Sa Araw ng Kalayaan
SA ARAW NG KALAYAAN
ang Araw ng Kalayaan sa atin ay pamana
ng mga ninunong kilala at hindi kilala,
ng mga bayaning dinarakila sa tuwina,
dahil laya ng bayan ay ipinaglaban nila
Araw ng Kalayaan, malaya nga ba ang bayan?
bakit dukha'y laksa-laksa? mayaman ay iilan
sa ngalan ng progreso'y sinira ang kalikasan
nagtayo nga ng tulay, bundok ay kinalbo naman
lumaya nga sa mga mananakop na banyaga
ngunit di sa burgesya't kapitalistang kuhila
di pa rin mabayarang tama ang lakas-paggawa
nayuyurakan pa rin ang karapatan ng dukha
may deklarasyon kaya may Araw ng Kalayaan
nariyan pa rin ang mapagsamantalang iilan
Liberty, Freedom, Independence pa ri'y ipaglaban!
hanggang kamtin ang asam na makataong lipunan!
- gregoriovbituinjr.
06.12.2023
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento