Pag sabay daw umaaraw at umuulan
PAG SABAY DAW UMAARAW AT UMUULAN pag sabay daw umaaraw at umuulan sabi nila'y may kinakasal na tikbalang marahil ay ibang paniniwala iyan ang totoo, climate change na'y nararanasan halina't dinggin ang awit ng Rivermaya "Umaaraw, Umuulan" ang kinakanta "Ang buhay ay sadyang ganyan," sabi pa nila datapwat di sadyang ganyan, may climate change na patuloy na ang pagbabago ng panahon nang magsunog na ng fossil fuel at karbon paggamit nito'y dapat nang wakasan ngayon na ating panawagan sa maraming nasyon sabihin mang may tikbalang na kinakasal aaraw, biglang uulan, di na natural gawa ng tao ang climate change na umiral na dapat lutasing isyung internasyunal - gregoriovbituinjr. 10.17.2023 * Climate Justice Walk 2023 * sinulat ng madaling araw sa Gumaca, Quezon, * litratong kuha ng makatang gala bago magsimula ang lakad