Miyerkules, Disyembre 21, 2022

Pluma

PLUMA

matatag yaring pluma
pag kasama ang mutyâ
dama yaring pag-asa
kaytindi man ng sigwâ

salita'y nahahabì
sadyang kawili-wili
siya ang kalahatì
niring buhay na iwi

minsang nakatalungkô
nasulat ay siphayò
aking siyang sinundô
tanging dala'y pagsuyò

- gregoriovbituinjr.
12.21.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paalala sa publiko

‎ PAALALA SA PUBLIKO ‎palasak ang No ID, No Entry ‎saanmang tanggapan o gusali ‎ ‎n'ung pandemya, No Facemask, No Entry ‎sa opis, mall, ...