Motawa at Lasuna
MOTAWA AT LASUNA
sa palaisipan ay muling natulala
dahil di ko alam ang sagot na salita
subalit mahalaga namang isadiwa
pulis sa Saudi ang Labimpito Pababa
sibuyas ng Ilocos sa Trese Pahalang
buti't may diksyunaryo naman sa tahanan
salita pala'y LASUNA nang matagpuan
nang aking masaliksik, puso ko'y nagdiwang
ang sagot ko'y MOTAWA sa pulis-Arabo
mula naman kay google ay natagpuan ko
baka batid din ng mga O.F.W.
na sa Saudi ay matagal na nagtrabaho
mga salitang minsan dapat kabisahin
at baka magamit sa akdang kakathain
sa palaisipang ito'y salamat na rin
di alam na salita'y nababatid natin
- gregorioovbituinjr.
09.03.2023
* mutawa (alternative forms - mutawwa, muttawa)
A member of the religious police in Saudi Arabia. The religious police as a body.
https://en.wiktionary.org/wiki/mutawa
* lasona - sibuyas, mula sa U.P. Diksiyonaryong Filipino, p.681
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento