laging handa ko'y talbos, o kaya'y tuyo't kamatis
pagkat pagiging vegetarian na'y yakap ko't nais
pagkat ako'y budgetarian ding di dapat magtiis
isda't gulay lang, karne sa sistema na'y inalis
habang nagkakarne pa rin ang pamilya't si misis
ako'y pinagsamang vegetarian at budgetarian
na bagong sistema upang lumakas ang katawan
walang taba ng baka, baboy, manok, walang laman
nakakapagtipid at nakakapag-ipon naman
lalo't tulad ko'y sakbibi pa rin ng karukhaan
vegetarian, budgetarian, dapat ipagmalaki
kumbaga sa pananim, marami kang maaani
sa paglilingkod sa bayan, lalong magkakasilbi
pagkat lulusog ang katawan, panay pa ang muni
di basta magkakasakit, tangi kong masasabi
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...
-
KUNG WALANG SAGOT, MALI BA ANG TANONG? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa Enero 14, 2024 isyu ng palaisipang Aritmetik sa pahayag...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento