Salamisim
napatingala muli sa langit
walang buwan, di bughaw, pusikit
wala rin ang bituing marikit
habang nadarama'y anong init
nahan ang sundang mula sa buwan
at ang buwang ay huwag mong sundan
kaysarap ng manggang manibalang
habang binabagtas yaong ilang
habang di pa rin natin malimot
ang naraanang lungsod at gusot
naglulutangan pa rin sa laot
ang plastik at upos, O, kaylungkot
sala-sala sa mga basura
tila baraha, binabalasa
nagbabaga na rin pati klima
at lumulubog ang mga isla
ibukod ang mga nabubulok
sa mga basurang di mabulok
ibasura ang sistemang bulok
at ilagay ang dukha sa tuktok
- gregoriovbituinjr.
11.24.2021
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento