SA LANDAS NG TATLONG BAYAN Maikling kwento at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Marahil ay magtataka ang iba pag nalaman nilang tatlong bayan itong tinatahak nang mamatay si Dad. Ang punerarya ay mula Nasugbu, ang burol ay sa Balayan, at ang libing ay sa Calaca. Karaniwan kasi, pag namatay ay sa isang bayan lang ang nag-aasikaso, o kaya'y dalawang bayan, na ang bayan ay katabi ng isa pang bayan. Subalit kay Dad ay tatlo. May kwento kasi iyan. Si Dad talaga ay taga-Balayan, subalit nagkaroon ng bahay sa isang barangay sa Nasugbu kung saan maraming kamag-anak na Bituin. Sa pagitan ng Nasugbu at Balayan ay ang bayan ng Tuy (na binibigkas na Tu-Wi), na marami ring kamag-anakang Bituin, tulad sa Barangay Putol. Nais naman ni Dad mailibing sa Calaca dahil doon din nakalagak ang mga labi ng Tatang, o Mamay (o lolo) Tura at Nanay (o lola) Tinay, na magulang ni Dad. Kung sa Balayan siya ilalagak ay solo lang siya, at makakasama niya marahil doon ay ang kanyang balae na si Ka Juani. Iyan ang p
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento