Happy Father's Day
HAPPY FATHER'S DAY
isang araw bago kaarawan ni Dr. Rizal
ay Father's Day, kaya mga ama'y ating itanghal
pagkat sila'y nagtrabaho, nagsikap at nagpagal
nang tayo'y mapalaki, mapakain, mapag-aral
paano ba ilalarawan sa mga kataga
ang hirap at sakripisyo ng amang manggagawa
upang tayo'y lumaking marangal at maihanda
sa pagtahak sa landas ng luha, tuwa't paglaya
ating pagpugayan ngayong Araw ng mga Ama,
sina Tatay, Daddy, Ama, Itay, o kaya'y Papa,
haligi ng tahanan silang katuwang ni Ina
pagkat wala tayo sa daigdig kung wala sila
ating bati: Maligayang araw ng mga Tatay!
at sa lahat ng ama, mabuhay kayo! Mabuhay!
- gregoriovbituinjr.
06.18.2023
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento