ako'y isang dalagang ina, narito't tulala
kwento ko sana'y unawain habang lumuluha
sa gitna ng pagdurusa'y nabuntis akong bigla
pagkat tatlong lalaki noon yaong gumahasa
di ko malaman bakit iyon sa akin nangyari
bakit sa pagdurusa't ngitngit ako na'y sakbibi
sino bang sisisihin ko, ang akin bang sarili?
gayong di ako mababang lipad na kalapati
doon nga sa restoran kong pinagtatrabahuhan
ay maraming nanliligaw, mahirap at mayaman
may nabasted din ako, mayroong nagalit naman
hanggang may tumangay sa akin, ako'y piniringan
nagpipiglas ako subalit ako'y pinagsuntok
sa tiyan, ginahasa ako't tuluyang nalugmok
ang puri ko'y winasak ng mga hayok na hayok
sayang-saya pa silang sa loob ko'y nagpaputok
ilang araw at buwan ang lumipas ay buntis din
hanggang sa isilang ang batang di sana sa akin
wala akong magawa, pabayaan siya'y krimen
tanging nagawa'y sigaw: hustisya para sa akin!
- gregoriovbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Trapo at basahan
TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...
-
INEMURI sa atin, pag nahuling natutulog sa trabaho baka di lang sitahin, sibakin pa ang obrero kaya ka raw nasa trabaho'y upang magtraba...
-
KUNG WALANG SAGOT, MALI BA ANG TANONG? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa Enero 14, 2024 isyu ng palaisipang Aritmetik sa pahayag...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento