_abag
_ABAG
tulong daw sa Sebwano ay abag
alitan at suntukan ay babag
hangin sa tiyan naman ay kabag
pakiramdam ng awa ay habag
di pagsunod sa batas ay labag
paggutom sa kakatayi'y tabag
at tunog ng paghakbang ay yabag
- gregoriovbituinjr.
10.11.2022
* abag - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1
* tabag - mula sa UPDF, p. 1195
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento