P30 na aklat sa Manila International Book Fair

P30 NA AKLAT SA MANILA INTERNATIONAL BOOK FAIR
Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr.

Trenta pesos na libro? Ows? Hindi nga? Baka naman kung ano lang ang librong iyan kaya mura? Hindi. Sa katunayan, mga aklat pampanitikan ang mga nabili kong iyon. Aklat pampanitikang bagay sa mga makata't manunulat tulad ko.

Unang araw pa lang ng taunang Manila International Book Fair ay agad na akong nagpunta. Aba'y hindi maaaring hindi ko man lang masilip ang taunang okasyong iyon. Inikot ko muna ang venue kung saan may iba't ibang booth ang mga publishing house. Sa unang palapag, pinuntahan ko ang Fully Booked, National Book Store, Ateneo de Manila University Press, UST Publishing House, at marami pa. Hanggang makita ko ang UP Press na pinagkakaguluhan ng mga tao. 

Doon ako sa UP Press nakabili ng tigtetrenta pesos na mga aklat. Nakabili ako roon ng labinlimang libro, na ang pito rito ay nagkakahalaga ng trenta pesos lang, habang limang tig-P59 bawat isa, dalawang tig-P100, at isang P200. Subalit kaygaganda ng pamagat at nilalaman, dahil pampanitikan. Sa pagtalakay lalo na sa bilang ng pahina, pinagsama ko na ang roman numerals at hindu-arabic numerals ng pahina.

Isa-isahin natin ang pitong aklat na tig-P30.

1. Oda sa Kaldero at iba pang tula, ni Roberto "Abet' Umil. Isa siyang propesor sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa. Huli kaming nagkita at nagkausap ni Abet ay nang magkasama kami sa Layag: Forum sa Pagsasalin sa University of Asia and the Pacific noong Mayo 18, 2024, 188 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1/4".

2. A Literary Journey with Gilda Cordero-Fernando, ni Sylvia Mendez Ventura. Kilalang manunulat sa panitikan si Ms. Fernando, lalo na sa fiction at sa creative non-fiction, 178 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1/4".

3. Hairtrigger Loves: 50 Poems on Woemen, ni Alfred "Krip" Yuson, 94 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1/4".

4. 1998 Ang Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kwento. Mga Editor ay sina Aurelio S. Agcaoili at Jose "Pete' Lacaba, 274 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1/2".

5. Galing Cine Cafe, na mga koleksyon ng tula ni Nestor De Guzman, 84 pahina, may sukat na 8" x 5" at kapal na 1/4".

6. Growing into Asia and Other Essays, ni Susan P. Evangelista, 114 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1/4".

7. Huwaran/Hulmahan atbp. The Film Writings of Johven Velasco, 270 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 3/4".

Narito naman ang tig-P59:

1. In the name of the Mother: 100 Years of Philippine Feminist Poetry, ni Lilia Quindoza Hidalgo, 400 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 7/8".

2. Our Scene so Far, Filipino Poetry in English, 1905 to 1955, na editor nito'y si National Artist for Literature Gemino H. Abad, 246 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1/2".

3. Salvador / Javier, at iba pang dula, ni Lito Casaje, 262 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 3/4".

4. The Words and Other Poems, ni Francis M. Macasantos, 174 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 3/8".

5. The Achieve of, The Mastery, Filipino Poetry and Verse from English, mid-'90s to 2016, The Sequel to a Habit of Shores, Volume II, edited by Gemino H. Abad and Mookie Katigbak-Lacuesta, 474 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1".

Narito naman ang dalawang aklat na nagkakahalagang P100.

1. The Achieve of, The Mastery, Filipino Poetry and Verse from English, mid-'90s to 2016, The Sequel to a Habit of Shores, Volume I, edited by Gemino H. Abad and Mookie Katigbak-Lacuesta, 464 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 7/8".

2. Balagen, Edukasyong Pangkapayapaan at Panitikang Pambata, ni Rosario Torres-Yu, 220 pahina, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1/2".

At ang panghuli, na tig-P200, ay: Underground Spirit, Philippine Short Stories in English, 1973 to 1989, Volume 1 (1973-1982), Edited by Gemino H. Abad, 684 pages, may sukat na 9" x 6" at kapal na 1.5".

Pawang mga aklat-pampanitikan. Kapansin-pansin na apat sa mga librong ito ay si National Artist for Literature Gemino H. Abad ang editor, na tatlo ay hinggil sa koleksyon ng mga tula sa Ingles at isa'y koleksyon ng maikling kwento sa Ingles. Anim na aklat naman ang pawang tula ng isang makata. Kaya bale sampung aklat ng mga tula ang aking nabili.

Isa naman ang koleksyon ng mga dula o drama. At apat ang pawang mga sanaysay-pampanitikan.

Dala-dala ko ang mga librong iyon kahit sa ikalawang palapag ng SMX kung saan pinuntahan ko ang iba't ibang booth, tulad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Subalit wala na akong nabili rito.

Nakabili ako ng labinlimang aklat-pampanitikan sa unang araw, at nais ko pa ring bumalik sa huling araw ng Manila International Book Fair upang bakasakaling madagdagan ang mga aklat-pampanitikan ko sakaling hindi pa ubos ang mga murang aklat sa UP Press. Nais ko pa rin kasing makumpleto ang koleksyon ko ng Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kwento, na ang meron lang ako'y ang taon 1998. Baka 'yung 1996, 1997, 1999, at iba pa ay akin ding mabili.

Subalit dapat lang may dala kang salapi para rito. Sa ngayon, pag-iipunan ko naman ang Manila International Book Fair sa susunod na taon.

TRENTA PESOS NA AKLAT SA MIBF

nabili ko'y pitong aklat pampanitikan
na presyo ng bawat isa'y trenta pesos lang
doon sa Manila International Book Fair
sa unang araw nito, sa booth ng UP Press

bagamat mura, piling-pili ko talaga
ang mga aklat na talagang pambihira
may kaugnayan sa tula ay sampung libro
mayroong sanaysay, dula't maikling kwento

mga librong matagal ko ring babasahin
mga estilo ng makata'y aalamin
paggawa ng aklat ng tula'y haharapin
malathala ang mga ito'y titiyakin

sa Manila International Book Fair, tara
manunulat natin ay bigyan ng suporta
baka matsambahan natin si Rio Alma
sa bago niyang libro'y makapagpapirma

09.11.2024

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot