KALAT AT DUMI
animo ang kalsada'y luminis
ang nasabi sa akin ni misis
bagyong Carina na ang nagwalis
gabok, basura't dumi'y inalis
baka iyan ang kasiya-siya
sa ginawa ng bagyong Carina
subalit kayraming nasalanta
na dapat nating tulungan sila
ngunit bakit ba may mga kalat
na basura't plastik, anong ulat
nagbara ba sa kanal ang lekat
ganyan ba'y ating nadadalumat
kahit sa laot ang mga isda
microplastic na ang nginunguya
kaya tiyan nila'y nasisira
pagkat basura'y di mailuwa
ano ngayon ang ating tungkulin
pagkalat ng basura'y di gawin
binabahang lugar ay ayusin
ah, ito'y pag-isipan pa natin
- gregoriovbituinjr.
07.29.2024
* litrato mula sa app game na Word Connect
Lunes, Hulyo 29, 2024
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...
-
KUNG WALANG SAGOT, MALI BA ANG TANONG? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa Enero 14, 2024 isyu ng palaisipang Aritmetik sa pahayag...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento