Miyerkules, Pebrero 4, 2026

Pangungulilà

PANGUNGULILÀ

nasanay akong mag-isa
dahil sa pangungulilà
nasanay sa pag-iisa
ito ba'y nakatutuwâ?

bahagi nga ba ng búhay
o ito ba'y pagkabigô
sa pinangarap na búhay
lalo na't sinta'y naglahò

tiningala ko ang langit
minasdan ang panganorin
bakit búhay ay kaylupit?
anong ibig kong sabihin?

oo, di ko madalumat
ang lakad at tinatakbo
parang tasang nagkalamat
at nag-iisa sa mundo

- gregoriovbituinjr.
02.04.2026

* ikawalong anibersaryo ng pamamanhikan (02.04.2018-2026)
* litrato mula sa komiks sa magasing Liwayway

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nag-iisang tulâ

pinasa sa Liwayway magazine ‎ang iisang tulang nakatha rin ‎‎sana tula'y ilathala nila kung pasok ‎sa kanilang panlasa ‎bagamat ako'...