MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang tahanan. Wala nang tirahan ang kanyang pamilya. Ang kanyang bunso'y iyak ng iyak dahil marahil sa lamig ng gabi. Ang langit na ang kanilang kisame. Kanina, nasa trabaho siya. Nakatutok maghapon sa makina. Walang obertaym kaya maagang nakalabas. Subalit nagyaya pa ang isang kasamahan. Tigalawang bote ng beer muna bago umuwi. Pagdating sa inuuwian, nag-iiyakan, nagsisigawan, malalakas na boses ang kanyang nadatnan. Habang ang iba'y muli namang itinatayo ang kanilang nagibang barungbarong. Nagbabakasakaling maibalik ang buhay na nawala sa buong maghapon. Inilagay niya sa pinggan ang binili niyang pansit upang pagsaluhan nilang mag-anak. Habang kanyang iniisip, anong kinabukasan mayroon ang kanyang mga anak sa lugar na iyon? Kailangan na ba nilang lumipat at ialis ang kanyang pamilya roon? Magiging makasarili siya kung iyon ang gagaw...
Bukrebyu: BANAAG AT SIKAT ni Lope K. Santos Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nabili ko nitong Hulyo 26, 2019 ng hapon ang aklat na " Banaag at Sikat " ni Ka Lope K. Santos sa Popular Bookstore sa halagang P295.00. Ito ang ikalawa kong pagbili ng aklat na ito, pagkat naiwala ko o marahil ay nasa hiraman, na di ko na matandaan, ang una kong aklat na nabili ko noong Hulyo 4, 2008, sa halagang P250.00. (Natatandaan ko ang petsang iyon pagkat naisalaysay ko na ito sa isa pang artikulo.) Ang Banaag at Sikat ang kauna-unahang nobelang sosyalista sa ating bansa. Isinulat niya ito ng serye sa pahayagang Muling Pagsilang noong 1904-05 at nalathala naman bilang ganap na aklat noong 1906. Ayon kay LKS, "Ang unang pagkalimbag nitong Banaag at Sikat ay noong 1906. May dalawang taong sinulat ko araw-araw at inilathala sa pahayagang Muling Pagsilang, at nang matipon na at mabuo, ay ibinigay ko sa imprenta McCullough, at doon nga ginawa ang paglilimbag." Binub...
SA LANDAS NG TATLONG BAYAN Maikling kwento at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Marahil ay magtataka ang iba pag nalaman nilang tatlong bayan itong tinatahak nang mamatay si Dad. Ang punerarya ay mula Nasugbu, ang burol ay sa Balayan, at ang libing ay sa Calaca. Karaniwan kasi, pag namatay ay sa isang bayan lang ang nag-aasikaso, o kaya'y dalawang bayan, na ang bayan ay katabi ng isa pang bayan. Subalit kay Dad ay tatlo. May kwento kasi iyan. Si Dad talaga ay taga-Balayan, subalit nagkaroon ng bahay sa isang barangay sa Nasugbu kung saan maraming kamag-anak na Bituin. Sa pagitan ng Nasugbu at Balayan ay ang bayan ng Tuy (na binibigkas na Tu-Wi), na marami ring kamag-anakang Bituin, tulad sa Barangay Putol. Nais naman ni Dad mailibing sa Calaca dahil doon din nakalagak ang mga labi ng Tatang, o Mamay (o lolo) Tura at Nanay (o lola) Tinay, na magulang ni Dad. Kung sa Balayan siya ilalagak ay solo lang siya, at makakasama niya marahil doon ay ang kanyang balae na si Ka Juani. Iyan ang p...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento