MAS MAKAPAL ANG BALAT NG TRAPO
kaytinding banat ni Pooroy sa komiks
siya'y para ring environmentalist
endangered na raw ang mga buwaya
ngunit corrupt politicians ay di pa
balat daw ng buwaya ay makapal
magandang pangsapatos, magtatagal
mas maganda raw ang balat ng trapo
mas makapal, di pa endangered ito
kung babasahin mo'y pulos patama
di lang patawa, mayroong adhika
ang masapol kung sinong masasapol
marahil pati sistemang masahol
natawa man tayo ngunit mabigat
totoo sa buhay ang kanyang banat
- gregoriovbituinjr.
02.03.2025
* mula sa pahayagang Remate, Pebrero 3, 2025, p.3
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa unang death anniversary ni misis
SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS depresyon ang dumapo di batid ang gagawin tila nais sumuko ng diwa ko't damdamin biglâ ang...
-
SA IKA-60ng ARAW NAMIN SA OSPITAL Karaniwan ang ikalawang buwan ay itinatapat natin sa petsa ng araw. Tulad nito, Abril 3 kami ni misis nagt...
-
MGA BIGATING PUGANTE'Y DI PA MAHULI nagigisa ang PNP at DILG sapagkat ang dalawang bigating pugante hanggang ngayon ay di pa nila nahuhu...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento