Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2021

Kaplastikan

Imahe
KAPLASTIKAN pulos kaplastikan na sa ating kapaligiran pulos plastik at upos sa dagat naglulutangan sadyang kalunos-lunos na ang ganyang kalagayan at ngayon ay bansa ng plastik tayong naturingan sa isang editoryal nga'y Plastic Nation ang tawag sa ating bansang may ilan pang gubat na madawag kayrami raw nating, oo, nating basurang ambag na tila sa ulat na ito'y di tayo matinag ang nabanggit bang editoryal ay nakakahiya na dahil sa plastik, tila ba tayo'y isinumpa anong gagawin ng bansa upang ito'y mawala aba'y magtulungan at magbayanihan ang madla kayrami mang nagawa, di sapat ang Ocean Cleanup paano bang kalinisan ng ilog ay maganap ang Ilog Pasig, tingnan mo anong kanyang nalasap habang tayo'y abalang kamtin ang abang pangarap pulos plastik, pulos kaplastikan na ang paligid pulos microplastic sa dagat pag iyong sinisid ano bang dapat nating gawin, turan mo, kapatid bago pa kaplastikan sa dilim tayo ibulid - gregoriovbituinjr. 06.30.2021 * litrato mula sa Editor...

Magulong kapaligiran

Imahe
MAGULONG KAPALIGIRAN parang gulong ang buhay sa samutsaring dinanas paikot-ikot, pasikot-sikot, pare-parehas ramdam mong masalimuot ang bawat nilalandas nilulutas ang mga suliraning di malutas mula sa puno'y naglalagasan ang mga dahon nakabitiw sa mga sanga't di na makaahon sadyang ganito ba ang kalakarang parang kahon isinilang, naging tao, mamamatay paglaon subalit sa pagitan ng buhay at kamatayan ay makadarama ng pag-ibig at kabiguan ng kasiyahan, ng kapaitan, ng kalungkutan di matakasan ang magulong kapaligiran sa patutunguhan mo nga'y dadalhin ka ng gulong nakabisikleta man o nakaawto'y susuong sa balak puntahan, pangarap, saanman humantong basta matumbok ang dinulot ng sariling dunong - gregoriovbituinjr. 06.30.2021 * litratong kuha ng makatang gala sa Bantayog ng mga Bayani, Lungsod Quezon

Pritong isda

Imahe
PRITONG ISDA tila isdang galit pag tumingin sa mesa'y naroong nakahain kitang sunog nang ito'y hanguin sa kawaling talagang nangitim napabayaan ba ng makata ang pagpiprito niyang kaysigla o kung saan-saan natunganga nagluluto'y may ibang ginawa sapat lang sana ang pagkaluto upang sarap nito'y di maglaho nasunog, lumutong, at sumubo kumain pa rin ng may pagsuyo sumarap din dahil sa kamatis na sadyang sa mukha'y pampakinis na pampaganda rin nitong kutis kunswelo sa mamang mapagtiis tara, halina't mananghalian o kaya'y ulamin sa hapunan huwag paabutin ng agahan aba'y kayhirap nang mapanisan - gregoriovbituinjr. 06.30.2021

Bukrebyu: Ang aklat na "Tungkos ng Talinghaga"

Imahe
BUKREBYU: ANG AKLAT NA "TUNGKOS NG TALINGHAGA" Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Tuwang-tuwa akong makabili ng mga aklat ng tula ng iba pang makata, bilang mga koleksyon sa munti kong aklatan. Tulad na lang nitong aklat na  "Tungkos ng Talinghaga"  na inilathala ng  Talingdao Publishing House  sa Taguig noong 2002. Nabili ko ang aklat na ito sa  Solidaridad Bookshop  sa Ermita nito lang Pebrero 19, 2021, sa halagang P250.00. Sampung manunulat, sampung tula bawat isa. Ito ang agad kong napansin sa koleksyon. Ibig sabihin, isangdaang tula lahat-lahat. At bawat makata ay may maikling tala bago ang kanilang sampung tula. Ang mga nag-ambag sa aklat na ito'y sina  Lilia F. Antonio ,  na siya ring patnugot ng koleksyon,  Apolonio Bayani Chua (ABC), Eugene Y. Evasco (EYE), Ezzard R. Gilbang, Ruby Gamboa Alcantara, Florentino A. Iniego Jr., Wilfreda Jorge Legaspi, Jimmuel C. Naval, Rommel Rodriguez, at Elyrah Loyola Salanga . Nagbigay ng...

Ang bawat kong tula'y paglilingkod

Imahe
ANG BAWAT KONG TULA'Y PAGLILINGKOD para sa akin, ang bawat kong tula'y paglilingkod tulad sa pagkaing anong sarap na nakatanghod araw-gabing kumakain ng anong makalugod araw-gabing magsalansan ng saknong at taludtod tara, sa pananghalian nga'y saluhan mo ako ating namnamin ang gulay, ang prito, ang adobo tara, sa paggawa ng tula, ako'y sabayan mo ating namnamin ang bukid, ang pitak, ang araro may kasabihan nga, ang personal ay pulitikal tulad ng pagkain at pagtulang gawaing banal pagluluto't paglikha ang sa diwa'y nakakintal mula sa sinapupunan ng wala'y maitanghal ang bawat kong tula'y paglilingkod sa abang madla sa kababaihan, kabataan, nagdaralita ang bawat kong tula'y tulay sa uring manggagawa mga tulang bubusog sa tiyan, puso n'yo't diwa ako'y makata ng lumbay, sa inyo'y nangungusap ako'y makata ng pag-ibig, na di kumukurap ako'y makatang pulitikal, may pinapangarap na lipunang makatao nawa'y matayong ganap - gregorio...

Kontra-baha sa Provident Village

Imahe
KONTRA-BAHA SA PROVIDENT VILLAGE isang magandang balitang makabagbag-damdamin na huli man at magaling sana'y magawa pa rin higit sampung taon nang nakaraan nang bahain ang Provident Village na talagang lumubog man din nanalasa ang ngitngit ng Ondoy, kaytinding bagyo lumubog sa baha ang buong subdibisyong ito dalawampung talampakan, abot anim na metro higit limampung tao umano'y namatay dito at naganap ang bangungot sa ikalawang beses nang manalasa ang mas matinding bagyong Ulysses nitong nakaraang taon lang, bagyo'y naninikis muling lumubog ang Provident, sadyang labis-labis buti't may gagawin ang lokal na pamahalaan nang di na maulit ang bahang di mo makayanan higit isangdaang metrong bakod, ito'y lalagyan kung bumagyo't umapaw ang ilog ay may haharang kaytagal hinintay ang ganitong inisyatiba salamat sa alkalde ng Lungsod ng Marikina at sana'y matatag ang bakod na gagawin nila upang di maulit ang mga bangungot at dusa - gregoriovbituinjr. 06.29.2021 Mga pi...

Hiyaw ng katarungan

Imahe
HIYAW NG KATARUNGAN binaril ng pulis na lasing ang isang matanda aba, ito'y sadyang nakagigimbal na balita bakit ba nangyari ang gayon, nakakatulala matanda'y walang armas, pinaslang ng walanghiya! ayon sa ulat, nag-iiba ang pulis pag lasing kaibigan pa naman daw ng biktima ang praning nagagalit, nabubuwang, mistulang may tililing mga kaanak ng biktima, hustisya ang hiling nakunan pala sa bidyo ang ginawang pagpaslang lasing na ang suspek nang babae'y sinabunutan tinutukan ng baril, sa leeg pinaputukan ang ginawa ng parak ay walang kapatawaran ang mga naulila'y humihiyaw ng hustisya lalo't wala namang kalaban-laban ang biktima tanong ko'y bakit ginawa ng pulis ang trahedya? dahil ba pangulo'y sagot ang pandarahas nila? libu-libong tinokhang nga ang nilibing na't sukat kasama na ang matandang pinagtripan ng alat ah, sana'y mahuli't maparusahan din ang parak kung walang bidyo, baka biktima pa'y mabaligtad - gregoriovbituinjr. Mga pinaghalawan: ...

Linisin ang Ilog Pasig

Imahe
LINISIN ANG ILOG PASIG di ligtas at marumi ang tubig sa Ilog Pasig iyan ang sinambit ng marami't nakatutulig pag naligo rito'y di lang basta mangangaligkig pag nagkasakit ka pa'y sarili mo ang uusig aba'y para kang naligo sa dagat ng basura tulad ng trapong sa maraming lupa'y nanalasa ang paglinis sa Ilog Pasig ba'y magagawa pa marahil, kung magtulong tayong ito'y mapaganda pulos basura, di naman basurahan ang ilog kung anu-ano ang nakalutang at nakalubog sa karumihan nga sa mundo ito'y napabantog tayo'y walang magawa, sa puso'y nakadudurog ngunit kailan pa ito malilinis, kailan di lang basura kundi langis din ay naglutangan mula pabrika't sasakyang pantubig na dumaan di ito malilinis kung di ito sisimulan halina't kumilos, bakasakaling may magawa Ilog Pasig ay simbolo ng kultura ng bansa walang malasakit sa ilog, sa tao pa kaya ah, nais kong magboluntaryo't tumulong ng kusa - gregoriovbituinjr.

Sakripisyo ng mga nanay

Imahe
SAKRIPISYO NG MGA NANAY sa community pantry mga ina'y pumipila madaling araw na'y gising, pipila ng umaga bakasakaling kahit kaunti'y may makukuha upang pansagip sa gutom ng kanilang pamilya sa panahon ng pandemya, pantry ay nagsulputan dahil kay Patreng Non, na simbolo ng bayanihan lumaganap ang  "Magbigay ayon sa kakayahan" pati na  "Kumuha ayon sa pangangailangan" dahil pandemya, mga ina'y lahat ay gagawin at anumang hadlang o balakid ay hahawiin antok man sa madaling araw ay sadyang gigising malayo man ang community pantry'y lalakarin ganyan ang sakripisyo ng mapagmahal na nanay upang kanilang pamilya'y di magutom na tunay ang pagbabayanihan ng kapwa'y buhay na buhay taospusong pasalamat sa mga nagbibigay - gregoriovbituinjr.

Dito sa kagubatan

Imahe
DITO SA KAGUBATAN kayraming puno sa kagubatan na bunga'y pipitasin na lamang mga hayop ay nagmamahalan at bawat isa'y nagbibigayan oo, di sila tulad ng tao na kabig doon at kabig dito serbisyo'y ginagawang negosyo ginto ang nasa puso ng tuso naglalaguan ang mga puno sana mga ito'y di maglaho ngunit kung puputlin ng maluho ay mabebenta saanmang dako gubat ma'y kunin ng manunulsol upang gawing silya o ataul lalabanan ang gintong palakol kagubata'y dapat ipagtanggol buhay man iwi yaong kapalit tahanan itong dapat igiit bahay ng hayop, ibon mang pipit huwag hayaang sila'y magipit ah, mabuti pa rito sa gubat kasamang hayop ay matatapat na bawat bunga'y para sa lahat at walang basta nangungulimbat mamitas lamang ng bungangkahoy habang nagsasaya pati unggoy na sa baging ay uugoy-ugoy pagong ay sa sapa naglulunoy mga pagkain dito'y sariwa luntiang gubat na pinipita mga hayop na sadyang malaya ay nabubuhay nang mapayapa - gregoriovbituinjr. 06.28.2021

Kuyom pa rin ang nakataas na kaliwang kamao

Imahe
  KUYOM PA RIN ANG NAKATAAS NA KALIWANG KAMAO patuloy pa ring nakakuyom ang aming kamao lalo't pangarap pa lang ang lipunang makatao sagana sa likas-yaman, hirap ang mga tao mayaman ay ilan, dukha'y milyong milyong totoo para sa pamilya, manggagawa'y kayod ng kayod mga magsasaka'y nagtatanim at nagsusuyod habang ekta-ektaryang lupa'y nilagyan ng bakod habang ang laot sa plastik at upos nalulunod pulos edukado'y namuno sa pamahalaan subalit sa kahirapan ay walang kalutasan dahil ayaw nilang tanggapin ang katotohanan na pribadong pag-aari'y ugat ng kahirapan patuloy pa ring kuyom ang kamaong nakataas habang nangangarap pa rin ng lipunang parehas pag-aralan ang lipunan bakit kayraming dahas na ginagawa sa dukha't lipunan ay di patas mapagsamantalang sistema'y dapat nang baguhin ugat ng kahirapan ay dapat nang buwagin manggagawa't maralita'y dapat organisahin at lipunang makatao ang itatayo natin - gregoriovbituinjr. 06.27.2021 * litratong kuha s...

Pananalasa ng bu-ang

Imahe
PANANALASA NG BU-ANG nanggigigil na sa galit ang mga tinatakot sapagkat mahal nila'y pinaslang, nakalulungkot may panahon ding babagsak ang pinunong kilabot dahil sa mga atas nitong kahila-hilakbot wakasan na ang tokhang na ang pasimuno'y bu-ang na sa due process o wastong proseso'y walang galang na sariling desisyon lang ang sa kanya'y matimbang halal ng bayan ngunit isa palang mapanlinlang siyang-siya sa dugo ng tinimbuwang na masa habang nag-iiyakan ang kayraming mga ina habang tayo'y nakikiisa at nakikibaka upang kamtin ng masa ang panlipunang hustisya ang masang galit ay talagang di na mapalagay pananalasa ng bu-ang dapat pigilang tunay - gregoriovbituinjr. 06.27.2021 * litratong kuha sa pagkilos noong Hunyo 12, 2021

Makipagkapitbisig sa kauri

Imahe
MAKIPAGKAPITBISIG SA KAURI patuloy nating ipaglaban kung ano ang tama ipagtanggol ang bayan, magsasaka't manggagawa ipagtanggol ang dukhang hampaslupa't maralita laban sa sinumang mapagsamantalang kuhila katulad nina Che Guevara at Ka Popoy Lagman na tinuring na bayani ng mga kababayan dahil sa inambag nilang talino't kakayahan ngunit kapwa pinaslang dahil sa misyon sa bayan di natin hahayaang tayo'y maging pipi't bingi sa mga katiwalia't dahas na nangyayari sa mga naganap na inhustisya sa marami sa mga paglabag sa karapatang tayo'y saksi tanungin bakit buhay ng dukha'y kalunos-lunos bakit laksa'y dukha, iilan ay nakakaraos pag may dinahas na kapwa, bakit dapat kumilos pag puno na ang salop, bakit dapat kinakalos samutsaring isyu ng bayan ay dapat marinig sa kapwa ba o sa ginto ang puso'y pumipintig kung pakikipagkapwa ang sa puso'y nananaig sa mga dukha't obrero'y makipagkapitbisig pagkat manggagawa't maralita'y iyong kauri n...

Itigil ang torture!

Imahe
ITIGIL ANG TORTURE alay na tula para sa International Day in Support of Victims of Torture Hunyo 26, 2021 "Itigil ang tortyur!"  ang marami'y ito ang sigaw sapagkat pag sinaktan ka'y sadyang mapapalahaw animo ang likod mo'y tinarakan ng balaraw dahil sa bali't bugbog ay di ka na makagalaw ang tanging alam mo lamang, isa kang aktibista na ipinagtatanggol ang kapakanan ng masa na ipinaglalaban ang panlipunang hustisya na paglilingkod sa madla'y pagbibigay-pag-asa ngunit minamasama ito ng pamahalaan at ayaw ng burgesya sa salitang katarungan subalit tibak kaming ayaw magbulag-bulagan sa mga nangyayaring inhustisya sa lipunan kaya kami'y naglilingkod, patuloy sa pagkilos lalo't pag puno na ang salop, dapat lang makalos subalit kami'y hinuli dahil prinsipyo'y tagos sa puso ng masang ayaw naming binubusabos at sa loob ng kulungan ay doon na dinanas yaong pananakit ng ulupong na mararahas nang mapatigil ang prinsipyadong tibak sa landas ng katarun...

At muling natagpuan ang tula

Imahe
AT MULING NATAGPUAN ANG TULA taospuso akong nagpapasalamat sa mutya siyang musa niring panitik kaya nakatula mula sa panahong laging nakapangalumbaba ngunit aba kong puso'y narito't muling sumigla kinabog-kabog ang dibdib na puno ng pagsuyo kaming magkalapit din kahit gaano kalayo at inukit ang panaghoy sa katawan ng puno inaalala ang nimpang walang anumang luho lumilipad-lipad ang lambana sa papawirin habang nakatanaw man din ang dambuhalang lawin habang ang sugat ng pighati'y titiis-tiisin ngunit habang gumagaling ay balantukan pa rin nawala ang tula sa daluyong ng karagatan na tila ba naanod sa delubyo ng kawalan patuloy ang unos at makata'y napuputikan datapwat nakaahon din sa binahang lansangan ngunit naligaw, di na alam saan napasuot hanggang napasagupa sa ano't kayraming gusot tinanggap ang hamon at ang makata'y pumalaot at tula'y natagpuan kung saan masalimuot tula'y di matingkala ngunit naging inspirasyon ang musa ng tugma't sukat, ng taludt...

Pagbabalik sa gunita

Imahe
Tula batay sa kahilingan ng mga kasama para sa isang pagkilos mamayang gabi PAGBABALIK SA GUNITA alay na tula para sa International Day in Support of Victims of Torture Hunyo 26, 2021 (8 syllables per line, 12 stanza) 1 ahhh, nararamdaman ko pa panahon mang kaytagal na ang tortyur na naalala na akala mo'y kanina 2 lamang nangyari sa akin gayong anong tagal na rin nang ito'y aking danasin pipisakin ang patpatin 3 latay sa bawat kalamnan pasa sa buong katawan tila muling naramdaman di mawala sa isipan 4 tinanggal ang aking kuko tinusukan ang bayag ko nilublob sa inidoro ang aking ulo't tuliro 5 ako'y aktibistang sadya na kampi sa manggagawa kasangga ng maralita sa bawat nilang adhika 6 ako'y nagpapakatao pagkat aktibista ako na pangarap na totoo ay lipunang makatao 7 nais ko lang ay magsilbi sa bayang nagsasarili ngunit dinampot sa rali nitong nakauniporme 8 hanggang ako'y akusahan pinag-init daw ang bayan upang magsipag-aklasan yaong nasa pagawaan 9 kinasuhan nil...

Tara, magkape tayo

Imahe
TARA, MAGKAPE TAYO tara, paminsan-minsan naman ay magkape tayo habang naghuhuntahan, palitan ng mga kwento ano na bang pagtingin mo sa nagsulputang isyu? na pag pinatulan natin, di ba tayo dehado? tarang magkape matapos ang gawain sa bukid magkape dine sa dampa, may upuan sa gilid anong magandang balita ang iyong ihahatid anong ulat at kwentong sa atin ay nalilingid napapag-usapan lang naman habang nagkakape habang sa maraming gawain ay dumidiskarte paano ang pagsulong upang di agad mamate ng tuso't katunggaling talaga namang salbahe nakabungad sa himpapawid ang nagliliparang mga ibong tila nagkakatuwaan na naman habang nariyang tumilaok ang alagang tandang upang ipabatid ang animo'y di mo pa alam  ano ang nais mong kape, KOPIKO o KOPIMO? o Great Taste, Jimms, o kaya naman ay kapeng barako minsan, mahalagang magpalitan ng kuro-kuro sa panahong dapat mapakinggan ang ibang kwento - gregoriovbituinjr. 06.25.2021

Pakiusap sa dyip

Imahe
PAKIUSAP SA DYIP agad kong nilitratuhan ang pakiusap sa dyip na nasakyan ko't sa budhi'y talaga ngang tumirik isuot ng maayos ang inyong face mask at face shield dahil drayber ang hinuhuli't bibigyan ng tiket pakisama na natin sa drayber gawin ang wasto nang makapasada sila't kumita ring totoo para rin sa kalusugan ng bawat pasahero at di rin naman magkahawaan ang mga ito huhulihin sila't titikitan dahil sa atin? mali man ito o tama'y dapat tayong may gawin simpleng pakiusap lang naman nila'y ating dinggin nang walang balakid sa biyahe't makauwi rin sundin lang natin ang pakiusap ng tsuper, tara upang pare-pareho tayong di naaabala sa patutunguhan ay agad tayong makapunta at sila'y patuloy sa kanilang pamamasada - gregoriovbituinjr. 06.25.2021 * litratong kuha sa dyip na nasakyan

Ang wastong paghihinaw

Imahe
ANG WASTONG PAGHIHINAW karatula'y naroon sa lababo sa palengke na nagpapaalalang maghinaw tayong maigi kamay daw nga'y hugasang wasto yaong pasintabi sa labas man o sa bahay, sa araw man o gabi simpleng panawagang palaging sinasambit-sambit upang di raw magkahawaan ng perwisyong COVID baka kasi may virus ang sa iyo'y kumalabit mabuti't may gripo sa palengke't di nalilingid di lang sa palengke, kundi sa radyo't telebisyon maging sa mga dyaryo'y pinapatalastas iyon panawagan sa buong bayang sadyang nilalamon nitong virus kaya sa babala tayo'y tumuon COVID ay bantang parang itatarak na balaraw sa panahon ng pandemyang kayraming pumalahaw dahil buhay ay wala sa panahong inaagaw ni Kamatayan, kaya mag-ingat, tayo'y mahinaw sapagkat paraang ito'y pagbabakasakaling makaligtas sa COVID, virus ay di manatili tunay na anong hirap damhin ang mga pighating dinanas na kamatayan yaong mamumutawi - gregoriovbituinjr. 06.25.2021 * litratong kuha sa isang palengk...

Nang magtampo ang tula

Imahe
NANG MAGTAMPO ANG TULA naroon sa kawalan, walang pumasok sa isip tinamad na bang mag-isip kahit sa panaginip anyubog at banyuhay man ay walang kahulilip ang musa ng panitik ay nariyang di malirip marahil huwag piliting paduguin ang utak huwag piliting humiyaw ang pusong nagnanaknak subalit diligan pa rin ang alagang pinitak upang di abutin ang pagkatigang at pag-antak ngayon lang muli nagsisimula ang bagong araw habang sa pluma'y nakatarak ang isang balaraw na kahit apoy sa kalan animo'y anong gaslaw at suot na pantalon ay bakit ba naging lawlaw malamlam ang katimugan sa aking pagtingala tiyan pa'y nananakit, may unos na nagbabadya naririndi, nanlalabo, parating ba ang sigwa nilalagnat pati mundong dapat ding maunawa sumusumbat sa budhi ang kawalan ng pagkilos pag napuno na ang salop ay dapat kinakalos gusgusing pulubi ang pagtulang naghihikahos baka mapabilang sa talaang di magkapuntos - gregoriovbituinjr. 06.24.2021 * mula Hunyo 14-23 ay di nakatula ang inyong abang lingk...

Sampung araw di nakatula

Imahe
SAMPUNG ARAW DI NAKATULA sampung araw di tumula, nag-alala si misis ang tanong agad sa akin kung ako ba'y maysakit dama niya agad pag tula'y tila ba napalis di maikaila pagkat walang masambit-sambit hanggang makausap kong muli ang diwatang irog tula'y biglang sumigla, lumipad nang anong tayog tila siya ang rosas, ako naman ang bubuyog sampung araw di tumula, ngayon ay dumudulog sa lungga ko sa ilalim ng lupa nagninilay habang minumutya'y nasa panagimpan kong taglay nang magkatalamitam ang nadama'y tuwang tunay pagkat gumaling ang iwing pusong puno ng lumbay ramdam ng mutya sa bawat kong saknong at taludtod kung ako ba'y nawawala sa huwisyo't hilahod kung ito'y tumitindig pa kahit pagod na pagod tulad ng tandang na sa salpukan ay di luluhod logro diyes, sa pula, sa puti, yaong sigawan ngunit ako'y patuloy sa kathang pinupulutan at muling tutula upang paglingkuran ang bayan habang katha ng pagsinta'y nasa kaibuturan - gregoriovbituinjr. 06.24.2021 ...

Wala mang kasangga

Imahe
WALA MANG KASANGGA sino sa inyo'y kakampi ko sa pag-eekobrik pati na rin sa ginagawang proyektong yosibrik wala bang kakampi sa kalikasang humihibik dahil sino ba ako't upang kayo'y mapaimik baka tingin kasi'y isa akong dakilang gago mag-ekobrik ay gawain lang daw ng isang gago namumulot daw ng plastik at upos ang tulad ko subalit sa kalikasan ay may tungkulin tayo kahit ako'y pinagtatawanan ng mga matsing akong kaytagal na ring sinipa sa toreng garing kahit nanlalait sila't pulos na lang pasaring ang aking ginagawa'y tatapusin kong magaling di pa rin ako sumusuko, wala mang kasangga sa akin man ay nandidiri't nanliliit sila dahil tinututukan ko'y pawang mga basura na Inang Kalikasan ay mailigtas pa sana marahil sa pangangampanya nito, ako'y palpak kaya pinagtatawanan ng mga hinayupak lalo't ginagawa'y proyektong walang kitang pilak proyektong di nila pagkakakitaan ng limpak mag-isa man, aking itutuloy ang adhikain baka maunawaan lamang a...

Di ko isasalong ang sandatang pluma

Imahe
DI KO ISASALONG ANG SANDATANG PLUMA ang mga berdugo'y patuloy kong tinutuligsa sapagkat dama ko'y tungkulin bilang manunula ayokong may nakita na'y nakapangalumbaba at parang tuod sa tabi-tabi't walang magawa di susuko, tula ko man ay kanilang paslangin tula'y mananatiling sa langit bibitin-bitin laging panlipunang hustisya'y sasambit-sambitin dito man sila't gatilyo'y kanilang kalabitin walang humpay ang pamumuna sa anumang bulok basura man, upos, plastik, o yaong nasa tuktok kahit isa akong daga sa laksang pusang bundok sa pagsalong ng pluma'y di nila ako mahimok gagampanan ko ang bawat tungkuling nakaatang lalo't mga ito'y di naman pawang paglilibang ito'y seryosong gawaing baka lamang mapaslang na buong pusong tinanggap, mangga ma'y manibalang - gregoriovbituinjr. 06.13.2021 Sunday the 13th

Ang makata ng lumbay

Imahe
ANG MAKATA NG LUMBAY sa bawat pagtula'y di ko kailangang mapuri pagkat sino ba naman akong tula'y pawang hapdi na simpleng taong lumalaban sa mapag-aglahi subalit pulos kapighatiang di ko mawari sa hinaharap, tula ko'y ibabaon sa hukay ng utak-salarin at ng kanyang tusong galamay anong gagawin ng tulad kong makata ng lumbay kung sila'y masaktan sa katotohanang dinighay ginagawa ko lamang itong iwi kong tungkulin upang bawat kinakatha sa bayan pagsilbihin ang karapatang pantao'y mabigat mang dalahin ay panlipunang hustisya naman ang tutunguhin ito sa ngayon ang nasabi ng abang makata habang nakatalungko sa loob ng munting lungga sa iwing tungkulin ay di pa rin nagpapabaya papasanin ang atang, mapaslang man o mawala - gregoriovbituinjr. 06.13.2021 Sunday the 13th

Tila ako'y bungo sa aba kong daigdig

Imahe
TILA AKO'Y BUNGO SA ABA KONG DAIGDIG bakit nila pinapaslang ang iwing pagkatao na sa tungkulin at ginagawa'y laging seryoso pati na mga nakakathang tula'y apektado tila baga ako'y bungo sa abang daigdig ko marami man akong tulang inaalay sa madla di ko mawaring bakit napapaslang akong lubha tinoka nilang salarin ay di ko masawata pagkat di ko kilala't aking nababalewala subalit pagmamakata'y nasa diwa ko't puso habang ang mga nakakasagupa'y walang biro damang sa malao't madali ako'y maglalaho kasabay ng pagpaslang nila sa tula ko't bungo mawawala ang sining kong kanilang tinotokhang dapat pag-ingatan anumang tangkang pananambang mawawala na ang tulang mapagsilbi sa bayan na tanging masasabi ng makata ay paalam - gregoriovbituinjr. 06.13.2021 Sunday the 13th

Wakasan ang Child Labor sa Pilipinas

Imahe
WAKASAN ANG CHILD LABOR SA PILIPINAS sa murang edad ay nagtatrabaho na ang bata habang kontraktwal na magulang ay walang magawa ang gobyerno sila'y hinahayaan na lang yata panawagan ko'y wakasan ang child labor sa bansa dapat sa murang edad nila'y nasa paaralan masaya sa panahon ng kanilang kabataan ang  Convention of the Rights of the Child  ay ginagalang at kinikilala ang bawat nilang karapatan karapatan ng bawat batang mabigyang proteksyon may tahanan at pamilya, walang diskriminasyon magpahayag ng sariling pananaw o opinyon sapat na pagkain, magkaroon ng edukasyon subalit dahil sa child labor, kaybilis tumanda batang katawan ay nabatak ng husto't kawawa ama'y walang trabaho, bata'y naging manggagawa ika nga, bata, bata, paano ka ba ginawa di mabayarang tama ang trabaho nila't pagod di makaangal ang bata sa mababang pasahod dinadaya na ang bata, gobyerno'y nakatanghod? habang sa child labor, kapitalista'y nalulugod! dapat madanas nila ang pagiging...

Hangad kong lagi'y kalayaan

Imahe
HANGAD KONG LAGI'Y KALAYAAN ako'y aktibista, anak ng dalawang obrero parehong kaytagal naging kawani ng gobyerno mga mahal kong magulang na kapwa retirado at kapwa pinarangalan sa kanilang serbisyo subalit ayaw nilang ako'y maging aktibista naunawaan ko naman bakit ganoon sila pinili kong landas ay inunawa naman nila lalo't marami akong nakikitang inhustisya ako raw ang uukit ng aking kinabukasan ako'y pinag-aral pagkat tungkulin ng magulang di man sila sang-ayon, di ako pinabayaan hanggang marating ang kolehiyo'y sinubaybayan ako'y Katipunero ng makabagong panahon aral sa Kartilya ng Katipunan hanggang ngayon paglaya mula sa pagsasamantala ang layon pagbabago ng bulok na sistema'y aking misyon hangad ko'y lipunang pantay, lipunang makatao na tao'y nakikipagkapwa't nagpapakatao hangad ko rin ang kalayaan ng uring obrero mula sa kuko nitong sistemang kapitalismo ako'y aktibista, hangad kong lagi'y kalayaan ito'y tanging aral mula s...

Maging mahinahon

Imahe
MAGING MAHINAHON nag-init na naman ako nang mawalan ng tinta ang gamit kong bolpen, talagang nakakadismaya dahil yaong nasa utak ay malilimutan na mula sa haraya'y taludtod na tila mahika mabuti na lang at si misis ako'y sinabihan huwag mainit ang ulo, problema'y anong gaan mamaya lang, bagong bolpen ako'y kanyang binigyan di lang isa, di lang dalawa, kundi maramihan sa pagsagot ng sudoku, ang tinta na'y nawala naubusan na ng tinta sa pagkatha ng tula at pagminuto sa pulong ng manggagawa't dukha maging mahinahon upang problema'y di lumala ang bolpen ay talagang nauubusan ng tinta ngunit huwag hayaang maubusan ng pasensya tulad ng pagkaubos ng manibalang na mangga na puno'y sa susunod na taon pa mamumunga huwag daanin sa init ng ulo, ani misis ang anumang kawalan ay kaya nating matiis at sa pagiging mahinahon ay huwag magmintis kung bolpen mo'y walang tinta, gamitin muna'y lapis - gregoriovbituinjr. 06.11.2021

Soneto sa mga kamote ng lansangan

Imahe
SONETO SA MGA KAMOTE NG LANSANGAN Bakit wala kayong helmet na nagmomotorsiklo? Nakita ni Ka Nelly Tuazon ay sadyang seryoso Pag nadisgrasya ba kayo'y sinong sisisihin n'yo? Kayhirap masakuna't baka mabagok ang ulo Kapatid ng bayaw ko'y walang helmet, nadisgrasya Pagkat may biglang tumawid na bata sa kalsada Biglang preno ng motorsiklo't tumilapon siya Nabagok, nadala pa sa ospital, namatay na Minsan, disgrasya'y di maiwasan, di man kumurap Pamilya ba'y handa pag buhay nawala sa iglap? Na kung nag-helmet lang sana'y baka buhay pang ganap Ah, disgrasya'y pumapatay nga ng mga pangarap Ang hinihingi ng kasama'y simple lamang naman Mag-helmet na kayo, mga kamote ng lansangan! - gregoriovbituinjr. 06.11.2021

Palaisipan

Imahe
PALAISIPAN palaisipan ang maraming nangyayari noon na di mo batid bakit nauulit pa rin ngayon kung nais marinig ang awitan ng mga ibon puno'y itanim, palayain sila't di ikulong paano nga ba sasagutan ang bawat sudoku kung nababalisa kang makakita ng numero nakakabalisang lalo ang gawain ng trapo na magpayaman lang sa poder ang kita ng tao kayraming nagyoyosi, sa gasul pa magsisindi hirap ba sila't posporo'y di pa nila mabili katawan ko'y kaybigat, nais kong magpamasahe matiyak ko lang may pambayad ako't pamasahe pag napuno na'y dapat nga raw kalusin ang salop lalo na't tiwali sa kabang bayan ang natutop lalo't sa pandarambong mga trapo'y anong sinop habang kayraming mamamayan yaong nagdarahop ang buhay ni Archimedes ay napag-aralan ko na sa panahong sinauna'y bantog na sa mundo nagkakalkula ng solusyon sa math, inistorbo ng kawal ng kalaban at pinaslang ngang totoo sa krosword nga'y kayrami kong nabatid na salita na ginamit kong sadya sa ...

Pagmumuni-muni

Imahe
PAGMUMUNI-MUNI nakalikha muli ng talon ang nagdaang bagyo sa bundok habang narinig kong umaalimpuyo sa karagatan, at pagbaha sa lungsod na ito na di ko batid kung mga nasalanta'y paano lumambot ang lupang dati'y aspaltadong kaytigas na animo'y pinagpapalo ng bagyong kayrahas nahintakutan ang mga astig at maaangas na di malaman anong gagawin, saan pupulas anang paham sa kawikaan niyang anong rikit bato-bato sa langit, tamaa'y huwag magalit habang nalulumbay akong walang masambit-sambit kundi sana'y matulungan din ang kawawang pipit ika nga, di tayo sinusukat sa ating lungkot o kaya naman ay sa pag-iisa't pagkabagot kundi sa labanan kung saan tayo nasasangkot para sa panlipunang hustisyang masalimuot  di malilimot ang buhay sa nagisnang panahon obrero'y biktima pa rin ng kontraktwalisasyon umulan ma't umaraw, sa bawat isyu'y tutugon hanggang malutas ang problema't tayo'y makabangon - gregoriovbituinjr. 06.11.2021 * litratong kuha ng makatang ga...

Sa muling pagninilay

Imahe
SA MULING PAGNINILAY anong tamis ng ngiti ng diwata niring buhay habang nakatalungko lamang ako't nagninilay araw-gabi ang gawain ng makata ng lumbay na taludtod at saknong ay pinagtatagning husay kapara ng ngiti'y asukal na di napaparam na habang nagsusuyuan ay para kaming langgam buti na lang, walang ibang nangangagat na guyam matamis na suyuan ay kaysarap ngang manamnam tumingala't pinagmasdan ko ang langit na bughaw diwata'y nagsisilbing init sa gabing maginaw siya ang preno sa pagmamaneho kong magaslaw ang ligaya ng makata ng lumbay sa tag-araw patuloy raw niyang babasahin bawat kong tula na produkto ng haraya, ng dusa ko't pagluha na mula sa dibdib na dama ang ligaya't tuwa ah, patuloy lang ako sa tungkuling magmakata - gregoriovbituinjr. 06.11.2021

May araw din pala ang tangan kong panulat

Imahe
MAY ARAW DIN PALA ANG TANGAN KONG PANULAT (EVERY JUNE 9 IS NATIONAL BALLPOINT PEN DAY) aba'y may araw din palang tinalaga sa bolpen sa manunulat tulad ko'y dapat ipagdiwang din lalo na't araw-gabi'y tangan ang bolpen kong angkin upang magamit sa bawat akda kong susulatin tinalaga sa nagdaang pitumpu't walong taon ibig sabihin, noong digma, panahon ng Hapon at naungusan na ang fountain pen at lapis ngayon dahil dito'y kayraming akda ang nasulat noon halimbawa'y liham ng pag-ibig sa sinisinta sa mga nanliligaw pa lang ay liham-pagdiga sa mga manunulat ay pag-akda ng nobela sa mga makatang kinakatha'y tula tuwina noon, tinta ng pluma'y di raw pantay na totoo kaya maraming imbentor, ito'y inasikaso salamat sa magkapatid na Laszlo't Gyorgy Biro at itong bolpen ay naimbento't naging produkto milyon-milyong bolpen na ngayon yaong nalilikha at nakakarating na rin sa iba't ibang bansa upang mabiling mura ng masa, kahit ng dukha gamit sa komuni...

Pag may suloy na ang itinanim

Imahe
PAG MAY SULOY NA ANG ITINANIM patuloy pa rin akong nagtatanim ng pag-asa lalo sa panahong ito'y apektado ang masa sa lupit ng pandemyang dinulot ay pagdurusa sa marami't di matingkalang pag-asa'y wala na sa panahon ng pandemya'y natuto nang magtanim sa mga walang lamang boteng plastik na nakimkim sa puso't diwang ang kawalan ay di na maatim naging magsasaka sa lungsod, huwag lang manimdim buti't may mga suloy na ang mga tanim kong halaman na tanda ng tiyaga at pag-asang inaasam sana'y patuloy silang makarating sa tagpuan hanggang biyayang mula sa tiyaga'y masumpungan tara, tayo rin ay maging magsasaka sa lungsod magtanim-tanim at urban farming ay itaguyod tinitiyak kong ang inyong pamilya'y malulugod lalo na't mamunga ang inyong pagpapakapagod - gregoriovbituinjr. 06.10.2021 National Ballpoint Pen Day

Ang tungkulin ng makata sa salita

Imahe
ANG TUNGKULIN NG MAKATA SA SALITA may samutsaring salitang kayganda ngang aralin lalo't mga ito'y nasa talatinigan natin tungkulin ng mga makatang ito'y paunlarin gawing popular sa madla't maunawaan man din may salita ring minsan ay ayaw nating pakinggan dahil tumutukoy sa tagong ari sa katawan may salitang animo'y may bahid ng kabastusan o maging katatawanan pag napapag-usapan ngunit makatang tulad ko'y may tungkulin sa wika sa saliksik, may katumbas ang maraming salita katumbas na katutubo sa salitang banyaga maganda ring aralin ang salitang makaluma lambiyan, lambiyaw, ang lambitong ay alitaptap pukot panulingan, pukot panggilid, pukot dalag hanging balaklaot, timugan, amihan, habagat kayrami pa nating di alam, dapat ding mamulat makata'y may tungkulin sa akda nila't diskurso at mabasa't maunawa ang ibang diyalekto magamit sa sanaysay o tula o kuro-kuro muling paggamit ng salita't lumaganap ito - gregoriovbituinjr. 06.10.2021 National Ballpoin...

Sa papag na kahoy

Imahe
SA PAPAG NA KAHOY wala akong tinitiklop na kulambo o banig pagbangon sa umagang mabanas, mahalumigmig wala ring kumot pag natulog sa papag o sahig wala ring pakialam kung dama'y gabing kaylamig mahalaga sa pagtulog ay mapikit ang mata at sa gayon lamang ako nakapagpapahinga walang borloloy tulad ng malalambot na kama ang unan man ay aklat, may ginhawang nadarama doon ko inaalagata ang maraming paksa doon nakakatagpo ang diwatang minumutya na sa panaginip ay palaging kasalamuha kaya madalas na tulala ang abang makata naroon lang sa papag sa bawat kong paninimdim sa pagitan ng bukangliwayway at takipsilim di ako papayag na basta mabulid sa dilim upang lamunin lang ng halimaw, ng kanyang talim sa bawat pagdurusa'y saksi ang papag na iyon kasangga sa bawat pagsisikap ko't nilalayon di ko na inaasahang makapaglilimayon habang pinagmamasdan ang kislap ng dapithapon - gregoriovbituinjr. 06.09.2021 Writers' Rights Day

Araw ng karapatan ng manunulat (Writers' Rights Day)

Imahe
ARAW NG KARAPATAN NG MANUNULAT (WRITER'S RIGHTS DAY) dalawampu't siyam na taon nang nakararaan nang  Writers' Rights Day  sa Amerika'y pinasimulan ng unyon at grupong manunulat na karapatan ang pangunahing isyung kanilang dedepensahan karapatang pantao ang karapatang magsulat kalayaan nilang magpahayag at magsiwalat karapatang halungkatin ang isyu at magmulat taliwas man sa pamahalaan ang naisulat ayon sa kasaysayan:  ang  National Writers Union,  ang Authors Guild, Published Authors Network,  the Science Fiction and Fantasy Writers of America,  Romance Writers of America, at inilunsad nila ang dalawang oras na protesta sa Grand  Central Terminal, kung saan nilagdaan ang Declaration of Writers’ Economic Rights. Dagdag pa: writers called for more timely  and higher pay, additional pay for subsequent  use of their work, increased copyright protection, better treatment of writers by publishers.  ang mga isyu:   difficulty in ...

Samutsaring nilay

Imahe
SAMUTSARING NILAY kagabi, parang musika ang huni ng kuliglig tila dumating ang diwatang kaylambing ng tinig habang nag-aawitan silang parang mga kabig na sa atas ng diwata'y kaagad manlulupig subalit kaninang umaga, sa aking pagbangon may nagsisigawan at nagkakasiyahang miron may isnatser na nahuli't binugbog pa ng maton dumating ang parak subalit sinong ikukulong umulan kagabi kaya ang paligid ay baha nasok sa silid kaya pala ang semento'y basa habang sa labas, nagtatampisaw ang mga bata nakakatuwa ang ginawa nilang munting bangka at ngayon, tanghali na'y di pa nakapag-almusal maliban lamang sa naritong kape at pandesal na di pa rin nagagalaw, lumamig na sa tagal habang ang makata'y nakatulalang parang hangal patuloy sa trabaho, patuloy ang pagsasalin ng iba't ibang dokumento o mga sulatin tila ba sabik magtrabaho, ayaw pang kumain nakatutok ang isip sa nasimulang gawain maraming balakid, mga hadlang, nakahambalang di lang sa paligid o landas niyang hinahakbang...

Laro ng maestro

Imahe
LARO NG MAESTRO habang nagninilay ay pagmasdan din ang paligid at baka may masagi tayong di pa natin batid matatanto kung bakit may sagabal o balakid sa buhay na masalimuot o sala-salabid nang mapanood ang maestro sa kanyang paglaro na kahit nasa lumbay ka't dusa'y di manlulumo sa mga panayam sa kanya'y may tugon at payo lalo't siya'y nagwawagi kung saan-saang dako nakatalungko akong pinagninilayang sadya ang payo ng maestrong sa ngiti'y di mahalata ang taguri'y Bata upang maiba sa Matanda na sa bawat tangan ng tako'y ano't matutuwa mahikero sa bola, di naman basketbolista magtitisa, mag-iisip, animo'y may pisika minsan, pinapasok ang bola sa pabanda-banda sa tirang di tiyak ay napapahanga ang masa turing sa maestrong dakila'y pinakamagaling sa lupa ng mga Puti, Pinoy ay nakapuwing ako'y napagod sa panonood kaya humimbing at may nasulat sa diwa habang pabiling-biling - gregoriovbituinjr. 06.09.2021 Writers' Rights Day

Patuloy ang paggawa ng yosibrick

Imahe
PATULOY ANG PAGGAWA NG YOSIBRICK ngayong World Oceans Day, patuloy na nagyo-yosibrick ang inyong lingkod dahil karagata'y humihibik pagkat siya'y nalulunod na sa upos at plastik kayraming basurang sa dagat na'y nagpapatirik masdan mo kung anong nabibingwit ng mangingisda pulos basura ang nalalambat imbes na isda di ba't ganito'y kalunos-lunos, kaawa-awa basura'y pumulupot na sa tangrib at bahura kaya sa munting gawa'y di na nagpatumpik-tumpik wala mang makapansin sa gawa't di umiimik na marami nang tao sa mundo'y nag-eekobrik at ngayon, pulos upos naman sa yosibrick project masdan mo ang mga pantalan, liblib na aplaya hinahampas-hampas ng alon ang laksang basura habang wala tayong magawa sa ating nakita marahil dahil di alam na may magagawa pa plastik at upos ay isisiksik sa boteng plastik pulos plastik, walang halo, ang gawaing ekobrik upos ng yosi'y tinitipon naman sa yosibrik baka may magawa upang dagat ay di tumitik paulit-ulit na problema...