Agahan

AGAHAN

tara munang mag-almusal
bago magtungo't dumatal
sa dadaluhang pestibal
at pulong na magpapagal

dapat may laman ang tiyan
pag umalis ng tahanan
nang di magutom sa daan
may lakas sa talakayan

dadaluha'y isang misyon
na usapin ay translasyon
mga tagasalin roon
ay may gawaing maghapon

kaya ako'y naghahanda
sa dadaluhang adhika
nang mapaunlad ang diwa
at ang tungkulin sa wika

- gregoriovbituinjr.
05.18.2024

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?