Tao ka ba?
TAO KA BA?
aba'y nagtatanong sa atin ang internet
o ang A.I. o artificial intelligence
beripikahin: "Are you human?", "Tao ka ba?"
upang mabatid na tao ka nga talaga
tinanong ba'y ang di kayang gawin ng A.I.?
o kung tao ka, dapat mayroong patunay?
may beripikasyon "to fight spam and abuse,
please verify you are human", gawin nang lubos
batid ba natin kung kompyuter ang kausap
o tao rin tulad natin yaong kaharap
na tulad sa messenger o pag nag-zoom meeting
gamit ang teknolohiyang dapat alamin
kailangan daw ang human verification
upang matuloy ang nakabinbin mong layon
tanong: "Tao ka ba?", walang paligoy-ligoy
sagutin mong "Yes" upang makapagpatuloy
- gregoriovbituinjr.
09.22.2024
* litrato mula sa isang app
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento