Ang paalala

ANG PAALALA

huwag mong basta iiwan
gamit mo kung saan-saan
lola'y kabilin-bilinan
laban sa asal-kawatan

naiwan mo lang sandali
upang luha mo'y mapawi
sa nadamang pagkasawi
at hapdi ng pusong iwi

subalit wala na, wala
ang iyong dala't namutla
nawala na rin ang sigla
hapdi'y nanatiling sadya

napakahalaga niyon
pagkat puso mo'y naroon
subalit wala na iyon
pa'no na makakaahon

salamat sa paalala't
kayraming naaalala
palala nang palala na
ang uod ay nariyan pa

- gregoriovbituinjr.
11.30.2022

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot