Lagpas apat na taon sa kulungan
LAGPAS APAT NA TAON SA KULUNGAN
tatlong taon lang dapat sa kulungan sa Cavite
ang isang P.D.L. o person deprived of liberty
ngunit naging pitong taon, aba'y anong nangyari?
ating masasabi'y sadyang nagpabaya ang Korte!
ganyang pangyayari'y talagang nakakabagabag
mabuti't nabatid iyon ng isang Raymund Narag
nakausap niya ang preso't siya'y napapitlag
dapat lumaya na ang preso, ang kanyang pahayag
nabatid ni Narag ang ganitong pagmamalabis
sa training niya on jail management at ito'y lihis
mababasa iyon sa pesbuk post niyang "Just-Tiis"
siya'y expert sa international criminal justice
"Ay sori, di pala napadala ang dokumento"
ang sabi umano ng isang istaf ng husgado
matapos paralegal officers sanayin nito
umaasa siyang di mauulit ang ganito
- gregoriovbituinjr.
08.20.2024
* ang buong ulat ay matatagpuan sa kawing na: https://news.abs-cbn.com/regions/2024/8/12/cavite-court-blamed-for-inmate-overstaying-for-4-years-in-jail-1642
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento