Bardagulan sa walwalan
BARDAGULAN SA WALWALAN
muli nating natunghayan sa dyaryo
yaong pabalbal o salitang kanto
pagkat bumungad agad sa titulo
pamagat: "Bardagulan sa walwalan,
katropa nategi", iyo bang alam
kung ano ang ibig sabihin niyan?
nagkabugbugan habang tumatagay
isa sa kasamahan ang napatay
salita ng mga maton at tambay
umuunlad ang wikang Filipino
nagagamit pati salitang kanto
sa balita o pag-ulat sa dyaryo
sa partikular na lugar ay wika
na minulan ng tagapagbalita
na tiyak unawa ng mga siga
sa bokabularyo'y maidaragdag
sa glosaryo'y mga salitang ambag
na sa ating wika'y di naman labag
- gregoriovbituinjr.
05.30.2024
* ulat mula sa Abante Tonite, Mayo 26, 2024, p.3
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento