pagkat tanging ito lang ang sinusulatang dyaryo
kada buwan ay dalawang beses ang labas nito
kung sina Lopez Jaena nga'y may La Solidaridad
sa kasaysayan pa'y may pahayagang La Libertad
ako'y sa Taliba ng Maralita naglalahad
isyu't problema ng bayan ang dito'y nilalantad
sa lalamaning artikulo'y laging nagninilay
sinong susulat, sinong may akdang maibibigay
anong wastong linya't artikulong dapat ilagay
ito na ang pagsusulatan ko hanggang mamatay
salamat sa publikasyong ito ng mga dukha
at sa pagkakataong akda'y dito malathala
taos-pagpupugay sa Taliba ng Maralita
at sa mga mambabasa nitong di nagsasawa
- gregbituinjr.
* Ang Taliba ng Maralita ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML).
Huwebes, Mayo 28, 2020
Tunay ngang matematika'y pandaigdigang wika
tunay ngang matematika'y pandaigdigang wika
ekwasyon ay unawa na sa maraming salita
sa wikang Ingles, Intsik, Hapon, Arabo, Kastila
maging ikaw ay taga-New York o taga-Maynila
ang Pythagorean theorem ay pare-pareho
at geometriya ni Euclid saanman sa mundo
sa anumang wika'y tiyak maisusulat ito
unawa ang plus, minus, multiply, ibang simbolo
ang ekwasyon ni Einstein hinggil ss relatibidad
ang Fermat's last theorem, matagal man, lutas agad
ang algoritmo, logaritmo't ibang abilidad
trigonometriya't calculus nga'y wikang nilantad
matematika'y gamitin natin sa makatwiran
at pangkomunikasyon sa iba't ibang larangan
gamitin din ito upang mabago ang lipunan
nang mawala ang pagsasamantala't kaapihan
- gregbituinjr.
Kung kamatayan ko ang mitsa ng kanya
nagsusulat ako ng tulang sa masa'y may silbi
na sa kaapu-apuhan ay mapagmamalaki
na nakibaka rin sa kalagayang anong tindi
na tuso't gahaman sa tula ko inaatake
diktador man siya o bwitre, tatamaang lintik
pag nagpasya ang pluma ko'y di na patumpik-tumpik
pakikinggan sinumang api sa kanilang hibik
kuhila'y bibirahin sa gawang kahindik-hindik
kung kamatayan ko ang mitsa ng kanyang pagbagsak
dahil sa nilikhang tula laban sa mapangyurak
kung dahil sa kinatha ko, ako'y mapapahamak
tatanggapin ko, basta sa trono siya'y lumagpak
pagkat aking bawat tula'y para sa taumbayan
at para sa pagbabago ng bulok na lipunan
na samutsaring paksa'y aking pinaninindigan
na ito'y katha ng pagtatanggol sa sambayanan

Ilang pananaw hinggil sa ating karapatan sa kalusugan
Ilang pananaw hinggil sa ating karapatan sa kalusugan
Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr.
Ano nga ba ang tinatawag na rights based approach to health? O ano ang kalusugang nakabatay sa karapatan? Mahalaga ang usaping ito lalo na ngayong panahon ng pananalasa ng COVID-19. Ito ba'y isyu ng mga nasa sektor ng kalusugan, o isyu ito ng mga sundalo at kapulisan?
Bakit sa usapin ng kalusugan, parang martial law at pulos pulis at militar itong mga nakaharap sa taumbayan, imbes na mga doktor, nars, at iba pang nasa sektor ng kalusugan? Masakit pakinggan na sabihin nating ang tanging alam lang ng pangulo sa pagsugpo ng problema ay pagpaslang o extrajudicial killings (EJK), kaya pati sa usapin ng COVID-19 ay pulis at militar pa rin ang inihaharap.
Sigaw nga ng marami sa atin: Serbisyong Medikal, Hindi Militar! Checkup, hindi checkpoint! Paano ba natin nauunawaan na tayo'y nakaharap sa sakit na coronavirus, at hindi tungkol sa pasistang paghahari?
Ano nga ba ang ating karapatan sa kalusugan? Ano ang mass testing? Ano ang flatten the curve?
Lalo na ngayong maraming mga manggagawa ang pinababalik na sa mga pagawaan. Panawagan ng manggagawa: Mass Testing muna bago pabalikin sa trabaho! Sa mga mag-aaral ay gayon din.
Ayon kay Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, WHO Director-General, “The right to health for all people means that everyone should have access to the health services they need, when and where they need them, without suffering financial hardship. No one should get sick and die just because they are poor, or because they cannot access the health services they need." ("Ang karapatan sa kalusugan para sa lahat ng tao ay nangangahulugang bawat isa’y dapat madaling kamtin ang serbisyong pangkalusugan na kailangan nila, kung kailan at kung saan nila ito kailangan, nang di maghihirap dahil sa kawalan ng salapi. Walang sinumang dapat magkasakit at mamatay dahil lamang sa mga ito ay mahirap, o dahil hindi nila ma-access ang mga serbisyong pangkalusugan na kailangan nila." – salin ni GBJ)
Sa ngayon, dapat magkaroon ng mass testing para sa lahat, mayaman o mahirap. Bago sila pabalikin sa trabaho o pumasok sa eskwelahan, tiyaking ligtas ang pagawaan, paara-lan, opisina, maging sa mga tahanan.
Tiyaking ang karapatan sa kalusugan ay tinatamasa ng lahat. Sabi nga, dapat rights based approach, kaya dapat hindi pulis at militar, kundi mga doktor ang dapat sundin sa panahong ito, at hindi ang mga may baril na sanay sa hazing bilang disiplina.
* Unang nalathala ang artikulong ito sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Mayo 16-31, 2020, pahina 2.
Miyerkules, Mayo 27, 2020
Nakikita ko ang hirap sa iyong mga mata
nakikita ko ang hirap sa iyong mga mata
tila kaytagal mo nang niyakap ang pagdurusa
subalit anumang hirap ay di mo alintana
para sa pamilya, lahat ay iyong kinakaya
nagdaralita man, patuloy kang nakikibaka
hangga't may buhay, may pag-asa, ang paniwala mo
tama ka, pinag-iisipan mo kung anong wasto
kita ko, kayrami mo nang isinasakripisyo
hirap ka na subalit buo pa rin ang loob mo
nang pamilya'y itaguyod, di nagpapasaklolo
mabuhay ka, mabuhay ang tulad mo kahit hirap
sa kabila ng kalagayan mong aandap-andap
nagsisikap upang maabot ang iyong pangarap
may pinaglalaanang bukas kaya nagsisikap
sana, makita ko sa mata mong saya'y nalasap

Martes, Mayo 26, 2020
Ang naglipanang upos
wala ka bang pakialam sa nagkalat na upos?
maglakad kang nakatungo't makikita mong lubos
na ang kapaligiran natin ay kalunos-lunos
tambak ang basura't mga upos nga'y di maubos
upos na'y pangatlo sa basura sa karagatan
kaya di lang pulos plastik ang dito'y naglutangan
may gwantes pa't facemask, dagat na'y naging basurahan
balewala ba sa iyo ang ganyang kalagayan?
mapapakiusapan mo naman ang nagyoyosi
sa isang lalagyan lang ang upos nila'y itabi
kung may batas sanang upos ay maipagbibili
o gagawing ekobrik o magyo-yosibrik kami
di ko mapapakialaman ang kanilang bisyo
kung sa kanila'y nakakatulong itong totoo
sa akin lang, upos ay huwag itapon doon, dito
may tamang lagayan upang di maglipana ito
kung isdang may upos sa tiyan ay ating makain?
o upos sa sisiw ay ipakain ng inahin?
iyang isda't manok ba sa anak ipakakain?
naisip bang upos sa tiyan nila'y pumunta rin?
halina't gawin natin anumang makabubuti
gawin anumang wasto lalo sa upos ng yosi
protektahan ang kalikasan, ito ang mensahe
para sa daigdig, bayan, pamilya, at sarili
- gregbituinjr.
Bukrebyu hinggil sa nobelang tulang ANG MGA ANAK DALITA ni Patricio Mariano
BUKREBYU: Ang nobelang tulang ANG MGA ANAK DALITA
Sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.
Mapalad akong nagkaroon ng sipi ng mahabang tula nobelang ANG MGA ANAK DALITA ni Patricio Mariano, na isinulat at natapos noong Enero 1907, at isinaaklat noong Disyembre ng 1911. Nabili ko ang aklat na ito noong Disyembre 9, 2019, sa Popular Bookstore sa Lungsod Quezon sa halagang P50.00. Ito'y umaabot ng 64 pahina.
Kung sa Florante at Laura ay may "Sa Babasa Nito" si Balagtas, may "Sa Babasa" naman si Mariano. Mayroon din siyang dedikasyon na may pamagat na "Sa mga binibining manggagawa". Kung ang Florante at Laura ay may 399 saknong, at ang Sa Dakong Silangan ni Jose Corazon de Jesus ay may 443 saknong, binubuo naman ng 364 saknong itong Ang Mga Anak Dalita, na maylabimpitong kabanata. Ang estilo ng nobelang ito ay patula, tulad ng estilo ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas at Sa Dakong Silangan. Bawat taludtod ay may labingdalawang pantig, at may sesura sa ikaanim. Gayunman, kapansin-pansing magkakaiba ang bilang ng taludtod sa bawat saknong.
Nagsimula sa tigaapat na taludtod bawat saknong mula Kabanata 1-7, 11, 13, 16-17 At pagdating na sa Kabanata 8-10, at 12, ay tiglilimang taludtod na bawat saknong. Sa kabanata 14-15 naman ay tigaanim na taludtod naman.
Halina't ating pagnilayan ang ilang taludtod. Sa Kabanata 5 (Paghabag ng Puhunan), sa saknong 11 at 12 ay ito:
"O gayon na lamang ang pag-alipusta
sa inuupahang mga maralita!
ibayo't ibayo ang dagdag na gawa
at sa upa naman ay baba ng baba."
"Datapwat ang tao'y hindi makadaing
pagkat natatakot na sila'y alisin,
dahil sa maraming kahit na gayonin
ay nakikiagaw, dahil sa kakanin."
Sa pamagat pa lamang ay tungkol na sa buhay ng mga maralita, at inilarawan sa nobela ang unang bahagi ng lipunang kapitalismo. Marami tayong matututunan. Basahin natin ang kabuuan ng tulang nobelang ito at namnamin pa ang tula ni Mariano tungkol sa mga kapatid nating dukha.
* Unang nalathala ang akdang ito sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Mayo 16-31, 2020, pahina 14.
Lunes, Mayo 25, 2020
Ang pangarap kong gitara
minsan, sa tindahan ng gitara'y napapadaan
at ang anyubog nito'y akin ngang pinagmamasdan
mula sa kwerdas, leeg, tatangnan, buong katawan
hinahagod ng tingin hanggang ako'y matunawan
di ko pa nabibili ang pangarap kong gitara
dahil ba walang salapi o hilig na'y nag-iba
pag napapadaan sa bilihan, napapatanga
pinagninilayang gitara'y tinitipa ko na
nag-aral akong maggitara noong kabataan
tinitipa-tipa ang awiting nagugustuhan
ngunit sa kalaunan, iba ang napagbalingan
matematika, pagtula, araling panlipunan
hanggang sa ngayon nga'y wala pa rin akong gitara
gayong marami akong tulang naisaaklat na
na maaari kong gawing awit kung may gitara
subalit kahit pagtipa sa gitara'y limot na
di pa huli ang lahat, di pa huli ang pag-awit
kung may gitara'y pagsisikapang ito'y magamit
lalapatan ng tono ang ilang tula ko't dalit
kung kakayanin ay aawitin ko hanggang langit

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Trapo at basahan
TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...
-
INEMURI sa atin, pag nahuling natutulog sa trabaho baka di lang sitahin, sibakin pa ang obrero kaya ka raw nasa trabaho'y upang magtraba...
-
KUNG WALANG SAGOT, MALI BA ANG TANONG? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa Enero 14, 2024 isyu ng palaisipang Aritmetik sa pahayag...