NAKAPAPASONG INIT SA PANGASINAN
klase'y sinuspinde sa Pangasinan
dahil sa grabeng init ng panahon
nauna na ang Lungsod ng Dagupan
at mga katabing bayan pa roon
San Fabian, Rosales, Santa Barbara
Manaoag, Bautista, San Carlos City
pati Jacinto, Labrador, Basista
ang Bayambang pa't Urdaneta City
nakapapasong init tumatagos
magklaseng face-to-face na'y walang silbi
abot kwarenta'y singko degrees Celsius
baka magkasakit ang estudyante
sa matinding init, ingat po tayo
ang klima na'y talagang nagbabago
- gregoriovbituinjr.
03.14.2025
* ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Marso 14, 2025, p.2
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Munting dalit sa PLM
MUNTING DALIT SA PLM O, kabataan at masa magkaisa, makibaka mag-organisa, magpasya maging mga sosyalista tara nang magsama-sama Parti...
-
MGA BIGATING PUGANTE'Y DI PA MAHULI nagigisa ang PNP at DILG sapagkat ang dalawang bigating pugante hanggang ngayon ay di pa nila nahuhu...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...
-
INEMURI sa atin, pag nahuling natutulog sa trabaho baka di lang sitahin, sibakin pa ang obrero kaya ka raw nasa trabaho'y upang magtraba...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento