Dalawang app game sa selpon
DALAWANG APP GAME SA SELPON sinagot sa panahong tahimik o maingay ngunit walang imik na sa selpon ay aking pinitik sambuwan ng Sudoku 't Word Connect sa dami man ng mga gawain nagpapatuloy man sa layunin pinakapahinga na ang app game sa hapon o pagkagat ng dilim naiiba ang ihip ng utak matapos sa rali'y magtatalak ng mga isyu't paksang palasak at katiwalian ding talamak mabuti't utak ay mapadugo sa app game na nakararahuyo pahinga ko na ang paglalaro lalo't isyu'y nakapanlulumo - gregoriovbituinjr. 04.30.2024