Minsan

MINSAN

nadatnan ko sa kalsada'y
nagtawirang ipininta
habang hanap na pareha'y
maalindog na dalaga
kung sakaling di makuha'y
papaspasan na talaga
tatampok mang magaganda'y
di nanghinayang ang bida
hanggang amin nang tinangka'y
ang tangkay ng kalabasa
tinanim sa masetera'y
isang buto ng sampaga
bagamat inaalala'y
ang layuning dala-dala
at naninilay na pala'y
ang nagkakaisang masa

- gregoriovbituinjr.
07.05.2022

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan