SA IKA-60ng ARAW NAMIN SA OSPITAL Karaniwan ang ikalawang buwan ay itinatapat natin sa petsa ng araw. Tulad nito, Abril 3 kami ni misis nagtungo sa ospital at naadmit siya roon dahil sa stroke. Sa Hunyo 3 ang ikalawang buwan namin sa ospital. Subalit kung bibilangin sa daliri, ang Hunyo 3 ay ika-62 araw. Kailan, kung gayon, ang ika-60ng araw, kung ang bawat buwan ay binibilang ng 30 araw, na tila tulad sa bilang ng araw sa pasahod? Bagamat batid nating sa isang taon, pag di leap year, pitong buwan ang may 31 araw, apat na buwan ang may 30 araw, at ang Pebrero ay 28 araw. Kung ika-62 araw ang Hunyo 3 minus 2, Hunyo 1 ang ika-60ng araw. Ginawan ko ng pormula ang bilang ng araw sa Abril. Kasama sa bilang ang Abril 3, kaya hindi Abril 30 minus Abril 3 ang pagbibilang. Kundi dapat Abril 30 minus Abril 2. Subalit hindi kaagad natin maiisip ito kung hindi natin titiyakin sa pagbilang sa daliri. Kaya ginawan ko ito ng pormula na madaling matandaan. Ito ang pormula: (x - y) + 1 = n Given: ...
ANG BUHAY BA'Y TULAD NG MOBIUS STRIP? ang buhay ba'y tulad ng mobius strip? hinehele't tila nananaginip na lagi nang buhay ay sinasagip habang patuloy na may nililirip hinggil sa kung anumang halukipkip tila dinugtong na magkabaligtad ang mga dulo ng gomang malapad madaraanan lahat pag naglakad pabalik-balik ka kahit umigtad ganito ba ang anyo ng pag-unlad? paikot-ikot ka lang sa simula hanggang maramdaman mong matulala mabuting patuloy na gumagawa kaysa naman magpahila-hilata bakasakaling tayo'y may mapala ang mobius strip ay pakasuriin sa matematika'y alalahanin baka may problemang mahagip na rin masagip ang pinoproblema natin upang sa baha'y di tayo lunurin - gregbituinjr.
MGA BIGATING PUGANTE'Y DI PA MAHULI nagigisa ang PNP at DILG sapagkat ang dalawang bigating pugante hanggang ngayon ay di pa nila nahuhuli anong nangyari? bakit di pa masakote? para bang awtoridad pa ang kinakapos subalit ayon kina Marbil at Abalos lahat ng makakaya'y ginagawang lubos nang gawain ng mga suspek na'y matapos sina Guo at Quiboloy ang tinutukoy na dapat nilang masakote sa kumunoy ang isa'y Mayora, isa'y Pastor, kaluoy! baka nakaalis na ng bansa, aba, hoy! hoy, gising! ang sinisigaw ng mamamayan ipakita nilang sila'y may kakayahan dakpin na agad ang mga suspek na iyan at maikulong sa kanilang kasalanan - gregoriovbituinjr. 08.21.2024 * ulat mula sa pahayagang Abante, Agosto 16, 2024, p. 1 at 2
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento