minsan nga'y nakakatamad ang umagang kaylamig
subalit dapat bumangon kahit nangangaligkig
upang ihanda ang almusal, dapat nang tumindig
igalaw-galaw ang ulo, katawan, paa't bisig
dapat nang kumilos kahit umaga'y anong ginaw
minsan, mapapabangon agad sa madaling araw
upang umihi't di makadama ng balisawsaw
matapos iyon, mag-ehersisyo't gumalaw-galaw
kakainin ang bahaw at tirang ulam kagabi
pagkat nakagugutom din ang pagmumuni-muni
makikinig sa mga ulat, balita't sinabi
baka maitula ang anumang tagong mensahe
mabubusog, magpapahinga, magbabasa-basa
maglampaso, magluto, magsaing, bago maglaba
magsepilyo, maligo, magpunas gamit ang twalya
magbihis, mag-ekobrik, sa tanim ay bibisita
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...
-
KUNG WALANG SAGOT, MALI BA ANG TANONG? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa Enero 14, 2024 isyu ng palaisipang Aritmetik sa pahayag...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento