MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang tahanan. Wala nang tirahan ang kanyang pamilya. Ang kanyang bunso'y iyak ng iyak dahil marahil sa lamig ng gabi. Ang langit na ang kanilang kisame. Kanina, nasa trabaho siya. Nakatutok maghapon sa makina. Walang obertaym kaya maagang nakalabas. Subalit nagyaya pa ang isang kasamahan. Tigalawang bote ng beer muna bago umuwi. Pagdating sa inuuwian, nag-iiyakan, nagsisigawan, malalakas na boses ang kanyang nadatnan. Habang ang iba'y muli namang itinatayo ang kanilang nagibang barungbarong. Nagbabakasakaling maibalik ang buhay na nawala sa buong maghapon. Inilagay niya sa pinggan ang binili niyang pansit upang pagsaluhan nilang mag-anak. Habang kanyang iniisip, anong kinabukasan mayroon ang kanyang mga anak sa lugar na iyon? Kailangan na ba nilang lumipat at ialis ang kanyang pamilya roon? Magiging makasarili siya kung iyon ang gagaw...
TANONG SA KROSWORD: IKLI NG BAKIT ang kadalasang tanong: Pamalo ng bola subalit ang tanong ngayon ay kakaiba tila nadadalian na o nauumay ang gumagawa ng krosword na anong husay tatlong titik lamang, Pamalo ng bola: BAT ngunit ngayon, tila ba tayo'y inaalat Tatlumpu't Siyam Pahalang: Ikli ng bakit BAT pala, sa huntahan narinig malimit Bat ganyan ka? pinaikling Bakit ganyan ka? Bat di mo ligawan ang matandang dalaga? Bat kasi pumunta ka sa gubat na iyon? Bat mo pinabayaan ang anak mo roon? bagamat sa panitikan ay di magamit pagkat pabalbal ang Bat, ayos pa ang Bakit sa mga awit man, sanaysay, kwento't tula ay Bakit, at di Bat, di Batman ang makata maaari ring tanong: Paniki sa Ingles na tiyak na masasagot mo ng mabilis Bakit ko gagamitin ang Bat kung di wasto maliban kung ipampalo ng bola ito - gregoriovbituinjr. 01.11.2025 * mula sa pahayagang Pang-Masa, 10 Enero 2025, p.7
ANG BUHAY BA'Y TULAD NG MOBIUS STRIP? ang buhay ba'y tulad ng mobius strip? hinehele't tila nananaginip na lagi nang buhay ay sinasagip habang patuloy na may nililirip hinggil sa kung anumang halukipkip tila dinugtong na magkabaligtad ang mga dulo ng gomang malapad madaraanan lahat pag naglakad pabalik-balik ka kahit umigtad ganito ba ang anyo ng pag-unlad? paikot-ikot ka lang sa simula hanggang maramdaman mong matulala mabuting patuloy na gumagawa kaysa naman magpahila-hilata bakasakaling tayo'y may mapala ang mobius strip ay pakasuriin sa matematika'y alalahanin baka may problemang mahagip na rin masagip ang pinoproblema natin upang sa baha'y di tayo lunurin - gregbituinjr.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento