Aparato
APARATO
dapat ay matuto rin tayong
basahin yaong aparato
at mabatid kung anu-anong
kahulugan ng linya rito
mahalaga ang pagmonitor
sa pasyente, anong blood pressure,
respiration rate, temperature,
heart rate, at iba't ibang sensor
lalo't si misis naospital
kayrami ring dapat maaral
lalo't dito pa'y magtatagal
habang ako'y natitigagal
dapat kong lakasan ang loob
ang dibdib ma'y saklot ng takot
pag-ibig sa sinta'y marubdob
sana'y paggaling ay maabot
- gregoriovbituinjr.
04.18.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/162x48EEmw/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento