Patas, patis, patos

PATAS, PATIS, PATOS

PATAS
nais ko'y isang patas
na lipunan, parehas
ang palakad at batas
nang walang aliwaswas

PATIS
nalasahan ng dila
ang patis sa nilaga
pinasarap na sadya
at busog ang napala

PATOS
pinatos ang dalaga
na bagong kakilala
akala'y bagong sinta
ngunit bayaran pala

* Tatlong tanaga ni gregoriovbituinjr.
09.12.2023

* aliwaswas - katiwalian, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.37

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot