Bawat tula'y tulay
"An artist is not a special kind of person rather each person is a special kind of artist." - mula sa paskil sa isang kainan
ako'y isang manunula
at artista ng salita
kahit bumagyo't bumaha
ay patuloy sa pagkatha
iyon na ang naging buhay
niring makata ng lumbay
na ang bawat tula'y tulay
sa madla ng diwa't pakay
tulay sa bawat linggatong
at paglaban sa ulupong
tulay sa dukha't may dunong
upang bayan ay sumulong
kung sa tula'y may magbasa't
kinagiliwan ng masa
mula sa puso talaga'y
pasasalamat tuwina
- gregoriovbituinjr.
02.21.2022
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento