Dalubkatawan pala'y anatomiya

DALUBKATAWAN PALA'Y ANATOMIYA bagong kaalaman, bagong salita para sa akin kahit ito'y luma na krosword ang pinanggalingang sadya tanong sa Una Pahalang pa lang nga Dalubkatawan , ano nga ba iyan? Anatomiya pala'y kasagutan sa sariling wika'y katumbas niyan at gamit din sa medisina't agham na sa pagtula'y magagamit natin pati na sa gawaing pagsasalin laksang salita ma'y sasaliksikin upang sariling wika'y paunlarin salitang ganito'y ipalaganap di lang sa agham, kundi pangungusap sa anumang paksang naaapuhap sa panitikan ma'y gamiting ganap - gregoriovbituinjr. 04.29.2025 * palaisipan mula sa pahayagang Pang-Masa, Abril 28, 2025